Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)

95 6 0
                                    


Part 1

Hello mga ka-Spookifies! This is Faith of Pampanga. Thank you guys for reading my stories. Here's my new story today. May pinsan ako (first cousin) na nagwo-work as DH sa Saudi. Anak siya ng nakababatang kapatid ng Tatay ko na si Ate Len, matanda siya sa akin ng 2 years. Bale kuwento nya sa akin ito. Here's Ate Len's POV.

"Faith, may isang Pinay dito DH siya sa malapit sa amin, galing siya sa Cebu. 38 y/o na siya at maganda. Mukhang dalaga lang kasi ang ganda ng katawan. Siya si Fatima, matagal na rin siya dito sa Saudi at nadatnan ko na siya. (4 yrs na ang Ate Len ko don). Dalawa silang katulong sa bahay ng amo nya, si Lorna ang kasama nyang Maid. Nung time na yun may kasama pa silang dalawa pang Pinay na katulong ng kapatid ng Madam nya kasi nagbakasyon ang mga amo nila. Pinaiwan ang maid sa kapatid. So bale 4 silang maid sa bahay.

Isang gabi may mga bisita ang amo nila kaya busy si Fatima at ang mga kasama nya sa pag-aasikaso. Hanggang umalis na ang iba nilang bisita, pero may ilan pang naiwan. Bandang 2am ay napansin na ng mga kasama ni Fatima na hindi siya mapakali hanggang nagpaalam na siyang kung pwedeng aakyat na siya kasi dahil ilan na lang naman ang bisita nun at nandoon naman ang mga kasama nya. Sabi nya masakit daw ang ngipin nya. Napansin nilang mukhang namumutla ito kaya pinabayaan nalang si Fatima para makapagpahinga na. Baka daw masama talaga ang pakiramdam. Dali-daling umakyat si Fatima na animo'y hinahabol ng sampung kabayo at napansin daw ng kasama nya talagang kanina pa siya hindi mapakali at tila ba siya isang pusang di mapaanak.

Si Fatima ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at dali-daling pumasok sa store room. Walang kahit na sinuman sa mga kasama nya ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ni Fatima. Kasi bawal sa Saudi ang makipagrelasyon, mahigpit itong ipinagbabawal kaya nga ang mga maids nila ay nakatago ang katawan at mukha. Mata lang ang nakalitaw. Bawal din na ipakita ang ibang parte ng mukha.

Pero ito palang si Fatima ay maparaan, pag talagang gusto makakagawa ng solusyon at pag sinumpong ng kati hala, gagawa at gagawa ng paraan kahit bawal. Hayun na nga! Buntis pala siya kasi may boyfriend na Pinoy din. At nung araw na yun ay sumasakit na ang kanyang tiyan at nagle-labor na pala. Marahil ang kanyang tiyan ay sinasakal nya sa gilder o ano pa man para hindi ito mahalata. Tsaka dahil naka-uniform na rin ng maluwang kaya walang sinuman ang nakapansin na buntis siya.

E di yun na nga, sinara ang pinto at humiga na siya. Nagsimula na siyang umire, pigil nyang makagawa ng masyadong ingay, kumagat siya ng tela para mapigilan ang sigaw. Hinahagod nya ang kanyang tiyan pababa, paulit-ulit. Mga ilang oras ding nag-labor. Marahil ay pinigilan rin nya ang sarili na magkakain ng marami noong buntis pa. May naitabi na siyang gunting dun bago pa dumating ang gabing ito, maging mga damit na gagawin nyang pamunas. Saglit siyang nagpahinga at umire ng ubod lakas at binigay na lahat ng pwersa. Hanggang naramdaman nyang lumabas na ang ulo ng bata kaya binigay nya na ang lahat ng lakas. Hanggang sa tuluyan ng lumabas ang baby.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, umupo siya at pinutol ang pusod ng bata. Nilinis nya ang kanyang dumi sa bodega sa itinabi nyang mga basahan. Ang sanggol ay nilagay nya sa kahon ng sapatos. At itinabi sa sulok. Ang isip nya ay patay ang bata dahil hindi ito umiyak kaninang pagkalabas nya.

At ng mga panahong buntis siya ay umiinom pala sya ng mga gamot dahil ayaw nya talagang matuloy ang pagbubuntis nya pero sadyang makapit ang bata.

Natuwa siya ng inakala nyang patay na ang bata. Sabi nya okay ito at magiging madali ang lahat. Lumabas siya sa bodega ng dahan-dahan na parang walang anumang nangyari. At tumuloy sa kanyang kuwarto para matulog.

Kinabukasan ay nagising siya sa oras na dapat ay gumising siya. Ang sabi nya sa mga kasama nya ay okay na siya kasi napansin na masaya na siya ulit. Wala na daw ang "sakit ng ngipin" nya.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now