Bakanteng Lote

255 9 0
                                    


Hello Spookify! Please hide my identity. First time ko lang po mag-share dito sa Spookify. Gusto ko lang i-share yung isa sa hindi ko makakalimutang experience. Medyo mahaba po ang kwentong ito. Pasensya na po kung hindi rin ako ganon kagaling magkwento pero sinubukan ko pong gawing maayos.

Year 2005 simula ng ako'y mag-aral sa Christian School dito sa Nueva Ecija. Malapit lang sa bahay namin. Dati itong isang malaking bakanteng lote na nahati sa tatlo. Yung isa tinayuan ng school. Yung katabi ng school ay may tindahan sa harap at bakanteng lote sa likod. At yung isang bakanteng lote naman ay tapat ng mga bahay kabilang na yung samin. Doon din kami madalas naglalaro. Magkakadikit lang ang mga 'to dalawang pader lang ang naghahati na halos 6ft lang ang taas.

Kwento samin ng isa sa nagtatrabaho sa tindahan. Bago pa lang daw silang tatlo non. May mga kwento na sa kanila ang may-ari tungkol sa mga pagpaparamdam at pagpapakita ng mga bad spirits sa school. Para daw aware sila. Pero ipinagwalang bahala na lang daw nila yun.

'Di nagtagal isang madaling araw daw non, (doon kasi sila natutulog ng dalawa pa nyang kasama) lumabas daw sya sa tindahan para umihi, isang CR lang kasi meron sila na nasa likuran at nasa bakanteng lote ito. Habang naglalakad, hindi pa nakakalayo ng napahinto sya sa paglakad. Meron daw syang nakitang nakatayong lalaki sa 3rd floor ng school nasa tapat daw ito ng pinto ng isang room at nakaharap sa kanya. Puting-puti daw ito. Hindi na daw sya naghinala na baka namamalikmata o guard lang yun. Agad daw niyang naalala yung mga kinuwento sa kanila tungkol dun. Tumakbo daw agad sya sa mga kasama nya at sinabi yung nakita nya. Dahil daw sa takot nila agad daw silang umuwi sa bahay ng isa nilang kasama.

Noong kinuwento nya yun, hindi naman ako naniwala. Hindi kasi talaga ako madali mapaniwala lalo na sa mga ganong bagay. Tsaka naiisip ko na baka tinatakot nya lang ako kasi doon ako nag-aaral.

Year 2008 doon pa rin ako nag-aaral. Nang ako na mismo ang maka-experience o makakita. Tandang-tanda ko pa. Nasa bandang 3pm Filipino subject namin non. Nagpaalam ako sa teacher namin na magsi-cr ako. Oras ng klase ng halos buong school yun kaya walang estudyanteng nasa labas ng room. Yung CR ng school ay nasa likod ng chapel/mini gym ng school. Medyo malapit lang sa room namin. Pero kapag nasa gawing CR na ay wala kang matatanaw na nagkaklase o harap ng room, kundi hagdanan pa-2nd floor at 3rd floor lang. At sa CR naman unang madadaanan ang CR ng babae sa lalaki. Eto na, naglalakad na ko sa papuntang CR ng lalaki ng nalingon ako sa CR ng babae. At ang nakita ko ay nakabukas na pinto, patay na ilaw at MADRE na walang mukha. Tumayo mga balahibo ko at takot ang naramdaman ko dahil alam ko ng multo yun, pero aba nung mga panahon na yun, hanggang ngayon nga hindi ko alam kung ano nakain ko nung aras na yun, dumiretso at umihi pa rin ako! 9 years old pa lang ako nun nung panahon na nakita ko yun. Pero ngayon kapag naaalala ko mas natatakot pa ko.

Mga isang linggo pa non bago ko ikwento sa ate ko yung nakita ko. Doon din sya nag-aaral. Natakot na parang nag-aalala yung naging reaksyon nya. At doon ikinuwento nya sakin yung nakita ng kaklase nya nung grade 5 pa lang sila. Nag-CR daw non yung kaklase nya. Sa CR NG BABAE kung saan ako nakakita. Babae kaya habang umiihi nakaupo sa bowl. Habang nakaupong umiihi nakayuko daw 'to, nakatingin sa sahig na tiles. Nang bigla daw may nagreflect sa tiles na mukha ng BABAENG MADRE. Yung kaklase ni ate lumabas nga daw ng CR kahit hindi pa nakataas ang palda.
Dahil dun naisip agad namin na yung nakita ng kaklase nya at nakita ko ay iisa.

Hanggang dito nalang muna.
Maraming salamat sa pagbasa.

PS. Hindi lang sa school may nagpapakita at nagpaparamdam. Kasi nung nag-teenager na ako marami na kong kwentong narinig na sa dalawang bakanteng lote ay may nagpapakita rin. Kwento ko yung iba kapag may oras.
PPS. Year 2014 nalaman ko na malaking bahagi pala sa lugar na pinagtatayuan ng mga bahay,
tindahan at school, pati bakanteng lote ay dating pinaglilibingan ng mga namamatay na intsik noong panahon ng giyera. Kaya marami ang kwentong kababalaghan sa lugar na 'to.

-Supremo

Scary Stories 5Kde žijí příběhy. Začni objevovat