Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)

137 4 0
                                    


Part 1

Hi Spookifiers! I'm an avid reader here. First time kong mag-share ng story. I'm not that good in story telling but I'll do the best that I've got. Please hide my identity bcoz I've used my real account. Thank you. Enjoy reading!

Ang lola at lolo ko ay kilalang-kilala sa bayan namin dahil sa trabaho nila bilang isang komadrona/no. Btw, I'm from Samar. Yes, one of the famous places pag about sa mga mambabarang ang pag-uusapan but para sakin, mas maraming manggagamot samin nasa sa inyo nalang kung maniniwala kayo o hindi kasi alam ko naman pag naririnig ang lugar na Samar, yun na agad ang nasa isip ng tao. Hahays. Hindi ko na i-specify ang lugar namin baka makilala na talaga 'ko.

So much for that, ang kwento ko ay kwento lang din saming mga apo ng butihing lola namin but we used to call them "Inay at Itay" at matagal na rin silang sumakabilang buhay.

Way back 2008 at grade 6 palang ako nun pero sobrang linaw pa rin sakin  at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko. Magkakapitbahay lang kami pero mas gusto kong matulog sa bahay nila lola kasi palagi nya kaming kinukuwentuhan  bago matulog pero nung nagkwento sya nito, ako at ang pinsan kong lalaki nalang ang gising. The story goes like this.

Dati daw may inalagaan silang bagong panganak ni lolo at taga doon lang din samin at ito pala ay nanay ng classmate ko na si Rose (hindi nya tunay na pangalan). Tawagin nalang natin syang Ate Len at dun ko nalaman kung bakit naging ulilang lubos si Rose dahil sa hindi maipaliwanag na nangyari sa mama nya. Bagong panganak palang daw si Ate Len kay Rose, I think mga 1 week and half palang. Pumunta na agad  ito sa tabing dagat kasi hindi pa rin dumarating yung asawa nya (papa ni Rose) at hindi ito alam nila lola kasi pinagbawalan sya nila lola na lumabas ng bahay dahil baka mahamugan at alam naman nating  marami talagang bawal sa bagong panganak. Bawal ka ngang lumabas ng hindi naka medyas atbp. Ang baryo pala namin ay sa tabing dagat, yung bahay mismo namin ay nasa may tabing dagat. Balik tayo, ayun na nga, naghintay sya sa asawa nya kasi malapit na mag-4pm nung time na yun. Habang naghihintay sya, naka-feel sya ng panunubig (naiihi) kaya dun nalang sya umihi sa may kabakawan (mga punong dagat) malapit lang ito sa bahay namin pero sa may bandang likod pa sya mga 50 steps mula samin ganun. Naghanap sya ng magandang pwesto at sakto nung time na yon ay low tide Kaya ang dali nyang nakahanap pero pumaloob sya ng konti sa mga puno para syempre hindi makita kasi yun yung time ng uwi ng mga mangingisda. Sa pagkakaupo palang nya (palaka style) lumiwanag daw ng konti ang paligid kasi medyo madilim na nun, kalahating oras na kasi syang nag-aantay sa asawa nya sa labas ng kabakawan. Pinagpatuloy nalang nya ang pag-ihi pero pagtingin daw nya sa may paa nya, nag-iba daw ang kulay ng mga dahon, naging ginto   ito at tiningnan nya ito pabaliktad, yes tumuwad sya yun ang sabi ni lola, at sa pagtuwad nya, isang napakagandang hardin ang bumungad sa kanya at pagbalik nya sa tamang pag-upo, bumalik din sa dati yung itsura ng kapaligiran, kumurap-kurap sya kasi baka namamalikmata lang sya, inulit nya ulit ang pagtuwad, ganun na naman ulit ang nakita nya, sobrang ganda, puro ginto at may lamesa na puno ng pagkain at inumin, pagbalik na naman nya sa tamang pag-upo, bumalik na naman sa ganung itsura ang kapaligiran, puro mga puno na naman! sa sobra nyang takot napatakbo nalang sya palabas at buti nalang mahaba yung suot nyang palda dahil hindi na nya naitaas ang pang ibaba nya na damit.

