Stranger Danger

148 6 0
                                    


Hi Admins! I hope po na ma-post itong story ko. I'm an avid reader here sa spookify and I want to share this story of mine. As a warning to my fellow readers especially sa mga bukas ang third eye. Thanks!.

I'm Kate and here is my story. Nag-live in kami ng boyfriend ko. Tumira kami sa bahay nila sa San Jose del Monte, Bulacan. So sa family and friends nya okay ako. Pero syempre bagong salta ako sa lugar nila, wala pa akong masyadong kakilala. Every day papasok sya sa work, ako and mga kapatid niyang nakababata ang naiiwan sa bahay. Di naman masyadong rural ung lugar nila pero may pagka-province style pa rin sya compared sa kinalakihan ko sa Manila. Mga first few days ko dito okay naman but things have changed. Gabi na umuuwi galing work yung boyfriend ko. Nakasanayan ko ng hintayin sya sa terrace nila (bungalow lang ang bahay nila) near sa gate. Maaga natutulog ung family ng boyfriend ko, 8pm pa lang lights off na.

Nakatambay ako sa terrace nila malapit sa gate, inaantay ko siya. Time check (09:24pm) wala pa siya. Then something caught my attention. May isang lalaking nakatitig sakin. Katapat lang siya ng bahay namin (pabahay yung concept ng mga bahay dito, parang subdivision pero path walk. magkakatabi lang halos ang mga bahay). He's staring at me. So deep. Ang creepy ng itsura nya. Kalbo, malaki ang mata, payat and sobrang putla. He's doing something in his hands. Pinapaikot-ikot nya yung coin sa kamay nya. Tapos inaabot nya sakin yun. So ako nawi-weird-uhan ako sa ginagawa nya.

Guy: Oh? Oh?! (pointing at me)
Me: Po? Bakit? Ano pong problema?
Guy: Oh! Oh!?

Tapos he's reaching out his hands towards me nang biglang may pumalo sa kamay nya.

Stranger: Entong! Magtigil ka! Tinatakot mo si ate eh!

Tapos biglang pinasok nung Entong yung kamay nya sa gate after reaching it to me. Then bigla siyang nagdabog at may binubulong na pumasok sa loob ng bahay.

Stranger: Okay ka lang ate? Pagpasensyahan mo na yung si Entong. Baliw kasi yun tsaka huwag kang didikit sa kanya, nananakit kasi yun.
Me: Ay kuya, salamat! Natatakot nga ako kanina eh, ang creepy kasi ng itsura nya.
Stranger: Bago ka lang dito ano? Ngayon lang kita nakita eh.
Me: Ah opo kuya, Taga Caloocan po kasi ako tapos nag-live in na kami ng boyfriend ko kaya dito na ako sa kanila nag-i-stay.
Stranger: Talaga? Ang swerte naman nung lalaking yun. Napa-oo nya yung ganyan kagandang babae.
Me: Hala! Haha. Bolero si kuya. Pero kuya salamat ha. Kate nga pala (handshake).
Stranger: Loel. Huwag mo na akong i-kuya. Mag-20 pa lang ako 'no!
Me: Haha. Sorry naman. Nice meeting you Loel. Taga san ka pala? Anong phase?
Loel: Taga phase 3 ako. Diyan sa may bandang ilog. Yung malaking bahay na kulay peach samin yun.
Me: Ah, ganun ba. Sige thank you ulit ha.
Loel: Wala yun. Basta paalala ko lang sayo, huwag kang masyadong magtiwala sa mga tao dito. May kakaiba kasing nangyayari dito. Mag-ingat ka.
Me: Sige tatandaan ko yan.

Umalis na sya and after mga 15 minutes dumating na yung boyfriend ko.

Me: Babe, ang tagal mo naman!
BF: Pinag-OT kasi ako ng manager namin eh. Oh musta?
Me: Medyo di okay. Di mo nasabi sakin na may baliw pala kayong kapitbahay. Natakot ako kanina!
BF: Si Entong ba? Haha. Wala yun mabait naman yun, ganun lang talaga sya lalo na sa magaganda.
Me: Nambola pa. Buti nalang dumating si Loel, inawat nya si Entong.
BF: Loel? Sino yun?
Me: Si Loel, taga phase 3 daw sya. Matangkad, maputi, chinito tapos. Basta gwapo. Hahaha!
BF: Ikaw ha! Pinagpapalit mo na ako agad. Hmp.
Me: Luh hindi ha! Syempre ikaw pa rin. Tara kain na tayo tapos tulog na, inaantok na ako eh.

That is our first meet up (Loel). And nakasanayan ko ng gabi-gabi, kapag inaantay kong umuwi ang boyfriend ko. Dumadaan si Loel samin, nag-uusap kami sa may gate. Sa labas sya, nasa loob ako. Lagi siyang may dala-dalang pasalubong. Nakakatuwa siyang kausap. And until I reached the point na napo-fall na ako sa kanya. Nagseselos na yung boyfriend ko every time na ikinukwento ko si Loel sa kanya.

Scary Stories 5Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang