New Found Friend

109 10 2
                                    


It was 2019 noong magbiyahe ako sa lugar kung nasaan ang ate ko. Birthday kasi ng kanyang asawa kaya kahit malayo at nakapapagod mag-drive ay sige lang. Iyon ang unang beses kong makakapunta sa kanilang lugar dahil sila ang madalas na namamasyal sa amin.

Bago ako magtungo sa kanila ay puro tanong talaga ako kung paano ko iyon mararating. Ang sabi nila, basta makita ko daw yung Brgy. Marupok (Charot na lugar) na along the hi-way ay pasukin ko daw yung kantong iyon at hihintayin daw nila ako sa unang kanto. So iyon ang ginawa ko. Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakita ko na yung barangay. I looked sa wristwatch ko and it's already 8:30pm. Medyo napaaga sa inaakala nilang pagdating ko. Narating ko na yung kanto, pero gaya ng iniisip ko ay wala pa nga sila. 9pm na, pero 'di ko pa rin sila makontak. Siguro lowbatt na sila, sa isip-isip ko. So I decided na mag-drive at magtatanong-tanong na lang. Ngunit bago ko buksan ang makina ay nagulat ako na may kumakatok sa pintuan ng kotse ko. Nakita ko ang isang lalaking nakauniporme, tiyak kong siya'y tanod. Tamang-tama sabi ko.

"Sir, kanina pa kayo nakahinto dito. May problema po ba?" Tanong niya sakin. Agad naman akong humingi ng paumanhin at sinabi ko ang problema ko.
"Ay ganoon po ba? Ako nga pala si Tonyo, Sir. Matutulungan ko po kayo. Ano po bang pangalan ng pupuntahan nyo?" Magiliw niyang wika. Agad ko namang sinabi at ngumiti siya ulit.
"No problem, Sir. Kilala ko yata mga nakatira dito." Nakangiti niyang sabi.

Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas ay may makapagtuturo na sa akin ng daan. Niyaya ko siya na pumasok at balak ko na pakainin siya sa bahay ni Ate pag nakarating na kami doon. Di naman na siya umangal.

Magiliw kaming nagkwentuhan. Bakas sa mukha niya ang tanda, pagod, pero kahit ganoon ay masaya pa rin siya. Napaghahalatang masayahing tao si Kuya Tonyo.

"O, Sir. Pwede mo nang iparada sa lugar na 'to ang kotse mo. Di na kasi yan makakapasok dahil makipot ang daraanan mo. Basta yang kantong 'yan, pasok ka lang diyan. Diretso ka lang, may makikita kang red na gate. Doon na ang bahay ng Ate mo. Pakikumusta mo na lang ako Sir." Medyo nalungkot ako sa wika niya, niyaya ko pa siya na sumabay na sa akin para makakain din siya ngunit sinabi niya na gagawin pa daw niya ang trabaho niya. Bago ko siya pinababa ay niyaya ko muna siyang mag-selfie para may remembrance ako kahit papaano. Nagpasalamat ako sa kanya saka siya kumaway at naglakad muli.

Sa sobrang tuwa ko sa kanya, ni-'my day' ko yung larawan naming dalawa. "With Kuya Tonyo, Salamat sa pagturo ng daan. God bless" iyan ang nilagay kong caption saka inayos na ang mga gamit ko bago bumaba.

Nakarating ako nang maayos sa bahay nila Ate at sobrang nagulat sila dahil narating ko ang kanilang lugar. Sinabi ko naman na may tumulong sakin. Di na rin namin napag-usapan pa dahil busy sila sa mga bisita.

10pm, bago ako kumain ay nagbalot ako ng mga pagkain. Tinanong ako ni Ate kung kanino ko ibibigay. Sinabi ko na para kay Kuya Tonyo dahil siya ang tumulong sa akin para  makarating sa kanila. Rumehistro ang gulat sa mukha ni ate.

"Sigurado ka ba?"
"Oo ate, eto o may picture pa kami." Giliw kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko upang ipakita ang aming larawan. Nawala ang aking napakagwapong ngiti nang mapagtanto kong NAG-IISA LANG AKO SA LARAWAN.

"Si Kuya Tonyo, Nav, patay na siya." Wika ni ate na mas nagpagulat pa sa akin.

Kung ganoon, hindi totoong buhay ang nakasama ko kanina? Patay na yung kinausap at pinasakay ko sa kotse ko?

Sobra akong nawalan ng gana sa mga oras na iyon. Nalungkot, dahil patay na pala ang bagong kaibigan ko.

Muli kong binuksan ang aking cellphone at tinignan ang aming larawan na ni-'my day' ko. Inulan ako ng mga tanong. "Sino yung Tonyo?" "Mag-isa ka lang naman!"

Kinabukasan, bago ako umalis sa lugar na iyon ay nagpasama ako sa puntod ni Kuya Tonyo. Inalayan ko siya ng pagkain at nagsindi na rin ng kandila. At sa huling pagkakataon ay nagpasalamat ako sa kanya. Sapagkat kahit patay na siya ay patuloy pa rin niyang ginagawa ang trabaho niya.

Teacher Nav

Scary Stories 5Where stories live. Discover now