Kinagabihan, matutulog na silang mag-asawa at katatapos lang nyang magpadede sa bata (Rose) nakaramdam sya ng pagkabalisa, as in sobrang init pero sobrang lamig naman ng paa nya at kamay. Siya mga pala, hindi nakwento ni Ate Len  sa asawa nya yung nangyari sa kabakawan kasi malaking away ang mangyayari dahil bawal talaga syang lumabas lalo na't ilang araw palang sya na nakapanganak. Magagalit ng sobra ang asawa nya kaya inilihim nya yun. Eto na, nung nakahiga na sila, mas lalong tumindi ang pagkabalisa nya, uhaw na uhaw, at  nakaubos na sya ng 3 pitsel na tubig at sobrang laki na ng tiyan nya pero pagpatak ng 3am lumiit na ito, pero sobrang humpak naman, yung parang putik na nilagyan ng Bola tapos pagkuha mo sa Bola ganun ang itsura. Sana na-imagine nyo. At ayun na nga, pagdalaw ni lola para ibigay yung dahong gamot sa kanya, yun ang nasaksihan ni lola. Sobrang laki na naman ng tiyan nya nung time na yun, parang 8 months na buntis. Siya nga pala, hindi lang komadrona/no ang kayang gawin ng lola't lolo namin, marami silang kakayahan, hindi ko na iisa-isahin basta yun na yun Haha. At yun nga nalaman agad ni lola na hindi normal na sakit ang meron si Ate Len. Kinausap sya agad ni lola.

Non-verbatim :
Lo: Hain ka kinadto? (Saan ka pumunta?)
Len: Kinalasan (nagulat) Huh!?
Lo: Maaram ak ginuwas ka. Isumat nala haak tanan nahitabo para ma buligan taika (Alam ko lumabas ka. Sabihin mo nalang sakin lahat ng nangyari para matulungan kita).

May part 2 pa guys. Sobrang haba na.

Part 2

Hindi ko po sinasadyang mabitin kayo, sadyang wala na talagang Space at kailangan ko pang i-explain at translate pati yung convo para ma-feel ng mambabasa yung kwento. Lampasan nyo nalang po kung boring na para sa inyo. God bless!

At yun na nga, sinabi nya lahat ng nangyari kay lola at huli na pala ang lahat kasi after 1 week na yung pangyayari na dapat nasabi nya ng maaga. Sinabi ni lola kung anong pagkakamali ang nagawa nya kaya nagalit yung tunay na nagmamay-ari nung lugar which is isang babaeng engkanto. Doon kasi sya mismo umihi sa paboritong garden nung engkanto at hindi man lang sya nagtabi-tabi po kaya sobrang nagalit yung engkanto at hinintay syang humingi ng tawad or mag-alay pero dahil nga inilihim nya yung pangyayari kaya mas lalong nagalit yung engkanto kaya pinanatili yung sumpa kay Ate Len at sobrang lupit nito. Lumulobo ang tiyan nya pag high tide at magiging humpak naman ito pag low tide ang tubig sa dagat. ang Ang masakit pa ay hindi na ito nalunasan  dahil inilihim nga nya yung pangyayari na siguro ay naagapan pa sana kung nasabi nya agad sa asawa nya or kay lola at lolo ng maaga. Yung time na pinakamalala bago binawian ng buhay si Ate Len ay high tide nun at hindi na nya kinaya ang sobrang dami ng tubig sa tiyan nya, pati katawan nya namamanas na sa sobrang dami ng tubig plus tubig alat lahat yun, kahit umihi sya hindi pa rin nababawasan yung tubig. Namatay si Ate Len ng nakatayo habang yakap ng asawa nya kasi hindi na nya kayang umupo at humiga dahil hindi sya makahinga. Awang-awa sila lola pero wala silang magawa kasi nga huli na ang lahat hanggang dito nalang po at tumatak itong kwento hindi lang sakin pati sa baryo namin kaya ilag yung mga taga sa amin sa part nung kabakawan na yun na malapit lang sa likod bahay namin.

Kaya kayo, kahit saan kayo mapapad, huwag kayong nakakalimot magtabi-tabi po dahil hindi lang tayo ang nakatira sa sanlibutang ito. Marami pa akong kwentong ise-share na kuwento ng butihing lola namin. Mag-share agad ako pag na-post ito. Thank you!

Samar_Lady Zaga

Scary Stories 5Where stories live. Discover now