Camping sa Baguio

324 9 0
                                    


Hi good evening spookify,

Gusto ko lang i-share yung nangyari samin nung camping last year sa Baguio. Exact place sa Nazarene College. Catholic ako pero dahil naging malayo ako sa Panginoon, bibihira akong magsimba o magdasal kaya minsang inanyayahan ako ni mama na dumalo sa isang camping for born again teenagers. At first sobrang out-of-place ako kasi wala akong kilala sa kanilang lahat. May iilan pero pamilyar na mukha lang from Manila.

FF.
5 days camping yon around April or May 2018. Dahil na ron sa dami namin separated ang rooms. 20 kami halos sa isang room na may kutson at makakapal na kumot. Sa 5 days na yon parang tram building ang tema na kung saan may prayer and worship.

Pero 1st night palang namin don ay may mga kasama na ako sa room na natatakot dahil may nadidinig daw sila na mga batang nagtatakbuhan sa corridor. Naikwento nila yon kinaumagahan na. I find it interesting though I'm quite terrified too.

2nd night ako ang last na pumasok sa room dahil naligo pa ako tulad ng nakasanayan ko sa Bulacan, bago ako matapos maligo ay may nakasabay ako papunta sa kabilang room. Nung tingnan ko sya bigla syang kumaripas ng takbo. Kinaumagahan sinabi nya sakin na may babae daw na nasa likod ko kagabi na may kadena sa paa habang sinisundan ako.

3rd night nagkabiruan silang lahat na i-celebrate sa room namin yung birthday ng isa sa mga pastor namin. Nung matapos ang sorpresa kay pastor itinabi lahat ng lobo sa isang gilid ng room. Nung sumapit ang umaga napansin ko karamihan sa roommates ko mukhang aligaga at mga puyat, nang tanungin ko sila hindi daw sila nakatulog magdamag dahil may naglalaro daw ng mga lobo sa loob ng kwarto na tili ba pinapalo. Dun na ako nagtaka dahil alam ko mababaw ang tulog ko kaya konting ingay lang ay magigising na ako.

4th night at last night namin don, napagdesisyunan naming mga nakakatandang teenagers na magkwentuhan dahil kahit may mga something na weird sa lugar ay masaya din naman ang experience. That night I don't know why pero alam kong ang lakas ko pang mang-asar sa lahat bigla akong nakatulog, as in sapilitan akong pinatutulog. Paggising ko kinaumagahan nag-e-empake na silang lahat at nagsipunta na sa kanya-kanyang bus. Habang nasa bus kami nabanggit samin ni pastor na may anti-church daw na malapit don sa kabilang burol. And that night maraming mga tao sa bintana namin na nakatingin sa mga roommates ko yun ang kwento nila. So napagdesisyunan ng mga pastor na never na kami babalik sa lugar na yon.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now