Compiled Stories 14

182 6 0
                                    


I can see it

Hi! You can call me Pepe,  kasi yan ang tawag sakin ng mga friends and classmates ko, just want to share my Experience guys! Hindi ako masyadong marunong magkwento so intindhin nyo na lang.

Lumaki akong malayo ang loob ko sa magulang ko, since broken family,  kay lola ako lumaki and then pinagpasaha-pasahan ng mga tita ko.  Nag-i-stay ako ngayon sa Zambales pero from Pangasinan talaga ako. Di rin lingid sa kaalaman ng lahat ng nakakakilala sakin na I have third eye,  di ko alam kung blessing in disguise ba ito or sumpa na palaging nagpapahirap sakin. 

I want to start my story way back 2015, dahil malapit-lapit na ang graduation, napakaraming requirements na naman ang tinatapon samin ng aming mga Butihing guro. It was 4pm at medyo naulan pa, busy kaming lahat sa Room. Classroom president ako that time so dapat ako ang nangunguna sa mga ginagawa namin, gupit dito,  dikit doon at halos mapagod na kaming lahat pero syempre kailangang matapos. Hanggang sa nagpaalam na yung iba at pinayagan ko naman kasi talagang umuulan na,  bale apat na lang kaming natira, ako, si Jayson, si Kim at si Patty.  Nagtatawanan kami that time dahil sa mga kwentong walang kwenta ni Jayson plus mukha talaga syang tanga that time, nagpaalam ako saglit sa kanila dahil sobra na akong naiiihi.  Dumiretso ako ng cr sa likod dahil yun na lang yung bukas na cr, pagtapos ko umihi dumaan ako sa gilid ng 2nd building para di ako mabasa, nang makita ko si Jenny nakatayo sa harap ng room 5 which is sarado, basang-basa sya, nilapitan ko sya at tinanong "Akala ko ba uuwi na kayo? Tapos basang-basa ka pa" sabi ko. Di sya sumasagot, pinilit ko syang sumama sa room para naman makapagbihis sya at may extra tshirt ako at plano kong ipapahatid na lang sya kay Jayson. Pero di nya ako pinakinggan at ayun dire-diretso siyang naglakad papuntang likod, hinayaan ko na lang at baka susunod din sya sa room. Pabalik na ako sa room ng marinig ko na nag-iiyakan sila Patty, tinanong ko sila kung bakit "Pres! Si Jenny! Nasagasaan", iyak ni Kim. Nagulat ako at di makapagsalita,  "Nice joke! Haha di Jenny? Eh nasa likod sya kausap ko kanina, basang-basa pa nga eh!" sagot ko, lumakas pa lalo ang iyak nila, pinabasa din sakin ni patty yung text ng mga classmate namin. Unti-unti na akong naniwala. Alam ko na si Jenny nga yun. Alam ko na.

Pagka-graduate ko ng high school,  kinuha ako ng tita ko sa Manila,  nag-aral ako at kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Studies, dahil magkaiba ang buhay sa probinsya medyo malaki ang adjustment ko. Yung tipong di ka agad nakakatulog,  maiingay ang mga tambay sa labas, pero nagkaroon ako ng kaibigan, si Jumong, tambay, luko-luko, babaero pero mabait din naman. Nagkakilala kami nung lagi akong nagpapa-load sa tindahan nila na tapat lang ng bahay namin. Minsan ginabi ako ng Uwi dahil maraming paper works akong tinapos sa computer lab ng school namin, nakita ko si Jumong,  umiinom sa tapat, tinawag nya ako,  "Pepe hoy! Samahan mo naman akong tumagay!" sigaw nya. "Pagod ako p're tsaka marami pa akong gagawin eh, sensya na p're" sabi ko naman. Wala din syang nagawa, tuloy-tuloy na akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto, nahiga ako. Maya-maya nakaramdam din ng antok, nakita ko ang dalawang lalaking nakahubad, pilit na hinihila si Jumong, may hawak din silang itak, nakilala ko si Jumong dahil sa suot nitong jersey pero ang mukha at katawan naliligo na ng dugo, nakita nya ako, tinatawag nya ako at humihingi ng tulong. Bigla akong nagising. Nanaginip na naman ako, bumangon ako at kumuha ng maiinom, tapos dumiretso sa terrace, pagtanaw ko sa baba, may nagkukumpulan na sa harap nila Jumong, may parating na ding pulis at malakas na ang iyak ni Auntie Cynthia, nanay ni Jumong.

Agad akong bumaba at nagtungo sa labas. Naabutan ko na lang ang isang lalaking nakabalot na ng puting tela pero aninag mo ang napakaraming dugo sa lahat ng bahagi ng katawan. Si jumong wala na! Napagtripan daw ng adik at pinagtataga sa iba't ibang bahagi ng katawan. Alam ko na. Si Jumong. Wala man lang akong nagawa. 

Hanggang ngayon di pa rin ako pinapatahimik ng kaluluwa ni Jumong, naririnig ko pa rin ang pagtawag nya sa pangalan ko,  ngayon alam kong nasa tabi ko sya at patuloy na humihingi ng tulong.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now