Doppelganger Stories

155 4 0
                                    


6th Flatmate
Shared by ennailjugo
        
Experience po ito ng kaibigan kong nagtrabaho sa United Kingdom noon.
Itago natin sa pangalang Madam Jean. Lima silang resident ng flat na iyon. Puro sila Pilipino. Ayon sa kanya, tatlo sa mga kasama niya ay graveyard shift. Dadalawa silang naiiwan sa gabi sa flat matulog ng kasama niyang itago din natin sa pangalang Ruby.

Magkakaiba sila ng Pinapasukang trabaho bukod dun sa tatlong graveyard shift. Minsang daw mga alas singko ng umaga na gumising si Madam Jean dahil napaaga ang schedule nya sa trabaho, bumangon at dumiretso ng kusina para tignan bakit bukas ang ilaw sa kusina (lagi nilang sinasara ang ilaw dahil nagtitipid din sila sa kuryente), nakita ni Madam Jean na nakaupong nakatalikod ang kasama nitong si Ruby sa upuan na nakaharap sa mesa. May tasa itong hawak at hindi kumikibo.

"Oh, akala ko ba alas diyes pa ang pasok mo? Ang aga mo namang gumising." Sabi ni Madam Jean.
Hindi daw ito nilingon ni Ruby. Baka nakatulog habang nakaupo, sabi sa isip ni Madam Jean. "Una na akong maligo huh?". Tumango daw ito na ang madalas na sagot sa pagtango ay "Sige" or "Oo". Dumiretso ng banyo si Madam Jean at naligo. Natapos at lumabas ng banyo si Madam at nadaan sa kusina para sabihan si Ruby "Tapos na ako, Rubs. Ikaw na." Pagkalagpas ni Madam Jean sa kusina, nakita niyang dahan-dahan naglakad patungong banyo si Ruby. Pagkapasok ni Madam Jean sa kwarto, saka nito binuksan ang ilaw.
Laking gulat niya ng makita nitong nandun si Ruby sa taas ng double deck, mahimbing pa ang tulog. Ginising niya si Ruby at bumangon naman ito.

Takot na takot na sabay nilang pinuntahan ang banyo at ang kusina, wala na ang multong nagpanggap na si Ruby.

Velasco Building
Shared by gazarii

I also believe in ghosts and I don't know if my third eye is open pero I can see things. Pero hindi katulad ng iba na sobrang vivid. Yung sakin yung mga dumadaan-daan lang and yung ghost na gumagaya ng face/form ng isang tao.

One time nasa may tambayan ako ng  Engeering sa may Velasco Bldg., it was in the afternoon, I was waiting for my friend to show up kasi magpapasama ako mag-lunch. I didn't see her the whole day so nagbabaka-sakali lang ako na makita ko siya. then I saw her pass infront of me tapos tinawag ko sya pero hindi sya tumitingin. I followed her hanggang sa cr sa 1st floor tapos pagdating ko dun wala naman sya. I checked every cubicle. tapos paglabas ko I saw her pababa galing 2nd floor tapos I was like (with all taray!) "Ano ka ba? kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang lumingon diyan!" tapos sabi niya kakatapos lang daw ng class niya at hindi pa sya bababa. tapos sabi niya samahan ko daw sya sa cr!.

Nangyari din yun sa cousin ko eh nung bata pa sya. pinapatulog ko kasi sya tapos pumunta ako sa dining table nila nakikipagkuwentuhan ako sa mama niya. tapos I saw him from the cr tumakbo siya sa ilalim ng table. sumigaw pa ko sabi ko matulog na sha tapos sabi ni tita kanina pa daw tulog. para daw akong tanga. after that hindi ko na pinansin yung pinsan ko. tapos after a while I looked over to my left and saw a lady wearing white pass through the wall dun sa hall nila.

Every time i have this kind of experience hindi naman ako natatakot kasi usually late na bago ko ma-realized na multo pala.

Staff Crew

Good day, Good afternoon, Good evening o kung anong oras nyo man ito binabasa mga spookifyers!

It's yo boi Thom again! Napansin ko lang na mahilig kayo sa story na doppelganger so I'll share mine. P.S not my personal experience pero ako yung ginaya hehe. Let's go!.

Way back 2012, nagtatrabaho ako sa isang kilalang casual dining (more on pastry) para may idea kayo  sa hospital kami nakapwesto btw. Here it is. Of course, hospital maraming horror & creepy stories na mapag-uusapan. After duty tas tumatambay pa sa store. Yan ang pinagkukwentuhan. Usap-usapan din na yung pwesto namin dati is, libingan yon. Yun bang parang sa may gagamba yung pwesto. Hahaha No hate di ko alam ang tawag. Basta correct me nalang.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now