Kainan sa may Palengke

94 5 0
                                    


Magandang araw sa inyong lahat. Faith ng Pampanga po ito.

Ang kwento ko ngayon sa inyo ay kwento ng naging kaibigan ko at nakasama sa trabaho na si Glenda, kahera kami sa isang branch ng SM sa Manila. Naging trainee ko siya at sa ilang araw na kasama ko siya ay nakapalagayan ko na agad ng loob. Pag walang nagbabayad nagkukwentuhan kami, huwag lang pahuhuli sa Visor at ilang buwan ko na ding iniingatan ang pagiging best cashier of the month ko. Isang araw ay nagbayad sa counter ko si Dingdong Dantes, tilian ang mga babae sa paligid. Sobrang kilig pa kami non tapos ang iba ay nakipag-picture sa kanya yung mga customers. Sa hardware siya bumili noon. Nagulo ang mga sales ladies dahil kay Dingdong haha.

Pati sa lunch break ay kasabay ko si Glenda dahil ako lang naman ang pinaka-close nya noon.

Si Glenda daw ay taga Antique base sa mga kwento nya sa akin. Pero bago siya nakaluwas ng Manila para nga dito humanap ng trabaho ay may nangyari sa kanya na di nya makakalimutan. Tinanong ko kasi siya kung first job ba nya ito, hindi daw. May work experience na siya dati at hindi nya daw yun makakalimutan habang siya ay nabubuhay.

Mahirap lang sila sa buhay at gusto nyang makatulong sa pamilya nya dahil siya ang panganay, anim silang magkakapatid at nakatapos siya ng 2 years computer course. 19 yrs old siya noon. Desperado talaga siyang makahanap ng trabaho, ayaw nyang masayang ang araw na nasa bahay lang siya. Kaya ng sinabi ng kaibigan nya na may nangangailangan  daw sa kabilang barangay ay nagpasama siya dito na mag-apply. Isa itong kainan o karinderya sa may kanto malapit sa palengke. Di ko na sasabihin ang eksaktong lugar alam nyo na, gusto nyang pangalagaan ang lugar at pamilya. Ito ay base sa kanyang kwento.

Agad nga daw nagpasama sa kaibigan niya si Glenda doon sa may kainan. At tila naman sinuwerte siya kasi ng makapunta sila ay wala pa daw nag-apply kaya siya ang mapalad na natanggap. Bale ang trabaho nya ay serbidora. Kasi daw nagka-emergency ang pinalitan nya kaya kailangan nyang umuwi sa probinsiya nila. May kasama siyang dishwasher na babae din at mukhang matanda ng ilang taon lang sa kanya ito, si Ate Mila. Tsaka isang cook na lalaki na si Kuya Larry. Mabait naman sila kay Glenda. Mula dito ay gagamitin ko ang kanyang POV.

Glenda's POV:

Sa pagtuturo nila sa akin sa unang araw ay madali ko namang nakabisado ang trabaho ko bilang serbidora, at pag wala akong ginagawa ay nagkukusa akong tumulong kay Ate Mila sa mga hugasin. Ang may-ari ng kainan ay mag-asawang nasa mga 45 taong gulang ang edad. Mabait sila at libre kain kami doon. Stay-in kami. At kami pala ni Ate Mila ang namamalengke sa madaling araw base kung ano ang mga kailangang sangkap. Sabi ni Ma'am ay kunin ko na daw ang mga damit ko mamaya dahil dito na ako matutulog. Tumango naman ako.

Doon sa kusina pag nilalagay ko ang mga hugasin ay malapit lang kung san nagluluto si Kuya Larry. Madalas din tumulong si Ate Mila na magluto. Sina Ma'am ang nagsasabi kung anong putahe ang mga iluluto sa bawat araw. Ang isang bilin sa akin ni Ma'am ay bawal daw kaming pumasok dun sa katayan ng karne.

Dahil unang trabaho ko siyempre pa-good shot ako. Tsaka isa pa pala, ang mga tip ay hatian kaming tatlo kada linggo ng gabi. E di ang saya dagdag kita. Hayyy, naisip ko na siguro ang dami kong maibibigay kay Nanay kasi ang daming kustomers dito at marami rin ang galante. Madalas ding maraming dayo dito at dito ang paborito nilang kainan.

Araw-araw ay maraming putaheng niluluto si Kuya Larry. Kami naman ni Ate Mila ay gumigising ng 4am para mamili ng sangkap. Kasi daw sina Ma'am at Sir mismo ang nagkakatay sa mga hayop na iluluto. Ayaw daw nilang mamili ng per kilo kasi mas matubo pag sila na ang nagkatay mismo. Napag-alaman ko na si Ate Mila pala ay isang taong mahigit na sa kanila. Ang sabi nya ay mabait sina Ma'am basta sundin lang ang gusto. Minsan daw ay namimigay sila ng bonus kahit di pasko basta sumunod lang sa utos. Sabi ni Ate Mila ay palagi daw siyang nagpapadala ng pera sa kanila bukod sa sahod ay ang tip nga at may bonus galing kay Ma'am. Nasiyahan ako sa sinabi ni Ate Mila. Kaya naman talagang sinipagan ko.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon