Compiled Stories 11

180 4 0
                                    

Mga Kwento ni Tatay

Sobrang hilig ko magbasa dito sa spookify at kinukwento ko sa tatay ko yung mga nababasa ko. Tinanong ko siya kung totoo ba na may mga higante pa? Ang sagot niya lang gusto mong malaman? Maghanap ka ng tatlong niyog na isa lang ang mata (yung parang sa bowling yung hawakan ng daliri pero isa lang yung butas, basta ganun) tapos maghanap ka ng pa-'Y' na daan kahit maliit lang, yung kaya mo'ng apakan yung dalawa habang nakaupo ka sa isa, gawin mo ng pa-V dun sa Y na daan (sana gets niyo hehe) at gawin mo ito ng sakto alas sais ng gabi. Ayokong gawin kasi wala namang pa-Y na daan dito sa amin at ayoko mabuang kung totoo man yun. Naniniwala siya na may mga higante pa at ang mga nilalang na hindi nakikita ng pang-karaniwang tao at mas marami pa sila sa atin, dahil sa ina niya na nanggagamot/albularyo/mantatawas etc., ang ina niya ay kilala sa Novaliches pero hindi niya alam kung buhay pa ito o anuman dahil hindi na sila nagkikita. Ang kwento pa ng tatay ko, dumayo sa Ilocos Sur ang ina niya upang doon manggamot, may isang lalaki na hindi naniniwala sa ina niya at ang ginawa niya ay pinagawa niya sa lalaki yung about sa niyog at higante, lumipas ang ilang araw at bumalik ang lalaki na hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya dahil totoo ang sinabi ng ina ng tatay ko. Naniniwala din ang tatay ko sa mga duwende, dahil nakakakita din siya at nakakita na siya. Nakatira sila dito sa Metro Manila sina Tatay, Nanay at ang mga anak nila, isang araw may duwende na kumausap sa kanilang mag-asawa at inaabutan sila ng napakaraming barya na nung mga panahon na yun eh sobrang laking halaga at ang hinihingi nilang kapalit ay ang mama ko, gusto daw kuhain ang mama ko ngunit hindi sila pumayag at kung nasilaw daw ang nanay ko sa pera eh malamang wala kaming magkakapatid.

Ang sabi ni tatay sakin, malalaman daw niya kapag mangyayari na ang sinasabi ng nakakarami na 'BIG ONE' at ang big one na ito ay hindi lamang daw basta-bastang lindol kundi mas malala pa. Ang 2070 daw ay year of God, hindi ko alam kung totoo pero wala namang masama kung maniniwala ako, ang sabi niya meron daw lalabas na bata na ubod/sobrang talino at siya ang mamumuno ng satanismo. Inisip ko matanda na ako sa taong 2070 at baka ayun na din ang sinasabing the big one. Isa pang kwento ni tatay ay ang Taal, na gumagalaw daw dahil sa mga paglindol, hindi po sa nananakot ako or ano pa man, ang sabi kasi ng tatay ko maaari daw na ang mga malalapit na lugar sa Taal ay matatabunan ng tubig, dahil daw sa pagkalubog ng taal. Kung mangyayari man iyon ay hindi ko/natin alam. Isa pang kwento ni tatay ay yung nagtrabaho siya bilang karpentero sa isang lugar (di ko na tanda yung lugar) meron daw napakalaking puno ng mangga sa likod bahay ng pinaggagawaan niya, tuwing gabi'y doon siya tumatambay dahil mahangin, isang gabi nakita niya sa puno ng mangga na may umiilaw nagtaka siya bakit may ilaw kasi wala naman daw doong pagsasaksakan ng ilaw o kahit anong nilagay doon para magkailaw, nilapitan niya at laking gulat niya na may mga duwende at yung mga ilaw daw ay nagpapalipat-lipat sa magkabilaang mangga. Ang sabi ni tatay kapag ganun daw ay may ginto sa kinatatayuan ng puno. Yung sa Biringan daw ay puro ginto dahil naikwento ko sa kanya yung nabasa ko (skl) at alam din ng amo ng tatay ko na kapag ganoon ay may kayamanan sa ilalim nito basta may pera/ginto dito. Sinabi niya sa isang katrabaho iyon, at sinabi ng katrabaho niya sa amo nila, sa sobrang gahaman ng amo niya sa pera hinukay niya'ng mag-isa ang ilalim, at hindi na nakita kailanman ang amo niya. Iniisip ng tatay ko na nandon yun sa ilalim, dahil kapag duwende ang usapan dapat ay may kapalit, at iyon ang buhay niya, dahil hindi daw siya nag-alay.

Magpapakwento pa ako kay tatay hehe sa sobrang dami na niyang naikwento di ko na matandaan yung iba.

Sana nagustuhan nyo.
M

Vacant Room

Kanina lang ito nangyari mga around 4am. I am working in a BPO company so yung production floor namin ay merong 2 rooms inside. Yung isa, meeting room then the other one is vacant sya and since walang light, madilim talaga sa loob pero hindi naman ganun kadilim kasi may reflection naman ng light galing sa floor. So eto na, lunch break ko ng 4am kanina, I've decided na matulog nalang instead na kumain kasi inaantok ako due to my vitamin na tini-take. So sa room na yun ay walang bed, there are 1 couch and 3 office chairs so yung 3 office chairs pinagsama ko para may higaan ako, nasa gitna na ako ng pagtulog ng nagising ako bigla, I saw a black shadow facing to me and base sa shadow mataas ang buhok nya so babae sya and may binubulong sya sakin na hindi ko maintindihan, parang latin words yung sinasabi nya. Gusto kong kumilos pero ayaw ng katawan ko, yung babae bulong pa rin sya ng bulong until I decided to pray ng 'Our Father' then hindi pa rin sya tumigil at hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko so 'Hail Mary' naman yung pini-pray ko and mas creepy sya kasi pagkatapos kong mag-pray bigla syang huminto sa bulong nya then parang sumisigaw sya. Dun na ako nakagalaw pagkatapos ng sigaw. Usually sa mga nakaka-experience ng sleep paralysis pagkatapos makagalaw eh babalik sila sa tulog kumbaga pinapatulog sila agad, sakin ganun nangyari mukhang pinapatulog ako ulit pero pinigilan ko ang sarili ko at agad-agad akong lumabas ng room then supposed to be may papalit sa higaan ko at sinabihan ko sya sa nangyari para aware na sya then natatakot din hindi na natuloy yung pagtulog nya dun.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now