PUP Scary Stories

367 10 0
                                    


Story #1 : PUP Sta. Mesa - 5th Floor

Hi, please hide my identity. Kuwento ko lang yung na-experience namin sa CR ng mga kaibigan ko sa North Wing, 5th floor.

After class, nakaugalian na naming pumunta muna sa cr para umihi, magpulbo, manalamin etc. Haha. Malalayo pa kasi biyahe, so ayun.

Apat kaming pumasok sa CR, yung iba naiwan sa labas kasi di naman daw naiihi. Tatlo yung cubicle. Yung dalawa sa gilid, marumi. Yung sa gitna, occupied. Pano namin nalaman? Di kasi ganon kataasan ang pinto. Tapos matangkad yung girl na nasa loob kaya nung nakatayo pa sya, kita namin yung upper part ng ulo niya pati buhok niya.

Daldalan lang kami nang daldalan. Pigil-pigil din ng ihi kasi medyo matagal mag-cr si ate girl. After ilang minutes pa nang paghihintay, nagtitinginan na kami hahaha. Yung tinginang "katagal namang lumabas, naiihi na kami oh". Nakasimangot ganurn! Nag-aasaran pa na dun na lang sa ibang cubicle umihi kahit madumi.

Maya-maya, pumasok na yung isa pa naming kaibigan na nasa labas. Katagal daw namin lumabas, tumatae daw ba kami. Hahaha. E di explain naman kami na may tao pa sa gitnang cubicle. Tapos ginawa niya, sinenyasan nya kami na silipin sa ilalim ng pinto kung meron bang tao. Baka kasi pumu-poopoo tapos nahihiyang lumabas. E di sinilip ko, tapos nagulat ako kasi walang tao. Sabi ko, wala. Di pa nga sila naniniwala. Tapos nilapitan nung kaibigan ko yung pinto. Kumatok. Tapos binuksan (wala kasing lock mga pinto e. Bag yung pang-lock namin sa PUP, oh diba napaka-resourceful ng mga estudyante sa PUP hahaha). Ayon, e di wala nga. Kaming apat, gulat na gulat. Kasi alam namin, may babae talaga kanina doon, tapos hindi pa lumalabas. Nagtanungan pa kami ulit kung nakita ba ng isa samin na lumabas. Wala talagang nakakita.

Umihi pa rin yung isa naming kaibigan that time tapos kami, hindi na.

Di siya ganung nakakatakot pero kami, medyo kinilabutan talaga. Hahaha.

Thank you in advance, Admins!

STARLA🌠

Story #2 : PUP Room 12

Share ko lang po yung karanasan ko nung araw na nag-aaral pa ako sa PUP, way back 2016 pa po yata nangyari sakin ito kung hindi ako nagkakamali.

Naghihintay ako sa Balcony habang hinihintay ang aking Kasintahan around 8pm na po yun at halos lahat ng student wala na at halos lahat ng classroom ay wala na ring ilaw kasi po 8pm dapat wala ng student sa campus kaso yung Prof po yata ng Kasintahan ko nag-extend yata kasi 8:15pm na pero may nagre-report pa rin nung sumilip ako sa bintana ng classroom nila. Habang naghihintay ako sa Kasintahan ko hiniram ko lang Cellphone niya habang nagsa-soundtrip lang sa Balcony then di lumaon dumating yung 2 kaibigan ko galing gym then kinausap nila ako bakit pa daw ako nandito ang sabi ko lang "Hinihintay ko si ---" then tinanong ko rin sila kung saan sila galing sabi nila sa gym nga daw nag-basketball then napag-isipan namin na umikot muna o mang-trip sa bawat classroom kasi mukhang nag-extend pa si Kulot ng 1 hour sa pagtuturo niya (Hahahahaha) then ang creepy lang kasi sa classroom lang ng Kasintahan ko yung may ilaw so kami naglakad-lakad muna sa ibang classroom para na rin mang-trip at mag-ghost hunting keme-keme hanggang sa nakarating kami sa Room 12 then nung nandun na kami napakadilim. Syempre natatakot rin ako at sinabi ko dun sa kaibigan ko na iwan yung Cellphone niya at mag-record kung totoong may multo don.

Bago kami nag-ghost hunting tuwing nagkaklase kasi kami sa Room 12 lagi daw po may nagpaparamdam don na batang duguan na sumisilip sa bintana at lalaking nakabarong daw. Kapag student ka ng PUP nababalitaan mo rin siguro yun kaya yun nga kunwari matatapang kami nasa loob na kami ng Room 12, kaming tatlong magkakaibigan na walang ilaw at nakaupo lang nag-suggest nga ako sa tropa na iwan yung cellphone niya kahit 10 minuto lang pumayag naman yung tropa ko then bumalik kami ng Balcony. After 10 minutes bumalik kami sa Room 12 at kinuha na yung cellphone sabi ko sa Balcony na lang pakinggan kung may na-record na. Palakad na kami pabalik ng Balcony nang biglang may nagdabog sa Room 12 at yun tumakbo na kami sa takot kasi ang lakas po talaga ng dabog na yun at nung pinakinggan o titingnan na namin yung cellphone para dun sa na-record bigla pong nagloko yung cellphone ng kaibigan ko at kinabukasan nawala daw yung ni-record namin.

Until now yun yung pinaka-creepy na experience ko sa Sintang Paaralan even lahat kaming student alam namin na meron talaga hindi lang sa Room 12 kundi sa buong Campus namin.

-JamesReid

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon