Compiled Stories 23

172 5 0
                                    


Basement 1

Hi! It's my first time to share a story. Sana ma-post.

I was in high school nung una akong makaramdam ng mga entities. Pero mas lumakas pa sya nung nag-college ako. Nag-start na akong makakita ng mga spirits like parang shadow na purong itim na nakatayo. And ganun pa rin yung kaba na nararamdaman ko every time na may nakikita ako. Parang sasabog yung puso ko sa lakas ng tibok.

Nag-aral ako noon sa University of Perpetual Help System Jonelta - Isabela Campus. It happened year 2013. May class kami ng 3pm noon sa basement. Mas kilala sya dati sa room na B1, katabi ng Dean's office ng CAE department. Inutusan kami ng prof namin to group ourselves and form a circle for an activity. Bale yung group namin ay nasa bandang likuran, tapos isa ako sa nakaupo sa pinakalikod. Habang nag-uusap yung mga ka-group ko, may nakaagaw ng attention ko. Nakasuot ako ng eyeglasses since super malabo yung mata ko. Sa mga nakasuot ng salamin, sana maintindihan nyo ako. Bale nagre-reflect yung mga ilaw sa salamin ko, nakikita ko yung mga ilaw sa salamin ko at nalalaman kong saan yun banda. Pero may isang kulay puti na tinitigan ko ng husto kasi iba yung shape nya. Ginagalaw-galaw ko pa yung ulo ko to see kung saang banda yung puting nakikita ko. And I was shookt nung malaman kong sa likod ko pala yun. And my heart skipped a beat nung ma-realized kong bata pala yung nakikita ko! Short hair sya na nakasuot ng white na damit tapos may bilog na belo. Malakas naman ang aircon sa room pero pinagpawisan ako ng sobra. Kinuwento ko sa friend kong si Naomi yung nakita ko. And it made me even scared nung malaman kong meron pa lang kwento na may batang namatay daw dun around 4-6 years old na nahulog sa septic tank. Tumaas lahat ng balahibo ko nun and parang ayaw ko ng pumunta ulit sa basement. Ramdam na ramdam kasi yung lamig dun kahit dumaan lang sa hallway. Marami pa akong creepy experiences dun sa school pero ito na lang muna.

Hi sa mga taga-UPH! Wag kayong matakot, mababait naman SILA. Hindi sila nananakit.

BSEd-English

Haunted Office

Hi! I'm an 5th yr accountancy student and 1st yr palang ako na-assign na ako sa isang audit firm. Dahil nga bata palang ako may mga nakikita at nararamdaman na ako. Hindi ordinaryo para sa akin yung office namin. Unang pasok ko palang sa office, sumakit na agad ang ulo ko. Every time na nandoon ako para magtrabaho sumasakit ang ulo ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Isang beses iniwan ako ng mga kasama ko sa office and nung naiwan akong mag-isa parang sobrang bigat na ng balikat ko. Alam ko na agad kung anong nangyayari, may bad spirit na nasa paligid ko. Madami pa akong experience sa office namin. Nagsimula lang sa pasakit-sakit ng ulo ko hanggang sa nagpaparamdam na talaga sya. Unang encounter ko na nagparamdam sya ay yung nag-eencode ako ng receipts sobrang nakaka-boring kasi, kaya nagpatugtog ako ng christian songs sa phone and full volume kasi mag-isa lang ako. Biglang nahulog yung phone ko and nabasag, e di ko naman nasasanggi or what. Natakot ako, pinatay ko na yung tugtog at nag-earphones nalang ako. Next naman e nung audit season year 2018, iniwan ako sa office dahil may mga supplies na kailangang bilhin sa mall. Mag-isa lang ako and focus ako sa ginagawa ko. Umihi ako tapos narinig ko na may paakyat na sa hagdan sa office so akala ko dumating na sila. Biglang may humawak sa doorknob ng cr at pinipilit buksan, nagsalita ako at sinabi kong "Sandali lang po." Paglabas ko ng CR, hinanap ko yung dumating di pa pala sila nakakarating. Natakot na ako pero di ko pinapahalata. Pumunta muna ako sa pantry para kumain ng lunch ko, at pagkatapos kong kumain inayos ko na yung upuan at mga pinagkainan ko. Nagliligpit na ako ng pinggan at paglingon ko nagulat ako kasi nakalabas ulit lahat ng upuan. Di ko na alam gagawin ko sobrang natakot na ako. Binilisan ko nalang maglipit at bumalik na ako sa table ko. Eh may OT pa naman kami non kasi rush lahat ng FS, hanggang 12am ako sa office. Kinabukasan chineck yung CCTV sa office, after ko pala mag-out may mga gamit na nahulog sa table kahit wala namang hangin or tao sa office. Tapos kinabukasan naman di na kami nag-uusap tungkol sa multo sa office namin. Nasa table ko lang ako at may bumato sa ako ng cork ng champagne. Nagulat ako ng sobra kasi pader na yung nasa likod ko at walang tao sa office kundi ako lang. Sinabi ko sa employer ko yung nagbato sa akin ng cork, sabi nya uminom daw sila ng champagne nung gabi at yung cork at bote ay nasa basurahan na. Hanggang sa nasanay na ako. Di ko nalang pinapansin kapag pinaglalaruan ako ng multo. Di ako makapaniwala sa mga nangyari. Legit lahat ito guys, may mga compilation ako ng videos ng CCTV namin sa office.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now