Ngayon naniniwala na ako

131 4 0
                                    


Please Hide my name.

Isa ako sa mga hindi naniniwala sa isang bagay na di ko naranasan o nakita. Katulad ng Multo , Kulam etc. Hindi ko rin inaakala na mararanasan ko ang Multo. Year 2003 ng una akong nakapunta sa bansang Japan, nagtrabaho bilang entertainer, medyo probinsya yung napuntahan kong club at malayo rin ang apartment namin sa isang kwarto bale 6 kaming babae at may 5 kwarto sa isang floor at 3rd floor ang saming mga pilipina (halo-halo ang nationality). Hindi ako masyado marunong mag-Japanese nung time na yun. After ng work (2am) diretso na kami sa bahay or pwede ring kumain kasama ng mga workmate at customer. Dahil bago lang ako, nag-decide akong umuwi at magpahinga nalang. Sa apartment namin (3rd flr) halos iilan lang yata kami o halos ako lang yata ang nag-decide na umuwi. Habang naliligo ako ay narinig kong may babaeng nagsasalita at parang umiiyak so inakala ko na umuwi na ang iba kong kasamahan. Paglabad ko ng shower wala namang tao at di ko na rin hinanap pa dahil inisip ko na lumabas na ulit o baka nasa bed na sila (double deck) kasi ang bed namin ay may mga kurtina kaming nilalagay. So nahiga na ako at sa itaas ng bed ko naramdaman ko na nandun na ang workmate ko na si Shiela, narinig ko sya na umiiyak so inakala ko na nag-aaway na naman sila ng Bf nya na hapon. Kaya di ko na lang pinansin dahil ayoko namang maging tsismosa pero tinanong ko pa rin sya "Ate Shiela, okay ka lang?" tapos sinabi nya lang sakin "Bunso" tapos umiyak na ulit sya at nagsalita sya ng Japanese. Tumahimik nalang ako dahil baka kako magkausap sila sa phone ng bf nya pero di ko alam bakit ang lamig-lamig ng pakiramdam ko ng time na yun. Nagdasal nalang ako at natulog. Paggising ko nung umaga nagkakagulo sa apartment namin at may mga pulis dahil yung kasamahan ko daw na si Shiela ay napatay ng bf nya sa hotel nung gabi. Nangilabot ako at naisip ko, sino yung nasa itaas kagabi ng double deck ko? After non nagkakatakutan na kami at di ko na rin gustong ikwento sa mga kasamahan ko ang naranasan ko dahil tinanong ko sila kung anong oras sila nakauwi sabi nila di sila nakauwi nung gabi (sa room namin na babae) dahil daw pinatawag sila ng pulis. Mula noon gabi-gabi na akong natatakot at nagdarasal.

Continuation....

Dahil wala pa akong 1 month (6 months contract) parang di ko na kakayanin pa na matapos ang kontrata ko after nung nangyari kay Ate Shiela at nung gabi na nagparamdam sya sakin pero kailangan kong mag-work para sa pamilya ko at mga utang namin. Inaalala ko yung Japanese na sinabi nya pero di ko na talaga matandaan kung ano dahil bago palang ako non pero parang "tasukette" (help) o parang "kanashii" (I'm sad). After nun need na naming i-pack ang mga gamit ni Ate at ipapadala na sa Pinas, nagdasal kami pero hindi natapos ang pagpaparamdam nya. Natatakot na ako, ako ang nasa ilalim ng double deck namin (sa taas sya) minsan feeling ko nakatingin sya sakin habang natutulog ako o nakasilip sya sa siwang ng double deck namin (na imposible dahil may mattress o kutson) pero dahil naniniwala ako sa Diyos at alam kong gagabayan nya ako dasal lang ako. After 4 months may bagong dumating na mga babae galing Pinas (nakauwi na ang ilang babae at 2 na lang kaming luma at alam ang tungkol sa nangyari kay Ate Shiela) at ang isa dun sa mga babae ay napunta sa bed ni Ate Shiela (binilinan kami ng manager at mama san namin na bawal ikwento ang tungkol dun or else mape-penalty kami at di ibibigay ang sahod). Itong bagong babae ang name Erika masayahin at maharot sya, isang gabi lasing na lasing sya umuwi at natulog at naalimpungatan kami na umiiyak sya habang tulog at parang umuungol so tinawag ko ang isa kong kasamahan para gisingin namin sya. Nang magising sya sabi niya may babae daw na umiiyak sa tabi nya. Hindi ako kumibo dahil kinilabutan ako (ako lang ang nakakaalam sa kwarto namin na yun, dahil yung isang babae na nakakaalam din ng tungkol sa nangyari kay Ate Shiela e nailipat ng ibang club (flying booking ang tawag dun) pero di ako kumibo at sinabi ko nalang na lasing ka lang. Pero sabi ni Erika gabi-gabi daw halos nya napapanaginipan. 

Mabilis lumipas ang buwan at huling linggo ko na sa Japan. Si Erika nagbago na rin, ang dating masiyahin parang naging balisa at parang laging nakatulala (iniisip ko baka homesick o kaya naman e may problema) pero hanggang isang araw bigla nalang siyang nahimatay at umuungol na para siyang sinasapian. Tinawagan ko yung Mamasan namin at manager, dahil si Erika ay tumitirik na yung mata at sumusuka sya para syang nababaliw na parang nakakakilabot at umiiyak sya ng "tulungan nyo ako" umiiyak din sya ng "ayoko, ayoko." Nagtulong-tulong kaming ipagdasal si Erika at medyo um-okay na sya pero wala siyang maalala, ang naaalala nya lang daw ay yung babaeng umiiyak sa panaginip nya. Huling araw bago ako umuwi naulit-ulit ko ang nangyari sa kanya nagwawala uli sya at napakalakas nya kahit ilan na kaming pumipigil at nagsasabi sya ng "di ko na kaya, gusto ko ng umuwi sa pamilya ko" tapos "tulong, tulong. hirap na hirap na ako. pinatay nya ako. tulong." Hindj ko maikwento ang tungkol kay Shiela na kunektado ito doon. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari o balita kay Erika pero nabalitaan ko na nagpatawag ng spiritual priest o "shamman" yung manager sa club at pinauwi na si Erika (magkaiba kasi kami ng promotion) at ang balita ko inilipat na yata ng apartment ang mga babae. Sana okay sya. Palagi ko syang pinagdarasal.

At simula noon naniwala na ako na may multo nga, na may mga bagay talaga sa mundo natin na di maipaliwanag ng science o mga doktor. Pero ang Dasal ang pinakamabisang panlaban sa lahat ng yan at pananalig sa ating Diyos na may kapal.

➡️A.C 👀

Scary Stories 5Where stories live. Discover now