Compiled Stories 21

172 4 0
                                    


Ika-labing tatlong bisita

Magandang gabi ulit admins and readers. 1 year na akong nagwo-work ngayon dito sa school. Hindi muna ako maglilinis dito at nag-file ako ng 1 week leave. Pahi-pahinga din. Itong ikukwento ko ay nangyari kaninang 10:17pm (January 12, 2020).

May inuman session dito ngayon. Celebration daw para sa unang taon ko. Trip na talaga nilang uminom at ginamit lang nilang rason ung first year ko dito sa school. 11 kaming lahat nag-iinumam. 5 na security, 3 maintenance at 3 kaming housekeeping. Magiging 4 kasi susunod daw ung isa. Bale magiging dose na kami lahat pala. Emperador Light ang iniinom namin at boy bawang lang ang pulutan. Wala pang sahod e. Pangalawang bote na namin ito. Hindi ako masyadong nainom kasi magba-bike lang ako pauwi. Dito sa parking lot sa likod ng school ang session. Walang tao dito ngayon, linggo e pero nag-duty pa rin kami kasi general cleaning namin ang sabado at linggo. 11am-8pm lang ang shift pag weekends. Masaya naman ang inuman lalo na't kasama itong mga batikang sekyu at housekeepers na matatagal na dito. Barber Rangers ang tawag ko sa kanilang lima. Solid sila pagdating sa pangmalakasang kwentuhan at kabarberuhan. Pinuno nila ung sekyu na nagkwento ng tungkol dun sa experimentation ng isang buong klase. Mababasa nyo ito sa first story na na-i-share ko dito sa page. ayon sa kanya e totoo daw na nangyari un pero hindi dito sa school. Hilig din kasi nitong magbasa online ng mga "dark historical events". Wala talaga akong paki dun. Naalala ko lang na banggitin ulit.

Eto na... Dumating na ung paimportante, yung petiks ko pala na kasama ko sa grade school building ang huling hinihintay. Maingay din ang kumag na ito pagdating sa mga ganitong kasiyahan. Pagdating palang ay rumatrat na kaagad ang bunganga. Gagawin ko itong ika-anim na miyembro ng Barber Rangers e tsk. Mayroon syang sinabi na ipinagtaka ng lahat. Pang trese daw pala sya. Trese? E onse lang kami dito. Dose kasi dumating na sya. Syempre trip ko syang barahin kasi patanga-tanga magbilang kaya binilang ko ulit kung ilan kaming nag-iinuman. Aba'y trese nga. Nagbilang din ung isang maintenance. Dose naman sa kanya. Hanggang sa nagbilangan na at dose nga ang sabi nila. Nagkatitigan lang kami ni pareng petiks. Tinanong nya ako kung ilan ang bilang ko. Inulit ko pa, trese talaga. Tumabi lang muna sya sakin at dumampot ng boy bawang habang nakikinig sa kwentuhan ng mga Barber Rangers. Paikot-ikot pa rin ang mga mata namin. Trese talaga kaming nakaupo e. Yung itsura ng pang trese, pormahan ng mga Boy Atras dito sa parking lot. Naka-short, tshirt at may pito na nakakwintas sa leeg nya. Nakaupo lang sya. Ngumingiti sya kada mapapalakas ang tawanan naming mga nag-iinuman. Wala pa namang nakakatakot talaga pero nakakaalarma na lalo na't medyo sariwa pa yung experience ko dun sa grade school building. So nakaisip ako ngayon ng way para ma-confirm kung dose ba o trese kami. Sinabihan ko si pareng petiks na sabayan lang ako sa gagawin ko. Ako muna kako ang magtatanggero.

"O mga pre counting tayo ha! Medyo madami tayo dito parang natakas sa shot yung iba!" sinimulan kong ibigay kay pareng petiks ang unang shot at sumigaw ng 1. Ganon na din ang ginawa ng iba. Sumabay naman sila syempre pampabuhay na din ng session hanggang sa dumating sa pang siyam na shot. Inabot ko sa sekyu ang baso. Iinumin na dapat nya un pero pinigilan ko sya. "Chief wag kang atat, may isa pa bago ikaw" sumagot ung katabi nya na naka-shot na daw sya. In-insist ko na may katabi pa sila. Ngumingiti nalang ako para magmukhang pinagtitripan ko sila kasi talagang hindi nila napapansin yung isa pa nilang katabi. "Pre ikaw yata ang lasing. Nag-shot sya, so shot ko na? Tapos sisigaw ako ng 9, hindi baga?" feeling ko napapahiya na ako sa ginagawa ko kasi nakatingin na silang lahat sakin. "Alam ko p*ta, ako yung tanggero a! Tine-testing ko lang ang awareness mo g*g*! Shot na bilis!" tuloy ang shot hanggang sakin na pang-dose at natapos na yung ikot. Dose nga talaga kami base sa shot. Tumingin ulit ako sa paligid. Yung pang trese na kanina lang ay 4 seats apart samin e 1 seat apart nalang ngayon kaya naaninag ko na ng medyo malinaw ang mukha nya. Walang kakaiba talaga sa kanya ayon sa nakita ko except na walang ibang nakakakita sa kanya kundi kami lang ni pareng petiks. Nagulat nalang ako kasi bigla nalang syang umiling ng mabilis tapos ngumiti. Malaking ngiti ung ginawa nya. Sukatin nyo ang isang dangkal nyo tapos idikit nyo sa mukha nyo, ganun kalaki ang ngiti nya. Napatayo ako sa upuan kasi tumigil syang umiling pero nakangiti pa rin ng malaki. Nakatingin na sya samin sabay tawa. Yung pagtawa nya e katulad ng kay Hisoka na gumagalaw pati balikat. Wala pa rin talagang nakakapansin sa kanya. Lumingon-lingon muna ako habang nakatayo. Nasa isip ko kasi mawawala din ito... sana! At sya nga, nawala nga naman. Umupo na ulit ako sabay sabi na last na bote na kako ito at uuwi na ako. Nag-ok naman sila. Akala ko naman ay tapos na papunta na ako sa bike ko ng makita ko yung isang maintenance na papasok sa gate ng school. Sinusundan sya nung nakita namin kanina. Nakapasok ang maintenance sa gate pero ung nasunod sa kanya e hindi. Nung parang lilingon na sya sakin e lumingon na din ako. Hindi ko na tinagalan ang pagtingin at sumakay na agad ako ng bisikleta ko at pumadyak ng mabilis.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now