Kulam ba o Mental Illness?

155 11 0
                                    


Hi spookify, so direct to the point na tayo. Meron kasi akong nabasa dito which is about abnormal behaviour na creepy ang dating title nun is 'Ninong'. Parehong-pareho sila ni tatay (may his soul rest in peace) base sa kwento ni sender. Si tatay ay nagtatrabaho bilang isang magiting na Janitor. Paborito sya ng lahat kasi pag siya ang assigned sa mga rooms walang nawawala compare sa ibang co-janitor nya.

FF. 16 years palang ako nun pero may isip na ako (matured). That time nagkasakit bigla si tatay, same sa ninong ng sender tulala sya at parang naninigas. Okay naman sya nung umaga pero nung pag-uwi nya doon na nagsimula ang pag-iiba ni tatay. Una, para syang galit tapos parang pilit nyang pinipigilan. Tulad nalang nung habang naglalampaso ako bigla akong sinigiwan ni tatay ng "Carmen!" sa gulat ko hindi ako naka-react agad dahil sa loob ng 16 years di ko pa narinig si tatay na galit na sumigaw. Si nanay lang ang istrikta sa bahay kahit si tatay takot sa kanya. Bigla akong sinugod ni tatay pero mga 2 hakbang nalang parang bigla syang natauhan tapos bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas. Nagulat din si nanay sa inasta ni tatay pero di na namin yun pinansin baka kako may problema lang si tatay. Pero 4 na araw ang lumipas di na pumapasok si tatay sa trabaho nya. Si nanay di naman nagrereklamo dahil may tindahan naman kami na back-up kung magkagipitan na. Di kasi ugali ni tatay na magsabi ng problema kahit anong pilit ni nanay ayaw niya talaga kaming pag-aalahanin kaya sanay na si nanay sa kanya. Lumala pa si tatay makalipas ang 2 araw. Mas tulala sya ng ilang oras tapos mas doble na ang pagka-highblood nya samin. May isang araw na sinasabi niyang "Umalis na kayo habang may wisyo pa ako" tapos umakyat siya sa kwarto nila ni nanay di ko na nasundan pa ang pinag-usapan nila dahil abala ako sa pag-aaral. Ilang minuto lang ang lumipas sumisigaw na si nanay ng tulong, agad akong tumakbo paakyat nadatnan ko si tatay na may lubid sa leeg pilit nyang sinabit ang lubid sa taas ng kahoy pero pilit din syang pinipigilan ni nanay kahit paulit-ulit syang tinutulak at minsan tumitilapon na o bumabagsak sa sahig. Umiiyak si papa habang sinasabi ito "Ako ang papatay sa sarili ko kaysa mapatay ko kayo" umiiyak na kaming tatlo, ako dahil sa sobrang takot at di ko alam ang gagawin "Carmen! Umalis ka dito! Ikaw ang mauuna. Umalis ka na dito!" mas natakot ako doon at mas lalong di na nakagalaw pa. Si nanay todo awat pa rin inutusan nya akong humingi ng tulong sa kapitbahay.

FF. Nilagyan nila ng posas si tatay sa kamay at lubid sa paa para hindi na magpumiglas. Sabi ng pulis na kapitbahay namin dalhin daw namin sa mental hospital matapos nilang malaman ang mga kakaibang nangyari kay tatay.

FF. Sa tulong ng mama ni tatay naipagamot sya at tumagal ng 2 months sa loob ng mental hospital. Nung umayos si tatay ayaw na syang ibalik samin ni lola (mayaman ang pamilya ni tatay pero tinakwil sya nito kasi nakipagtanan sya kay nanay na mahirap lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tanggap kahit wala na si tatay). Pero nagmatigas si papa sabi niya babayaran nya ang naigastos sa ospital kahit anong mangyari huwag lang ang mailayo sya samin.

FF. Umayos si papa ng 2 weeks lang kahit regular niyang tini-take ang gamot nya ay sinumpong na naman ulit sya. Humingi kami ng tulong sa pamilya ni tatay. Pinabantayan muna namin si tatay sa mga kumpare nya dahil labis din ang pag-aala nito sa kanya ika nga nila wala ng maipintas kay tatay kahit pakitaan ng masama, kabutihan pa rin ang ibabalik sayo. Di nila lubos maisip kung bakit sinapit ni tatay ang ganon.

FF. Naipagamot ulit si tatay sa mental hospital, this time 1 month lang at 1 week. Bilin ng lola nya pag sinumpong ulit si tatay kahit anong mangyari di na talaga nila ibabalik samin si tatay. Kahit si nanay napapaisip daw sya baka hindi sya sapat na asawa kaya ganon ang sinapit ni tatay.

FF. Wala na kaming pera dahil ang tindahan ay lubog na, last resort nalang namin ay ang pamilya ni nanay dahil gipit na gipit na kami (di rin ok sa mother side ko ang relasyon nila nanay at tatay dahil nakatanggap sila ng masasakit na salita galing sa pamilya ni tatay naging ok lang nung nawala si tatay), pinuntahan ni nanay ang pamilya nya para humingi ng tulong pinansyal.

Scary Stories 5Onde histórias criam vida. Descubra agora