Factory

206 11 0
                                    


Hello spookify readers. By the way, I'm Indian Pana. Code name ko yan. Hehe. Ang kwentong aking ibabahagi ay tungkol sa isang factory dito sa Albay. Medyo mahaba lang po ito,  kaya pagpasensyahan nyo na. Hopefully magustuhan po ninyo. 1970's nang ipagawa ang Factory dito samin. Malaki at Malawak ito. Mga sampung hektarya ang sakop nito. Noon pa man marami ng pagpaparamdam sa nasabing factory hanggang ngayon.

Security Guard

Sa kuwento ng aking tiyahin na nagtatrabaho dito, isang gabing maulan at nangangalit ang langit. Alas diyes. Siya daw ay mag-a-out na nun ng mapansin nya ang security guard sa ilalim ng puno ng acacia. Kitang-kita nya ito mula sa opisina sapagkat nauulinigan ng liwanag kapag kumikidlat. Sa isip nya, sakto at may makakasabay sya palabas.  Dali-dali syang lumabas at sinuong ang malakas na ulan para puntahan ang guard sa may puno ng acacia para magpasama hanggang sa pinaka-main gate. Habang ang aking tiya ay naglalakad, naisip nya na bakit nagpapaulan ang guard na ito na meron naman silang quarters na pwedeng tuluyan? Ngunit binalewala nya ito at patuloy sa paglalakad hanggang sa marating nya ang kinaroroonan ng guard. Nakatalikod ito at basang-basa na sa ulan. Sabi ng tiya, "Manong guard pwede po bang samahan nyo ako sa main gate? Tsaka umalis na po kayo diyan kasi ang lakas-lakas na ng ulan. Basang-basa na po kayo." Ngunit umiling lamang ito. Kaya nagpasya ang tiyahin ko na tahakin niya ang di kadilimang daan patungo sa main gate. Nakakalimang hakbang pa lamang si tiya nang tinawag siya ng guard sa acacia. "Neh! Tabangi ako" wika ng guard. Takot man ang tiya ay nilingon niya ito dahil humihingi nga ng tulong. Sa paglingon ni tiya, isang guard na gula-gulanit ang damit at puno ng dugo ang mukha ang tumambad sa kanya. Sa sobrang takot ay kumaripas siya ng takbo hanggang sa makaabot siya sa main gate kung saan may mga Jobbers na papasok na para sa first shift. Hingal na hingal siya at gulat na gulat ang tatlong guard na naka-duty noon.  Tinanong siya kung anong nangyari,  ngunit pinili nya na lang ilihim ang kanyang nasaksihan.

Production 2

Isa sa mga lugar ng production. Dito kadalasang ginagawa ang paggawa ng raw product at nililinisan din dito.  Pinakamalapit sa main gate ng factory. Si Mang Dan, isang driver operator. Mag-aalas dos na ng umaga ng magsimula siyang iayos ang mga finished product. Bale lima sila. Siya, dalawang babae at dalawang lalaki ang kasama niya dun sa production. Galing sya sa kabilang planta kaya sa production 2 naman siya mag-aayos. Okey na ang lahat ng mapansin niya ang paa ng isang lalaki sa may cleaning area, kanang bahagi ng pinag-aayusan niya. Sa isip niya baka nagpahinga lang yung isang Jobber.  Kaya diretso lang siya sa trabaho. Ngunit nang tingnan niya ang mga Jobbers ay kompleto ito.  Apat pa rin. Kaya nagtaka siya kung sino ang natutulog dun sa cleaning area. Binalikan niya ito dahil baka mahuli itong natutulog sa oras ng trabaho. Bale natatakpan ng braso ang mukha ng lalaki kaya di nya namukhaan kung sino ang natutulog. Tinapik nya ang binti nito para gisingin, pero di pa rin ito nagigising. Sa takot ni Mang Dan na baka maabutan ito ng security guard na magroronda at magsumbong kinaumagahan sa opisina. Kaya pilit niya itong ginising. Niyugyog niya na ito, pero wala pa rin. Tulog mantika daw. Kaya naman kinuha niya ang bell na nakasabit sa may bintana baka sakaling magising na ito.  Ngunit laking gulat niya ng makitang wala na ito sa pwesto kung saan ito natutulog kanina. Sa isip ni Mang Dan, baka lumabas na ito. Kaya umalis na siya at bumalik sa production. Isang pinto lang ang dadaanan galing sa cleaning area kaya dun mismo dadaan yung lalaking natulog sa may cleaning area. Tinanong ni Mang Dan si Tolin,  na siyang nasa may pintuan nung mga oras na iyon. "Tolin, lumabas na ba yung lalaking natulog galing sa cleaning area?" Kumunot ang noo ni Tolin at sumagot ito. "Wala namang taong lumabas diyan. Ikaw lang naman ang lumabas, ngayon"
Sino ang lalaking  iyon? Sa isip ni Mang Dan.

Black Lady

Galing Production area 3 ang aking pinsang si Tinay. Dun sya naka-assign. 8pm, habang silang dalawa ng partner niya ay nagtatrabaho,  narinig niya ang boses ng isang babae na nagha-hum. Galing sa loob ng opisina ang tunog. Sabi nya sa sarili, siguro nandiyan pa sila Mam sa loob. Kaya pinagwalang bahala lang niya. Ngunit habang tumatagal mas lalong lumalakas ang pag-hum. Tiningnan niya ang partner nya, pero parang wala itong naririnig. Sa kanyang kuryosidad, sinilip niya sa pinto (bale may salamin na square sa gitna ng pinto, ganun yung pintuan sa opisina) kung sino ang nagha-hum.  Wala namang ilaw. Sa isip niya.  Panigurado, wala na sila Mam kasi patay na ang ilaw. Aalis na sana siya nang biglang bumukas ang ilaw.  Sumilip ulit siya, ngunit isang maitim na babae at mapula ang mata ang bumulaga sa kanya. Napasigaw siya sa sobrang takot pati partner niya nagulat at napasigaw na din. Lalo pang lumakas ang sigaw ng aking pinsan nang bumukas ang pintuan ng opisina. Kitang-kita nya na dumungaw ang black lady na patuloy parin sa pagha-hum. Siya lamang ang nakakita. Ang partner nya di alam ang nangyayari. Tumakbo sya palabas ng main gate sa sobrang takot niya at di na nag-duty nung gabing iyon.

Marami pa sanang creepy experiences sa loob. Pero hanggang dito na lang muna. Medyo mahaba na kasi.  Salamat sa pagbabasa.

Albayno
Indian Pana

Scary Stories 5حيث تعيش القصص. اكتشف الآن