Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)

167 7 0
                                    


Part 1

Hello, gusto ko lang i-share sa inyo ang mga experiences ko with my two best friends. Simulan ko kung saan kami unang nagkakilalang tatlo. Magkakilala na kami ni Mara since kindergarten pa lang kami. We're classmates pero hindi kami close. Medyo weird sya. Mahilig syang mag-isa. Wala syang kausap, wala rin syang kaibigan. Madalas syang nakatambay sa sulok. Diba kapag bata, medyo hyper saka mahilig maglaro pero sya parang wala lang. Parang walang paki sa mundo. Nung grade 1 na kami, madalas syang tampulan ng tukso kasi sobrang nawi-weird-uhan na yung mga classmates ko sa kanya. Kung titingnan mo, normal naman ang itsura nya. Maganda sya, maputi, makinis ang kutis, halatang may kaya sa buhay at saka matalino pero yun nga lang napaka-loner. Minsan nahuli ko syang may kausap pero wala naman akong nakikitang kasama nya. Minsan, bigla rin syang sumisigaw pero kapag tinanong naman sya ng teacher namin, iiling lamang sya. Grade 3 na kami nung magka-seatmate kami. Walang may gustong tumabi sa kanya. Pero dahil nako-curious ako sa kanya, ako na ang nag-volunteer na maging katabi nya. Ayaw nyang makipag-usap sa akin kahit kalabit ako ng kalabit sa kanya. Tinanong ko sya nang kung anu-ano para lang magsalita sya pero waley pa rin. Para akong nakikipag-usap sa hangin.

Isang araw, wala kaming klase sa oras na yun kasi may meeting lahat ng teachers sa principal's office. So ang nangyari, naglalaro ang mga classmates ko. May naghahabulan, may nagtataguan at yung iba naglalaro ng mga paper dolls. Uso yun sa panahon namin hahaha. Kami naman ni Mara, nakaupo lang sa upuan namin. Napansin kong nagsasalita sya pero mahina lang. Yung parang ako lang ang nakakarinig. Nilingon ko sya. Nanginginig na sya na parang takot na takot. May mga namumuong luha na rin sa mga mata nya. Kinalabit ko sya "Hoy, anong nangyari sayo?" Inaasahan kong dedma na naman ako katulad nung pangdededma ni crush sakin. Pero bigla nyang hinawakan ang wrist ko. "Hindi sya totoo. Huwag syang pansinin." Mahigpit ang pagkakahawak nya sa wrist ko "Ha? Sino? Sino yung hindi totoo?" Kahit masakit yung wrist ko ay hindi ko iyon pinansin. Na-curious talaga ako sa sinasabi nya. Bigla syang umiyak. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala sa kanya pero nakaramdam ako ng takot sa oras na 'yun "Cassie, nandito sya sa harap natin. Galit na galit sya." Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Tatanungin ko pa sana sya pero bigla syang tumayo at nagmamadaling lumabas ng classroom. Dahil hindi ko kayang panlabanan ang curiosity ko, sinundan ko sya. Naabutan ko sya sa may likod ng abandonadong classroom. Nakayuko sya habang nakaupo. Tinatakpan nya ang dalawang tainga nya "Mara, anong nangyari sayo?" Nilingon nya ako. Nakatakip pa rin sa tainga nya ang dalawang kamay nya "Umalis kana Cassie. Nandito na naman sya. Hindi sya nag-iisa." Naiiyak sa sagot nya sakin. Kinilabutan na naman ako. "Oy 'wag ka namang magbiro ng ganyan, Mara." Tumayo sya tapos hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. "Nasa likuran mo lang sila at lahat sila galit habang nakatingin satin." Hindi ako nakasagot. Napatulala lang ako sa kanya. Sobrang weird nya, diba? Pero kinilabutan ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na bumabalot sa katawan ko. "Halika na Mara. Alis na tayo dito." Hindi ko ini-expect na magiging kaibigan ko si Mara ng araw na yon.

Mula noon ay palagi na kaming magkasama. Kahit sa CR, magkasabay kami. Pati uwian. Malapit lang ang bahay namin. Ilang block lang mula sa amin yung sa kanila. Ewan ko ba pero mula nang naging kaibigan ko si Mara, naging sensitive na ako sa paligid ko. Hindi naman ako nakakakita pero nakakaramdam ako. Yung parang may nakatingin at nakasunod sayo (pero hindi si crush. hahaha). Kung lilingunin ko naman, walang tao o hayop akong makikita. Patuloy pa ring nakakakita si Mara. Nalaman kong 4 years old palang sya bukas na ang third eye nya. Advice ng parents nya huwag na lang daw pansinin ang nakikita nya kasi hindi naman daw yun totoo. Bunga lang yun ng imahinasyon pero habang tumatanda sya, mas lalong lumalala. Kung noong una ay nakikita lang nya, ngayon ay naririnig na rin nya ang mga ito.

Dito nalang muna. Pasensya na kung mahaba. Sa susunod, ikukwento ko sa inyo kung paano namin nakikilala si Alyana.

Part 2

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon