Auntie V

218 12 0
                                    


Admin Chai. Hello Spookifiers! This is Shy again. I hope na ma-post po itong story na ito kasi yung last send ko ng stories ay di po na-feature sa page nyo. Hehehe.

Sa mga mambabasa, paunawa lang na ang istoryang ito ay pawang katotohanan lamang. Itong istorya na ito ay base na rin sa pahayag ng Auntie ko na mismong karanasan nya at gusto ko lang ibahagi dito. Nakiusap ako sa kanya kung pwede bang ibahagi ko dito ang istorya nya at pumayag naman siya. Kung kayo po ay hindi naniniwala, nirerespeto ko po kayo at sana respetuhin nyo din ang kwento ko at ng iba pang sender dito. Mahaba po talaga ito. Wala ng Part 2 ito para mailathala ko talaga ng maayos sa inyo ang lahat-lahat.

PS. True Incident po talaga ito. At very mahaba ang istorya na ito. Confidential sana ito kaso lang, kinukulit ko si Auntie tungkol sa unforgettable incident na nangyari sa kanya.

So, here it goes.

September 2010

Tawagin na lang natin si Auntie sa pangalang Auntie V. Siya ay asawa ng kapatid ni mama. Si Auntie V ay sobrang bait talaga, down to earth na tao at mapagbigay sa kapwa kung kaya naman nyang ibigay. Sa sobrang busy nya sa trabaho ay halos hindi na nya maalagaan ang mga anak nya (pinsan ko). Halos nagbabanat siya ng buto para lang may ipangkain sila araw-araw. Si Uncle Y naman (kapatid ni mama na asawa ni Autie V) ay isang pedicab driver. Hindi sapat ang naiuuwi ni Uncle. Kaya, sumugal si auntie na magtrabaho bilang isang agent sa isang Networking and Marketing Company dito sa amin. Magaling mag-sales talk si auntie at nahi-hit ang target na quota kaya madali siyang na-promote as a Team Leader. Marami sa mga kasamahan niya ang nagalit dahil bago pa nga siya sa kompanya ay agad-agad na itong na-promote.

Isang gabi, habang natutulog na sila ni Uncle ay may naramdam si Auntie sa loob ng kanyang katawan, sobrang init daw ng kanyang pakiramdam na parang siya daw ay sinusunog. Buong gabing hindi nakatulog ang mag-asawa. Hanggang sa dumating ang umaga, yun pa rin ang naramdaman ni auntie at pati buhok nya ay unti-unting nalalagas at ang tiyan nya ay lumaki na para siyang nagdadalang tao. Hindi muna pumasok sa trabaho si auntie at nagpa-check-up siya pero negative ang results at walang findings na mahanap kaya binigyan na lang siya ng doctor ng gamot pero sa kasamaang palad walang epekto. Kahit nagpa-second opinion na siya sa ibang hospital ay ganoon pa din ang resulta. Negative.

Kaya, naisipan ni Uncle Y na pumunta sa isang albularyo na medyo malayo ang biyahe. Sumugal silang mag-asawa upang malaman na talaga kung ano ang nangyari kay Auntie V. Iyak ng iyak si auntie noon sa sobrang sakit. Para daw kasi siyang sinusunog ng paunti-unti at nanghihina na rin.

(Sa totoo lang, sinabi din ni Auntie sa amin na nagalit siya sa Panginoong Diyos that time, kinwestiyon nya ang Diyos bakit siya nagkakaganito).

Nung hindi pa sila nakapasok sa bahay ng albularyo ay may sinabi agad ito sa kanya "Gidautan ka tungod sa imung naabot karon. Gidautan ka tungod sa selos" (Siniraan ka dahil sa naabot mo ngayon. Siniraan ka nang dahil sa selos). That time, hinang-hina na si Auntie at palagi siyang nauuhaw dahil ang init na daw ng pakiramdam nya. Sobrang init na daw talaga. Pati ang tiyan nya ay malaki na parang dalawang watermelon ang bitbit nya.

(Naaawa ako kay auntie kasi habang ipinapahayag nya ang karanasan nya dati ay umiiyak pa rin siya).

Kaya, ginamot siya ng albularyo at may something na itinusok sa kanyang paa at may sinasambit daw na parang Latin Prayer. Sabi ni auntie is parang posporo daw yun. At nung pagtusok talaga sa paa nya is sobrang sakit daw talaga. Para siyang sinasaniban ng kung anuman. Umiiyak na rin si Uncle noon pero mas nanaig ang pagmamahal nya sa kanyang asawa at tinibayan ang kanyang loob.

Sabi ng albularyo ay may isang workmate si Auntie na sobrang close nya. Pero dahil sa na-promote nga ito at nagselos sa kanya ay may balak daw itong masama kay auntie at gusto siyang patayin ng dahan-dahan. Take note guys, CLOSE FRIEND ni auntie. Kaya, sobrang iyak ni auntie noon at medyo nahimasmasan siya pero sabi ng albularyo sa kanya "Kung kinsa man tong wala sa inyong opisina ugma, siya ang hinungdan kung nganong nag-antos ka karon. Kung mahimo nimu, adtua ilang balay og tan-awa sa ilang abuhan, naa kay masinati didto." (kung sinuman ang wala sa opisina ninyo, tiyak kong siya ang gumawa kung bakit ka nagsasakripisyo ngayon. At kung magawa mo, puntahan mo ang bahay nila at hanapin mo ang kalan nila, doon. May makikita ka).

Kinabukasan, ay bumalik sa trabaho si Auntie, kahit hindi pa medyo okay ang pakiramdam nya ay pumasok talaga sya upang alamin kung sino talaga ang gumawa nito sa kanya at tama nga ang hinala ng Albularyo. Tawagin na lang natin siyang Angie (close friend ni Auntie na absent that day). Pumunta si Auntie sa HR Department upang alamin kung bakit wala si Angie. Sinabi ng staff doon na nag-Vacation Leave daw ng 1 week.

Hindi nagdalawang isip si Auntie na puntahan ang bahay nila Angie, kasama nya dito si Uncle Y (asawa ni Auntie). At naabutan nya ang mama ni Angie. Pinapasok naman daw sila at hinanap ang kalan nila. Doon, may nakita si Angie sa ilalim ng kalan na 2x2 Picture nya. Gulat na gulat si Auntie noon at hindi talaga siya makapinawala sa ginawa ng Close Friend nya.

Agad-agad na pumunta si Auntie V at Uncle Y sa albularyo at binigay ang ang nakita nilang larawan ni Auntie. Dinasalan ito ng albularyo, sinunog at ibinaon sa lupa. Sabi ng albularyo kay auntie na "Humana imung pag-antos, mubalik sa iyaha ang iyang gibuhat sa imuha og pwede siya mamatay sa iyang gibuhat kay tanan naay kapalit" (Tapos na ang iyong sakripisyo, bumalik sa kanya ang ginawa nya sa iyo at pwede siyang mamatay sa ginawa niya dahil ang lahat ay may kapalit). Nagpasalamat si Auntie sa albularyo at tuluyan na nga siyang gumaling.

(Umiiyak si auntie habang inaalala ang nakaraan nila ni Angie dahil sinayang lang ni Angie ang pagsasama nila, since college days ay magkaibigan na sila at itinuring na niyang kapatid ito.)

November 2010

Nabalitaan lang nila na Patay na si Angie sa hindi malamang dahilan. Ayon sa dumating na source nila. Sunog na sunog daw ang buong katawan at lumalaki ang tiyan nito na parang nagdadalang-tao.

Since 2015, umalis na sa kompanya si auntie V at nagpatayo ng sarili nyang Health and Wellness Center at payapa na siyang namuhay kasama si Uncle Y at ang mga anak nila.

PS. Guys, totoo ang pangyayari na ito at hindi ako gumagawa ng kwento. Salamat dahil binasa nyo hanggang dulo ang kwento ni Auntie. Salamat sa Pagbabasa at salamat Admin Chai.

God Bless Sa Ating Lahat!

-Shy

Scary Stories 5Where stories live. Discover now