Compiled Stories 22

153 3 0
                                    


Boses

Magandang gabi. Pauwi na ako ngayon galing sa Iriga. Sarap ng bakasyon. Late gigising, late matutulog, bahala ako kung anong oras ako kakain. Nag-stay ako sa bahay ni lola, side ni papa. Malaki ang bahay na un. Lumawak pa kasi renovated na. Yung likod ng bahay na yun ay tadtad ng iba't ibang puno. Mukha nang gubat sa sobrang dami. Mahal na mahal ni lola ang bahay na yun. Ayon sa kwento sakin, doon daw nya nakikita sa bahay na yun yung pagtutulungan nila papa at mga kapatid nya. Masaya si lola doon, palagi syang naka-smile at palaging nakayakap saming mga apo nya tuwing bibisita kami doon. Ramdam namin sa bawat yakap ni lola na always welcome kami sa bahay at ligtas kami palagi dun dahil poprotektahan daw kami ni lola. Kahit patay na si lola e ramdam ko pa rin na nandun lang sya at masayang pinapanood ang pagbabakasyon ng pinakamakulit nyang apo. Pero eto na nga, 1 week sana akong magbabakasyon dito kaso may kakaiba na namang engkwentro tsk. Mula nung naka-experience ako ng kababalaghan dun sa hotel sa Makati Ave., parang naging sunod-sunod na yata ang nakakaengkwentro ko. Parang tanga nananahimik e tsk. Nangyari ito kagabi (January 14, 2020). Hindi ko alam ang oras kasi di ko suot ang relo ko, basta 'Bandila' na ang palabas nun.

Nakitambay ako dun sa bahay ni uncle hanggang gabi kasama ang mga pinsan ko. Nagtipon na din dun yung iba ko pang mga pinsan nung nalaman nga na umuwi pala ako. yosi, softdrinks, chichirya. Yan lang tinira namin, walang alak kasi magagalit si auntie. Ayaw nya kaming nakikita na umiinom. Sinunod nalang namin para masaya ang tambay. Masaya ang kwentuhan namin para silang mga barber rangers sa dami ng kwentong binitawan nila at sa dami nga ng kwento ay di ko na namalayan ang oras, madilim na pala. 'Bandila' na ang palabas nun e. Sabi ko uuwi na ako. Sumabay na din naman sila. Magkakaiba ang way namin pauwi. Sa kamalasan, mag-isa lang akong maglalakad pauwi sa bahay ni lola. Ayos lang din naman, di naman malayo ung lalakarin. Kung susukatin e nasa 100 meters siguro. Medyo malayo na ako sa bahay ni uncle e, pero di ko pa rin natatanaw ung bahay ni lola. Yung daanan ko kasi pauwi ay yung sa likuran ng bahay na maraming puno. Parang 30 mins na yata akong naglalakad pero wala pa rin yung bahay. Ang weird! Hindi naman ako naliligaw kasi isang deretso lang yung lakad e. Hanggang sa narinig kong parang may mga kasabay na akong naglalakad. Lumingon ako sa paligid ko habang tuloy ang lakad. Wala naman kako pero habang natagal ang lakad ko ay lalong lumalapit yung hakbang. Dinig na yung mga naaapakan nilang tuyong dahon at mga sanga sa likuran at tabi. Hanggang sa may nagsalita. Rinconada ang salita nila pero tatagalugin ko na para sa inyo ha. Boses un ng lalaki. "Pasaan ka 'Noy?" Huminto ako sa paglalakad at lumingon-lingon. Putek walang tao talaga. Tinuloy ko ang lakad ko pero nakatingin nalang ako sa lupa. "'Noy, halika dito. Sama ka muna sakin, magsaya tayo." boses naman ng babae ngayon. Lumingon ulit ako pero wala pa rin akong nakita. Natatakot na ako. Sobrang natatakot na talaga ako pero di ko pinakita o pinaramdam ang takot ko. Kahit pa sa paglingon ko na yon ay wala na akong nakikitang liwanag galing sa mga ilaw ng mga bahay. Tanging nakikita ko nalang sa paligid ko non ay ang malalaking puno na may malalagong mga dahon. Tuloy lang ang lakad, diretsong lakad lang. Mabilis na lakad. Ang haba na ng nilalakad ko ah pero di ko pa rin talaga natatanaw ang bahay. Parang isang oras na yata akong naglalakad. Mas nadagdagan pa yung takot ko nung may marinig ulit akong boses. Mas malapit na sakin ung boses, to be exact, parang nasa tenga ko na yung bibig nung nagsasalita and the worst, garalgal na ang boses, parang boses na ng matandang lalaki. "Sumagot ka 'Noy! Naririnig mo naman kami diba? Sumama ka sa amin!" Naiiyak na ako sa takot pero steady lang dapat. Siguro nagtataka na kayo na parang ang tapang ko naman mula sa unang tatlong kwento ko at hanggang ngayon ay di ako nagpapakita ng reaksyon kapag nakakaengkwentro ng mga kakaiba. Mahigpit kasing bilin ni lola na kapag nakakakita o nakakarinig ng kung ano na di gawa ng tao o ng mga bagay na nakikita, bumati ka at magpasintabi. Kung hindi mo kayang gawin un ay huwag mong pansinin at itago mo lang ang nararamdaman mong takot dahil lalo ka nilang paglalaruan o guguluhin kapag alam nilang takot ka at mas lalo na kapag alam mong nandiyan sila. Alam siguro ni lola na may taglay akong bagay na hindi normal na hindi ko alam (sa susunod ko na ito ikukwento ha).

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon