Auntie V (Balikan)

202 11 0
                                    


Hi Admin Chai. Hello Spookifiers. It's me again SHY.  Kung mamarapatin po ninyo ay may bago na naman po akong istorya na gusto kong ilahad sa inyo. Kung sinuman yung nakabasa sa Story ni Auntie V ay ito naman ay about sa pamilya nya. Basahin nyo ang buong istorya kasi wala ng Part 2 ito. Gusto ko kasi diretso na lahat para hindi na kayo mabibitin.

Sana di ito mabasa ni Auntie V, lagot ako nito kasi ito yung napaka-confidential talaga na pangyayari sa pamilya nila. Dito ko lang talaga sa Spookify nailahad ito. Mahaba po talaga ito guys. Sana basahin nyo hanggang dulo. May maseselan po na parte sa istorya na ito.

So here it goes.

Diba sa huling istorya ko sinabi ko sa inyo na magaling na si Auntie V way back 2015? Yes. Magaling na talaga siya. Pero bumalik na naman ang bangungot na hindi na gustong maulit pa ni Auntie V. Kasi, buong pamilya na nya talaga ang puntirya. Yes. Patay na si Angie (yung close friend ni Auntie V na nagpakulam sa kanya dati). Pero iba naman ito. Ang dahilan po ay away at agawan sa lupa. Naganap ito noong Agosto 2018.

I hope di talaga ito mabasa ni Auntie V.

Ang bahay nila Auntie V ay malaki at malawak. May 2nd floor po ito at yung ibang kwarto ay parang pinarerentahan nila sa iba. Parang Boarding House. Tahimik naman talaga ang pamumuhay nila Auntie V simula noong gumaling na siya sa kanyang sakit. Ang mama nila na tawagin nalang natin sa pangalang Manang Gloria ay nasa 60s ang edad at ito ay nagtatrabaho pa bilang Jambolera sa Terminal (yung nagtitinda ng mga mani, itlog etc. sa bus terminal) ito naman talaga ang ikinabubuhay nila dati pa. May 6 na anak si Manang Gloria at panganay si Auntie V sa kanila. Dahil sa kasipagan ni Manang sa paglalako ng mga itlog, mani etc. sa Terminal ay naigapang nya ng mag-isa ang kanyang anim na mga anak. Nagagalit na nga si Auntie V kay Manang Gloria dahil nagtatrabaho pa rin kahit may mga iniindang mga sakit na. Ang gusto kasi ni Auntie V ay doon na lamang siya sa bahay nila at magre-relax na lang. Pero ang tigas ng ulo ni Manang Gloria. Mas lalo daw kasi siyang magkakasakit kung sa bahay lang siya mamamalagi.

FF na po tayo. Matagal na daw talagang pinag-iinitan ang lupa nila Manang Gloria. Dahil gustong bilhin ng isang mayamang negosyante at gawing Convenience Store. Wala kasing maipakitang Land Title sila Auntie V. (Way back 2012 kasi is bumaha sa lugar namin at di agad nakuha nila Auntie V ang mga mahahalagang dokumento sa loob ng cabinet nila. Hanggang tiyan ang tubig noon). Kaya, naglakas-loob si Auntie V na ipaglaban ang kanilang karapatan. Hanggang ngayon kasi, di pa nila nakukuha ang bagong land title nila (ewan ko kung bakit). Kaya kumuha si Manang Gloria ng Kutsilyo at parang tinatakot yung negosyante. Ang hindi malilimutan na linya ni Auntie V sa sinabi nung negosyante ay "See You in Hell").

Isang gabi, bumisita ang isa sa mga anak ni Manang Gloria. Tawagin na lang natin siyang Auntie Cherry. Pangatlong anak ni Manang Gloria. Bumisita si Auntie Cherry para kumustahin ang mama nila. Dahil sa tahol ng tahol ang aso nila Auntie V noon ay minabuting puntahan ni Auntie Cherry ang aso. Sa kalaunan pa ay may nakita si Auntie Cherry na isang matanda sa tapat ng kanilang Gate at ito ay ngumiti lang sa kanya. Tinawag ni Auntie Cherry sila Auntie V at Manang Gloria para magsumbong pati nga mga boarders nila doon ay syempre mga echosera. Ngunit nawala na lang daw ito na parang bula.

September 3, 2018. Dito na nagsimula ang lahat. (Ang mga pangalan na nabanggit diyan ay mga pangalan ng kapatid ni Auntie V) Si Auntie Cherry (40 years old) ay nagsusuka ng mga ipis at sumusuka pa ng dugo. Si Uncle Arthur (34 years old) ay lumubo ang tiyan at may nana pa sa gilid ng tiyan nya. Si Ate Lipa (28 years old) ay nagsusugat ang mga paa at mga kamay at may mga nana na tumatalsik. Si Kuya Vince (26 years old) ay kinikitkit ang mga kuko hanggang sa matanggal na ang mga ito. Parang self-cannibalism. At si Kathlyn (21 years old) ay inuuod ang tenga at ilong minsan nga ay kinakain ang hilaw na karne. At si Manang Gloria, hindi talaga pinalagpas kahit matanda na ay parang nagha-hallucinate siya. Iiyak minsan tatawa. Parang nababaliw. Simula noong September 3, 3018 unti-unti na silang pinapahirapan isa-sa. Tanging si Auntie V  lang ang nakaligtas kasi may pangontra na siya na binigay noong Albularyo dati nung nakulam siya.

Yung mga boarders nila, ay isa-isa na ring umalis dahil sa takot, pati mga kapitbahay nila Auntie ay di sila tinulungan dahil sa takot. Sa totoo lang pati nga kami ay natakot baka madamay pa kami, pero kapamilya namin sila. At yung time na yun. Nasa Dubai na si Uncle Y (asawa ni Auntie V) di lang namin sinabi kay Uncle baka mag-alala pa yun. Ang ginawa ng mga pinsan ko ay nag-rosary kami sa ibang kwarto. At sila mama at iba pa naming kapamilya ay tumulong na rin sa paglilinis ng mga sugat nila. Sa totoo lang, ang baho na ng bahay nila Auntie that time. Masusuka ka na sa baho. Wala kaming tulog noon kasi ipinatawag at sinundo nila papa at pinsan ko ang Albularyo (ibang albularyo na ito unlike sa previous story ko about Auntie V) at kailangang tibayan ang aming loob sa mangyayari. Babae ang albularyo, isa syang madre noon at tumiwalag siya kasi sa panggagamot daw talaga ang tawag niya.

FF. Naaalala nyo pa ba yung nakita ni Auntie Cherry na matanda sa labas ng gate nila? Alam yun ng albularyo. Wala nga silang sinabi sa albularyo eh. Imposible talaga. Ito yung convo nila.

Albularyo : Naay sige og lili sa inyong balay. (May palaging dumudungaw sa inyong bahay.)

Auntie Cherry: naa koy nakit-an te, usa ka adlaw na tiguwang, naa sa gawas sa gate. Nagngisi sa akoa og kalit ra nawala. (May nakita po ako ate, isang araw na matanda na nasa labas ng gate, nakangiti at bigla na lang itong nawala).

Albularyo: Kabalo naku sa rason (alam ko na ang rason).

Pumunta ang Albularyo at si Auntie V sa isang gate nila. Nagtataka daw si Auntie kasi dinadasalan ng albularyo ang lupa at tsaka may kinuha doon. Nagulat daw si Auntie V kasi may maliit na bote doon (parang bote ng baby oil). Dinasalan daw muna ito ng Albularyo at kinuha ang laman doon sa bote. At ang nakakahindik ay Pangalan nilang magpapamilya. Binasag ng Albularyo ang bote at sinunog ang papel. Isa-isa silang ginamot ng Albularyo. Bote ng Diablo daw yun. Kung hindi pa naagapan daw ang pamilya ni Auntie ng maaga ay siguro daw paglalamayan na ang mga ito. Sa nakita kasi ng Albularyo bago sinunog yung papel ay bawat pangalan daw doon ay may karayom at may mga symbol ng diablo which is 666.

Ewan lang namin kasi yung negosyante ay di na din nagparamdam kay Auntie V at Manang Gloria.

Hanggang Dito na lang guys! Totoo po lahat ng yan! Nakakatakot talaga kapag Kulam ang kalaban. Just Pray lang guys! Salamat Admin Chai at salamat guys sa pagbabasa hanggang dulo.

God Bless Us All!

-Shy

Scary Stories 5Where stories live. Discover now