Doppelganger Stories 2

74 3 0
                                    


Doppelganger (an apparition or double of a living person)

Hello there! The angel from my nightmare the shadow in the background of the morgue. Chos!
I'm a silent reader of this page. Just call me Sace. 20 years old, Girl.

So share ko lang yung experience ko way back 2018 sa condo ng ex ko live-in kasi kami. Actually may bahay naman kami kasama ko ang ate ko kasi dito kami nag-aaral sa Davao na dalawa. Pero mas pinili kong makasama ang t***inang ex ko. Around 3pm natutulog kami nagising ako at nabasa sa text ni ate "papunta ako diyan sa condo" 30 minutes na sya nag-text bago ko nabasa yun. Nataranta ako baka kumatok sya then akala nga walang tao kasi natutulog kami. Nag-call ako sa kanya di nya sinasagot so ginising ko si ex at lumabas kami sa terrace, call pa rin ako ng call sa kanya pero di nya sinasagot. Then nakita ko si ate naglalakad pauwi so tinawag ko sya paulit-ulit di niya kami nilingon and my ex sigaw din ng sigaw as in sigaw kami ng sigaw then lumingon na siya pero di sya nag-stop maglakad tiningnan nya lang kami habang naglalakad sya. Si ate talaga yun suot pa niya damit ko, alam ko talaga si ate yun pati ex ko alam nya si ate talaga yun. So nag-decide kami na puntahan siya baka mahabol pa namin siya natataranta na kami baka nagalit siya kasi di namin siya pinagbuksan ng pinto. Then someone texted me pag open ko ng phone si ate sabi niya "dito na kami ng kuya mo sa parking lot ng condo kadarating lang namin paakyat na kami sorry nag-drive thru pa kami sa McDo" then someone knock on the door sila ate at boyfriend niya. Di kami makagalaw sa sobrang kaba at takot na napi-feel namin di namin ma-explain. So sino yung kanina?Sabi ko sa ex ko. Naiiyak na ako sa takot and in-explain naman ni ex sa ate at sa bf ng ate ko kung anong nangyari. Daming question sa isip ko na hindi ko ma-explain. Bakit si ate lang yung naglalakad kanina na kasama naman niya boyfriend niya at may sasakyan naman sila? Bakit hindi siya nag-stop nung pagsigaw namin kanina? Ba't ang bilis ng pangyayari nasa parking lot na agad sila pero kanina lang nakita namin siya mag-isa lang na naglalakad pauwi. Until now di ko pa rin ma-explain yun. Sabi nga nila pag nakita mo sarili mong doppelganger ay hindi daw pwede yun pero di ko maintindihan. Hindi kaya nakasalubong ng ate ko yung kamukha niya?

Siguro sa 1 year na pagtira ko sa condo ng ex ko dami din kaming na-experience sa unit na yun pati mga friends namin naka-experience ng kakaiba. Every house party doon minsan mga friends namin nagtatanong ng mga weird questions about sa unit namin. Kaya nasanay nalang kami. Pero may gusto pa sana akong i-share kaso mahaba na ang na-type ko, sa susunod nalang if ma-share itong story na ito.

Thank you sa pagbabasa. Sorry di kasi ako magaling magkwento. And sa admin po thank you po if ma-post ito and please hide my identity. Love lots! Stay safe everyone!

Sarili ko ang nakita ko

Hello po admin at mga spookify lovers na tulad ko na kahit sobrang natatakot na kakabasa ng mga story dito ay go pa rin sa pagbabasa. Anyways, I'm Ann solid reader ng spookify kaya gusto ko ding i-share ang karanasan ko nong nasa abroad pa ako. Ex-OFW kasi ako last year 2016 lang ako nag-for good. Isa akong DH sa Abu Dhabi, that year kasi nag-ban yung UAE for DH kaya ang nangyari tig-isa lang ang naging kasambahay bawat pamilya ng sir ko kasi dalawa ang asawa niya, kaya don ako napunta sa 2nd wife.
Mag-1 year na ako don na mag-isang natutulog sa room ko never akong nakaramdam ng takot kaya palagi kong pinapatay ang ilaw sa room ko at tanging ilaw sa labas lang ang umaaninag sa loob ng room ko.

One time nagising ako ng hatinggabi at bigla akong napatingin sa gilid ng kama ko at kitang-kita ko na may babaeng nakaupo sa sahig na nakatagilid sa akin. Dahil tanging ilaw lang sa labas na tumatagos sa bintana ko ang tanging nagbibigay ng konting liwanag sa room ko kaya di ko masyadong naaninagan yung babae kaya bahagya akong gumalaw at tiningnan maigi yong nakaupo sa sahig, laking gulat ko at di makagalaw sa sobrang takot dahil yung babaeng nakaupo ay kamukha ko at lahat ng anggulo ay akong-ako pati yong suot ko na pantulog ay yon din ang suot. Bigla na lang tumingin sa akin at napahiga ako ng tuwid at don na ako di nakagalaw at hirap huminga. Tanging dasal na taimtim ang ginawa ko na sana ay tulungan ako ng Poong Maykapal. Nang bigla ako nagising at nakagalaw at sobra hingal na akala mo naglalakbay ng malayo at sobrang kong uhaw at nilingon ko yung pwesto kung saan ko nakita yung kamukha ko pero wala na sya don. Kaya dali-dali na akong tumayo para buksan ang ilaw. Grabe ang takot ko non kaya di na ako nakatulog hanggang mag-umaga na dahil sa takot na baka maulit uli yung nakita ko at simula non di ko na talaga pinatay ang ilaw kapag natutulog ako pati ilaw ko sa kubeta di ko na din pinapatay at kahit sobrang pagod ko sa buong araw na pagtatrabaho ay di ko na kinakalimutang magdasal dahil tanging si God lang ang lagi kong kasama sa oras-oras ng buhay ko.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon