Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat

190 3 0
                                    

Admin baka pwedeng mag-share ng story ko. Ikukuwento ko na lahat. Paki-hide na din ng identity ko nagbabasa kasi dito ang mga kapatid ko pati ibang officemates ko.

Ok, tawagin nyo na lang ako sa pangalang Amadeuz, hindi ako writer kaya hindi ako magaling magkwento. Base lang ito sa lahat ng natatandaan ko kaya parang medyo malabo yung kwento o malabo yung kwento bash nyo ako ok lang tatangapin ko. Hindi ko kayo pipiliting maniwala kasi alam ko namang lahat kayo hindi ko kayang i-please. Basahin nyo saka nyo ako husgahan. Sisimulan kong ikwento yung nangyari sakin noong binata pa ko. Actually, "mga".

Anita

Ito yung mga panahong down na down ako. Iniwan ng girlfriend, walang trabaho, tamad, humihingi ng pera sa magulang. Magaling akong mag-drawing saka humulma ng mukha ng babae nung binata ako pero ngayon marunong pa din naman akong mag-paint kaso di ko na natututukan dahil bukod sa pamilyado na ako, tambak pa ako ng deadline sa trabaho.

FF. Nagdrawing ako ng isang babae. Habang ginagawa ko sya iniisip ko na ito yung mukha ng babaeng sana'y mapangasawa ko. Maganda, mapungay na mga mata, makikipot na labi maliit na mukha, mahaba ang buhok na itim na itim at mapupulang mga labi. Lahat ng emosyon ko binuhos ko sa canvass. Di ako natutulog ng maaga matapos lang, hindi din ako satisfied pag hindi perfect yung pagkakagawa ko. Hanggang natapos ko yung drawing saka sinabit sa kwarto ko. Araw-araw kong tinititigan saka kinakausap yung picture. Ganon lang ako sa loob ng 2 taon parang baliw na kinakausap yung picture. Hanggang magka-girlfriend ako, inalis ko na yung drawing saka itinambak kasama ng mga gamit kong hindi na kailangan sa loob ng cabinet. Isang araw napansin ng kaibigan ng kapatid kong may third eye daw, na may nakita syang magandang-magandang babae sa kwarto ko nakadungaw sa bintana malungkot na nakatitig sakin habang kausap ko ang gf ko sa labas. Tinanong ako kung may gf daw ba akong iba bukod sa current gf ko. Sinabi kong wala. Saka nya lang napansin na parang hindi daw solid yung itsura ng babae sa bintana ko. Di ko kayang i-describe eh sabi sa inyo di ako magaling magkwento kaya imaginin nyo nalang hahaha. So ayun nga, pina-describe ko sa kanya ang itsura kako ay parang pamilyar. Hanggang sa inakyat ko sya sa loob ng kwarto ko saka ko kinuha yung drawing ipinakita ko sa kanya. "Ayan! Yan mismo yung nakikita ko sa bintana mo!" Sabi nya. Hindi ako nakapagsalita lalo nung sinabi niyang after niyang hawakan yung picture parang nag-iba yung pakiramdam nya na parang nalungkot daw. Tapos kesyo ramdam nya daw na punong-puno emosyon yung drawing na ginawa ko sinagot ko nalang sya na ewan ko. Tinanong ko sya kung nakikita nya pa ba yung babae sabi nya hindi na pero nararamdaman nya.
Gabi bago ako matulog iniisip ko yung sinabi ng kaibigan ng kapatid ko hindi pa din ako naniniwala di kasi ako mapagpaniwalain sa mga ganyan. Pero bago ako matulog sinibukan kong kausapin yung picture, "Kung totoo ka magpakita ka sakin sa panaginip. Mag-usap tayong dalawa." Hanggang sa nakatulog ako, sya yung iniisip ko. Paulit-ulit kong sinasabing magpakita sya. Hanggang sa magpakita nga sya. Yung eksena nasa kwarto kaming dalawa. Titig na titig ako sa kanya. Kung ano yung painting ko, ayun na ayun ang itsura nya. Maliban sa kulay ng buhok. Gold yung buhok nya sa panaginip ko. Sa panaginip ko parang sobrang tagal na naming magkakilala. Hindi ako naiilang masaya kaming dalawa na nag-uusap, magkayakap. Tapos yung last part tinanong ko kung anong pangalan nya ang sagot nya sakin ay "Anita."

Ayun tapos nag-asawa ako. Umalis sa bahay tumira sa malayo. Sabi ng kaibigan ng kapatid ko nakakausap nya si Anita. Nagtatanong daw sa kanya nasaan ako, kailan ako babalik. Sabi din ng mga kapatid ko yung isang pamangkin kong babae 6 years old pa lang noon nilagnat dahil may nakita daw syang babaeng maganda na gold yung buhok sa hagdan. Pinaakyat daw sya saka sinabihang "Akyat ka baka ka mahulog saka bantayan mo kapatid mong maliit walang kasama baka mapano." Yung pamangkin kong yun 10 years old na ngayon pag tinatanong ko natatawa nalang sya pero sabi nga nila mabait daw si Anita.

Babaeng itim

Gumawa ako dati ng mukha ng babae. Hinulma ko sa clay pinatigas ang itsura nya mukha hanggang tenga walang likod imaginin nyo yung ulo nyo hinati sa gitna. Wala yung tenga saka batok. Na-imagine nyo ba? Hahaha basta ganon. Tapos kumuha ako ng plywood binudburan ko pinahiran ng charcoal tapos pinuno ko ng tinunaw na glue stick saka ko hinalo-halo. Bago ko ipatong yung mukha ng babae. Ang itsura nya parang babaeng nakalubog sa tubig na itim. Ang nakalabas lang mukha para di malunod. Ginawa ko din ito nung depressed ako. Bilisan ko na, nakikita sya ng kaibigan ng kapatid ko pati ng ibang taong dumadalaw na nakikitulog sa bahay namin. Babaeng nakaitim sa hagdanan na basa. Hindi nagsasalita ito nakatitig lang daw ng masama. Isa pa, ang nakikita daw nila may kasamang bata. Di ko din alam kung ano ang pangalan kasi minsan nagpakita sya sa panaginip ko binangungot ako. Kaya ang ginawa ng nanay ko nung nag-asawa na ako ay itinapon daw.

Paring pugot

Ako lang ba yung ganito o don sa ibang nakakita na. May nagpakita kasi sakin noon malapit sa school na pinasukan ko minsang umuwi ako ng gabi galing sa barkada may naaninag akong nakatayong lalaki siguro mga 6ft ang taas nya. Nakatayo ng diretso yung dalawang kamay nya magkapatong na nakalapag sa harapan nya. Tapos ito na nga, tinititigan ko nung mga oras na yun pakiramdam ko tao lang di ako nakaramdam ng kahit na anong kaba. Nagtataka pa ako bakit nandon yung lalaki nakayuko at umaambon pa. Hanggang sa may dumaang tricycle nadaanan sya ng ilaw. Siyet, nakita ko mahaba yung suot nyang itim na may white sa bandang leeg pero wala syang ulo. Wala lang normal lang pakiramdam ko hanggang sa nalagpasan ko na. Saka lang nag-sink in sakin na hindi tao yung nakita ko.

Retreat

Nangyari ito nung nag-aral ako sa isang catholic school sa Mandaluyong taong 2008 bago grumaduate. Last night ng retreat namin. Bandang Antipolo. Kinausap kaming lahat ng mga prof saka pari ng school. Lahat kami kailangang magdala ng kandila papunta sa lawn ng retreat house 50 students kaming lahat. Limang tao bawat grupo uupo kami ng paikot saka kami magdadasal ng taimtim. Binigyan kami ng isang oras para magdasal. Mag-usap-usap pagkatapos. Ang instruction samin walang tatayo. Papatunugin yung bell after 1 hour. Saka namin kukunin lahat ng kandila namin isa-isa saka pipila pabalik sa lobby. Patay lahat ng ilaw bukod tanging kandila lang namin yung maliwanag. 30 mins habang nakapikit kami narinig namin yung mga prof na sumisigaw. Balik! Di pa tapos ang 1 hour. Nagsigawan yung mga babaeng prof. Tapos biglang tumahimik. 1 hour. Tumunog na yung bell. Pila kami pabalik sa lobby. Nagtataka kami bakit nakaluhod lahat ng pari. Yung mga prof naming babae nag-iiyakan. Tinanong namin kung bakit sila umiiyak. Yung iba namumutla. Sabi nila samin, sumigaw daw sila kanina dahil wala pang 1 hour nagsitayuan na kami pumila at saka pabalik na sa lobby. Kita nila sa sliding door ng retreat house mga kandila namin nakapila. Pero paglabas nila para harangin kami, nakita daw nila lahat ng nakapila puro mga nakaputi. May bata may matanda. May babae saka lalaki. Kinilabutan kaming lahat. Sabi nila father, baka daw nanghihingi ng dasal o sa sobrang taimtim ng pagdarasal namin napalabas namin silang lahat.

Naikwento ko ito sa page ng KMJS. Medyo madami ding nag-like saka kinilabutan. Sana mapansin ng admin. Happy reading sana naman ma-i-post ito admin. Salamat. May iba pa akong kwento bukod diyan.

Amadeuz

Scary Stories 5Where stories live. Discover now