Ang Batang Tambay sa 14th Floor

147 3 0
                                    


Hi admin! Gusti ko lang i-share ung na-experience ko sa Wynsum Building 14th floor sa Ortigas, kahilera lang sya ng Strata 100 at katapat ng Prestige Building. Actually pang 13th floor tlaga yun since building siya wala siyang 13th so diretso 14th flr na siya agad.

I worked in a BPO company and this scary thing happened sunday night, forgot the exact date, so tuwing Sunday konti lang ang Agents, at that time kakalipat lang namin sa 14th floor, sa 15th floor kasi kami before. Actually, I heard a lot of scary moments sa floor na yun. Na-experienced ko na before nung time na tine-test namin yung mga computer pero hindi ko muna pinansin. So let's move to Sunday night, super avail kami that time. It means wala masyadong calls tapos sa isang buong floor mga nasa 20 Agents lang kami na may schedule ng Sunday. May ka-work ako na nagkukuwento na may nakikita daw siyang something dun sa floor na yun, ako dedma lang kasi ayoko ngang maniwala. Tapos ito ang nangyari, pa-umaga na yun so pa-out na akl, after ko mag-logout, palabas na ako. Ganito itsura ng office namin, isang buong floor siya na maraming line of stations siguro nasa mga 20+ lines yon. Yung pinto palabas malapit sa pang-17 na line and yung station ko that time nasa pang-5 na line, naglalakad na ako papuntang pinto nang biglang may nakita akong batang tumakbo sa pang-10 na line at sumuot sa ilalim ng isa sa mga stations sa line na yun, then ako nagulat. Ang ginawa ko bumalik ako sa line 10 then pinuntahan ko yung station then pagpunta ko wala namang tao o bata. Kinilabutan ako sabay takbo sa coach ko then kinuwento ko, tapos narinig nung ka-work ko ung sinabi ko then sabi niya yun daw ung batang nakikita na niya na naglalaro sa mga Agents minsan at tumatambay sa locker. Omg! Kinilabutan talaga ako that time, then until now nandun pa din yung bata may iba pa siyang kasama na medyo naaaninag ko pero hndi ko na pinapansin. Tapos nagpe-pray nalang ako. Yun lang just want to share my spookify story.

AnneRganda
Pasig City

A/N : Diyan din sa Wymsum yung office ng dating pinapasukan ko (before sila lumipat sa bandang Kapitolyo). Bale ilang floors din yung in-occupy nila, 5 yata (16. 17, 18, 21 & 29) sa pagkakatanda ko. Unang department na pinasukan ko nasa 16th floor. Sa floor na yan marami akong naririnig na kwento mula sa mga officemates ko like Black Lady sa elevator, nagha-hum sa Ladies' CR, katok sa fire exit door at pati bata din na nagtatago sa ilalim ng malaking photocopy machine. Yan din siguro ang reason kung bakit hindi ko kayang mag-CR don ng mag-isa. May para kasing something sa CR ng floor na yon na hindi ko ma-explain. Sabi nung nangangasiwa sa pantry namin, baka daw kasi kapag gabi na wala ng tao sa floor na yun kaya lapitin ng mga entities. Kasi kahit pala si Ate Girl nakakakita din don eh, mga shadow figures naman. Tapos nung lumipat ako ng ibang department na nasa 18th floor, ayun nawala na ang kakaibang nakakatakot na vibes don at nakakaya ko ng mag-CR ng mag-isa kahit pa sa madaling-araw kapag GY ang shift ko. Yun lang. Na-share ko lang din since same building pala kami ng pinasukan/pinapasukan ni Ateng Sender.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now