Gown

191 5 0
                                    


Mula sa Baryo namjn papuntang Bayan kapag naka-motor ka umaabot ng 30 minutes ang biyahe. Kung mabilis ka namang magpatakbo ay 20 minutes lang at kung maglalakad ay 1 hour.

Balita noon sa Baryo namin yung ginawang pagharang ng isang engkanto sa kapitbahay namin. Isang gabi na noon pauwi na sya galing sa kanyang trabaho sa may Munisipyo sakay ng kanyang Motorsiklo ay may humarang sa daan nya na isang malaking-malaking Baboy galing sa kalsada ng Kapari (ang 'kapari' ay isa ding kalsada pero ibang way. may kwento ito) at nanginain sa mabatong daan. Binusinahan nya ito, labis ang kanyang kaba dahil nakatapat sya sa kalsada papasok sa Kapari. Paulit-ulit ang ginawang pagbusina ni Kuya Wilson pero tila ba walang naririnig ang Baboy, kaya naman nagdesisyon siyang sagasaan na lamang daw ito. Nang paandarin na nya ang kanyang motor, binilisan nya at tangkang bubungguin ang baboy ay bigla na lamang itong nawala kaya naman tumimbuwang sya dahil sa biglaang pagpreno at dahil doon ay malalaking sugat ang tinamo nya dahil sa matutulis na bato sya tumama. Kaya naman nung isang gabing yayain ako ng pinsan kong babae na pumunta ng bayan para kunin yung inarkila niyang gown na gagamitin nya bilang pang-abay sa kasal ay nag-aalinlangan akong sumama. Ahead sya sakin ng 5 years. Ayoko talagang sumama sa kanya dahil ayoko ding umaangkas sa motor kapag gabi na, may mga kwento-kwento kasi na kapag ikaw ang nasa likod may bigla nalang aangkas pa na isa sa likuran mo o di kaya'y may biglang hahablot sayo. Dun kasi sa baryo namin ay walang tricycle, pero sa bayan meron. Hindi kasi nakakaakyat at delikado pababa kapag tricycle dahil akyat baba ang daanan at kabatuhan pa. Kabundukan at puro puno ang madadaanan dahil walang kabahayan sa may kalsada na daanan papuntang baryo namin o papuntang bayan. Wala akong choice noon kundi sumama dahil nga wala daw syang kasama at kailangan niyang makuha yun dahil bukas ng maaga nya na gagamitin. Pagkaangkas ko sa motor yumakap ako ng mahigpit sa knya at ipinikit ko ang mga mata ko. Nakarating naman kami ng bayan ng ligtas at walang kahit na anumang nangyari, ang akala ko ay okay lang kaya nawala na rin yung takot ko kahit papaano. Pauwi na kami at pagkaangkas ko sa motor ay hindi ako masyadong kumapit kay Ate Lenlen kasi hawak ko yung box ng Make-up kit na hiniram nya sa kaibigan nya. Tapos nakasampay naman sa braso nya yung gown na nakabalot ng plastic. Habang nagda-drive sya diretso lang ang tingin ko, ayokong tumingin sa paligid baka may makita ako e, malapit na kami dun sa daanan papuntang gubat (yung shortcut pero hindi kami dadaan dun, madadaanan lang namin sya kasi ibang way yun saka hindi makakadaan ang motor dun, pangtao lang. sa nakabasa ng kwento ko alam nyo na kung anong shortcut ang tinutukoy ko). Nang biglang ma-out of balance sa pagda-drive si Ate Lenlen kaya naitukod ko ang mga paa ko dahil muntik na kaming sumemplang.

Ako : "Te Lenlen ano ba! Mahal ko pa ang buhay ko. Hindi pa ako graduate ng HS. Hindi pa ako nakakabalik ng Maynila papatayin mo na ako!"
Ate Lenlen : "Wag kang OA hindi ka agad mamamatay sa semplang. Nakapreno naman agad ako e."
Ako : "Anong nangyari ba? Ang smooth ng drive mo tas bigla ka nalang lumiko tas pumreno ng bongga. Mygaaaadddd."
Ate Lenlen : "Gagi may tumawid kasi. Iniwasan ko lang."

Take note, nakahinto kami niyan sa tapat ng daan papasok sa gubat. Bumaba ako ng motor dahil sabi ni Ate Lenlen parang na-flat daw ang gulong namin. Grabe yung takot ko niyan as in 100% kasi nasa madilim na parte kami ng kalsada na ayon sa kwento-kwento e doon madalas may nagpapakita. Liwanag lang ng buwan at motor ang ilaw namin.

Ako : "Anong tumawid? Wala naman akong nakita ha. Tutok na tutok yung mata ko sa harapan ba't hindi ko nakita?"
Tumitig sakin si Ate Lenlen.
Ate Lenlen : "Hindi mo nakita? Yung babae? Hindi mo nakita?"
Ako : "Ayy not funny."

Dali-dali akong umangkas sa motor, pumikit at yumakap sa kanya. Inipit ko sa gitna namin yung make-up kit. Wala akong pakialam kung magkandasira-sira yung mga kulay nun.

Ate Lenlen : "Aray ano ba! Parang tanga ito. Alisin mo yung make-up kit diyan sa likod ko! Masakit kaya, tumutusok yung bawar kanto ng box sa spinal cord ko."

Scary Stories 5Where stories live. Discover now