Enchanted

160 6 0
                                    


Hi guys it's me again Lean the one who shared about 'Anna'.

Nabasa ko lahat ng comments nyo thank you sa lahat ng naka-appreciate. Believe it or not nangyari po talaga sya. Pinaikli ko lang talaga sya.

Anyway, let's go back to the story.

This story happened when I was 13 years old, bata pa lang ako ay nakakakita na ako ng di mapaliwanag. Nandiyan yung time na magugulat nalang sila mama may kausap ako, pinaka-worst ay nawala ako ng 3 days. Pina-blotter na nga ako sa barangay.

Kwento ko na ang nangyari kung bakit ako nawala.

I'm a 1st year student that time, as far as I know it happened way back November 2008, it's my birth month that time. Habang pauwi ako galing school syempre kami ng mga kaibigan ko ay naglalakad lang, tipid-tipid that time kahit 6.00 pesos pa lang ang pamasahe sa tricycle that time. Ako yung pinakamalayo sa aming lahat, dulo pa kasi yung samin at madaming puno kung dayo ka lang at di ka sanay sa daraanan, matatakot ka. Since kinalakihan ko na yun kaya di na ako takot. Around 5:30pm-6:00pm na yun nung naglalakad ako sa maraming puno, may tumawag saking matandang lalaki. Kilala ako.

Sya : ****, diba taga dun ka sa may dulo?
Ako : Opo, bakit po? Kilala nyo po ako? (sa isip-isip ko baka lolo ng isa sa mga kaklase ko)
Sya : Oo. pwede bang tulungan mo akong dalhin yung mga kahoy na nakuha ko? Ilalagay ko sa may side car ko (side ito yung bike na may parang lalagyan, basta hirap ipaliwanag)
Ako : Sige po, saan po ba?

Sumunod ako out of nowhere. Ang layo ng nilalakad namin, tapos habang papalayo ako ng papalayo nag-iiba yung paligid. Lumiliwanag tapos yung mga puno kumikinang, yung mga damo parang sumasayaw. Ang ganda.

Ako : Ang ganda naman dito 'lo, di ko alam na may ganitong lugar dito.
Sya : Maganda ba?

Napatingin ako sa matanda dahil nag-iba ang boses nito. Nakita kong parang lumakas yung matanda, tapos may sumalubong saking lalaki at inabutan ako ng juice na kulay ube yata yun basta maitim. Kinuha ko din kasi nga uhaw na uhaw na ako.

Sobrang ganda dun sa lugar na yun. Makikita mo yung mga paru-paro na nagliliparan sa harap mo na tila ba nakikipaglaro sayo. Ibinaba ko ang gamit ko sa isang malaking bato at hinabol ko ang mga paru-paro. Nakalimutan ko ang oras dahil na din sa sobrang liwanag dito ay aakalain mong umaga pa lang. Kahit antok at pagod di ko naramdaman. Sa paghabol ko sa mga paru-paro ay may nakita akong isang punong malaki. Natatandaan ko yung puno na yun, tanaw na tanaw yun mula sa bahay namin. Ang laki nung puno. Napansin kong may babaeng nakatayo sa puno at hinahaplos ang mga dahon nito.

Ako : Excuse me po, ano pong tawag sa puno na ito?
Sya : May bisita pala, halika at maupo ka.
Ako : Bisita? Ang weird ha? (sa isip ko lang)

Sumunod ako sa babae at naupo sa tabi nya.

Nagkwento sya na yung puno daw na yun ang pinakamatatag na puno dito. Ang pangalan nung puno ay Acacia. Nagkwento pa sya tungkol sa isang lalaking minahal nya at inaantay nya ang pagbabalik.

Naputol ang kwento nya ng nakita ko ang pinsan kong si Ate Shiela na tumatakbo papalapit sakin.

At hinila ako palayo sa puno at lumusot kami sa sobrang liwanag na bagay.

Dun ako nagising. Paggising ko nasa isang tumpok ako ng dayami. Nandon din sila mama at papa papunta sakin umaga na nun.

Dun ko nalaman na tatlong araw na pala akong nawawala pero parang wala pa akong isang oras mula nung sumunod ako sa matandang lalaki. Nagpaalbularyo sila mama at nagbaka sakaling mahanap ako. Ginamit si Ate Shiela upang maglakbay diwa at hanapin ako.

Dito na nagkwento ang tatay ko.

Sya pala yung lalaking tinutukoy nung babae sa puno ng Acacia. Bata pa daw ang tatay ko kasing edad ko nung naranasan nya din na madala sa ibang mundo.

Simula noon umalis kami sa bahay namin para maiwasan na ang ganong pangyayari. Binigyan din ako ng albularyo nang krus pamproteksyon daw sa masasamang elemento. Ilang taon din akong di nakakaranas ng mga kakaibang pangyayari. Hanggang sa nawala yung krus na binigay ng albularyo. Dito na ako nakakaranas ng mga hindi mapaliwanag na bagay.

-----Lean

PS. I'm a Bisexual, sorry to confuse you guys.

I'll share all of my creepy experiences here.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon