Kasunduan sa Demonyo

201 1 0
                                    


Hello Spookify readers! Ako nga pala si Milo (di ko tunay na pangalan), isa ako ngayong College Student sa Isang university sa Manila. Share ko lang ito. Sana ma-enjoy nyo ang kwento ko at sana ma-i-post ito haha.

Sa ngayon ako po ay binabagabag ng aking kunsensya dahil nakipagkasundo ako sa isang demonyo na kung tawagin nila ay si Horpuras. Kung paano nangyari ang pakikipagkasundo ko sa isang demonyo ay ito yun.

Lumaki ako sa isang iskwater area na may simpleng buhay lamang. Ang aking ama ay isa lamang pa-extra-extra sa construction na walang sapat na kita para tustusan ang pangangailangan namin. Pangatlo ako sa limang magkakapatid at dahil graduate na ako nang high school ay dapat ay maghanap na ako ng trabaho. Pero walang gustong tumanggap sakin kasi hindi naman ako ganon katangkaran para maging isang salesman lamang. Kaya ang inaasahan ng pamilya ko na makatulong sa kanila ay hindi natupad. Si tatay ay matanda na rin at si nanay ay hirap ng lumakad. Ang dalawang nauna sakin ay may asawa na rin at hirap sa buhay.

Isang araw, hapon nun ng pumunta akong computer shop at nag-internet nang may makita akong isang page na kung saan ay may nakalagay na isang picture ng isang estatwa na mukhang kambing at katawang tao na may pakpak ng agila, nakaupo ito at naka-peace sign ang isang kamay at nakapatong naman ang isang kamay sa tuhod na parang nanglilimos (na-imagine nyo ba?)
Dun ako na-curious at binuksan ang page na iyon, nagulat ako dahil nagtuturo pala sila ng mga iba't ibang kaalaman tungkol sa mga demonyo at mga pagsamba kay Lucifer. At marami ng mga tao ang kanilang natulungan. Isa pala itong page ng mga sumasamba kay Lucifer at sa mga demonyo na nagbibigay sa mga tao nang yaman at pera. Kaya ang ginawa ko ay minessage ko sila at maya-maya ay may sumagot. At doon na kami nag-usap sa fb. At sinabi nila na handa silang tumulong sa pangangailanganng tao lalong-lalo na sa pera. Sinabi nila na marami ng mga tao silang natulungan at ngayon ay nagtatamasa na ng karangyaan sa buhay at nabibili lahat ng gusto nila. Sinabi rin nila kung pano sumali sa samahan ng mga Luciferian.
Hanggang sa nakipagkita ako sa ka-chat ko sa isang mall sa Pasig at naghintay nang ilang minuto. Nang biglang may pumasok na isang babaeng ubod ng ganda at naka-shades at nakaitim lahat na damit mula ulo hangang paa. At dun na kami nag-usap sa isang fastfood. Sabi nya dati lang syang Sales Clerk sa isang mall sa Makati, nang may isang mayamang costumer ang lumapit sa kanya at nag-alok sa kanya ng tulong. Sabi ko sa kanya kong anong gagawin ko para yumaman?.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa parking lot ng mall at dun ko nakita ang kanyang magarang kotse na kulay dark gray na Honda Civic, sobrang ganda ng loob at ang lambot ng upuan at sobrang lamig ng aircon. Mahaba ang biyahe namin, sabi nya ay papunta kaming probinsya. Dun daw muna ako dahil dun daw gagawin ang isang seremonya ng mga Luciferian at may isang demonyo daw dun na magpapakita sa lahat ng mga bagong miyembro ng mga Luciferian.
Mahaba ang binyahe namin at tinanong ko ang pangalan nya, sya si Sheila dati pero binago na nya ang pangalan nya at ngayon ay si Daniela na sya. Ganun daw yun once na sumali ka sa samahan ng mga Luciferian ay dapat palitan mo na ang iyong pangalan, iyon daw ang isang patakaran ng mga Luciferian. Gabi na nang makarating kami sa isang lugar, maraming mga puno dun pero kaya pa ding pumasok ang sasakyan, may daanan kasi dun na walang puno at mga halaman. Sobrang nakakatakot ang lugar at tanging liwanag lang na nagmumula sa headlight ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Maya-maya ay may isang malaking gate na kaming nakita at may tatak ito na isang bungo ng tao. Bumusina si Daniela at agad na nagbukas paloob ang malaking gate at pumasok na agad ang sinasakyan naming kotse. Pagbaba namin ay nakita ko ang isang malaking gusali at mga bantay na lahat ay nakatakip ang mga mukha ng itim na tela mata lamang ang kita at lahat ay may mga AK47.

Naglakad kami ni Daniela medyo malayo kasi ang gusali kailangan pang lakarin. Hangang sa makarating kami at saka pumasok sa loob. Pagpasok namin ay nakita ko ang napakadilim na loob, na ang tanging liwanag lamang ay mga kandilang itim. May nakita akong mga taong nakatalukbong na kulay itim parang yung kay kamatayan. Sobrang takot ko nun at parang gusto ko nang sumuko at bumalik na lang, pero naalala ko ang sinabi ni Daniela sakin, once na nakarating ka na dito sa lugar na ito ay hindi ka na basta-basta makakaalis at tsaka iniwan ako ni Daniela. Sabi nya, "Milo sandali lang, dito ka lang ikukuha muna kita nang damit para makapagpalit ka na." Sabi ko, "Sige basta bilisan mo lang medyo natatakot kasi ako." at iniwan na nya ako at pumunta dun sa isang kwarto. Maya-maya ay umalis na ang mga taong nakatalukbong ng itim at naiwan na lang akong mag-isa sa loob na takot na takot. Maya-maya ay dumating na si Daniela na may dalang itim na damit, ito daw ang isusuot ko para mabinyagan na ako bilang isang kasapi ng mga Luciferian.

Fast forward.
Agad akong pumunta sa ikalawang palapag at sumunod sa mga taong nakaitim at dun ko nakita ang kanilang ginagawa. May isang lalaking nakatayo sa harapan namin na nakasuot ng puting damit na mahaba. At may takip ang kanyang mukha habang nagsasalita ng mga lengguwaheng hindi ko maintindihan. At maya-maya ay pinapila nya kami isa-isa. Yun nga pinapila nya kami at maya-maya ay malapit na ako sa pila dun ko nakita ang isang mangkok na kulay ginto at itim at isang kutsilyo, na ginagamit para sa isang kasunduan. At maya-maya ako na ang nasa harapan ng pila sobrang takot ko nun, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang may mali. At saka ako pinatungan ng kaliwang kamay ng nakaputing lalaki at pagkatapos ay sumenyas sya na ilahad ko ang palad ko. Paglahad ko ng kamay ko ay saka niya ako hiniwaan sa palad at tumulo ang sariwa ko pang dugo sa mangkok na ginto at saka humalo sa iba pang dugo na nauna sakin.
Pagkatapos nun ay umalis na ako sa pila at bumalik sa pwesto ko, maya-maya ay natapos na ang pila at saka niya pinatong ang kanyang kamay sa mangkok at naghiwa din at may binulong na salita. Maya-maya ay may lumabas na kulay pula na may halong itim na usok mula sa mangkok na dinasalan at napuno ng usok ang buong kwarto at saka unti-unti itong pumunta sa harapan namin at nag-anyong isang demonyo. Nakakatakot ang hitsura nya at sobrang baho ng kanyang amoy at may sungay siyang kagaya ng sa kalabaw at nanlilisik ang kanyang mga mata na kulay dilaw. Sinabi nya samin sa nakakatakot na boses, na salamat sa pagsali bilang taga samba kay Lucifer na kanyang panginoon at saka sinabi ang kasunduan. "Sa oras na hiniwaan ang iyong kamay ay automatic na nangyari na ang kasunduan. At dahil mabait ako ay bibigyan ko kayo ng pagkakataong mabawi ang inyong kaluluwa pero kailangan nyong mag-recruit ng iba pang sasali, 13 dapat lahat ng mare-recruit mo kapalit ng iyong kaluluwa. At hahayaan ka na naming mabuhay ng payapa kung hindi ka makakapagpasali ng 13 na tao sa loob ng 25 years ay kukunin ko ang kaluluwa mo at mapapasakin."
Saka sya biglang nawala at dun na natapos ang seremonya sa mga bagong kasapi ng mga Luciferian. Paglabas ko ng gusali ay hinanap ko agad si Daniela at nakita ko syang may kausap na isang matabang lalaki na mukhang mayaman at may iniabot itong isang atm card.

Fast forward.
Nung nasa kotse na kami ni Daniela ay agad akong nag-text sa kapatid ko na malapit na akong umuwi at ok lang ako. Agad ibinigay ni Daniela ang atm card. Bigay daw ito ng mayamang lalaki kanina at dito daw ipapasok sa atm card ang pera na nagkakahalaga ng ₱500,000. At huwag daw akong mag-alala dahil paunang bigay pa lang daw yun ng Luciferian. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa atm machine para mag-withdraw ng pera. ₱90,000 ang ni-withdraw ko at pumunta agad ako sa bahay at pagdating ko dun ay nadatnan ko si mama na naglalaba ng damit. Kinausap ko si mama at tinanong kung nasaan si papa.

Fast forward.
Kinausap ko silang dalawa ng masisinsinan at saka ko sinabi sa kanila ang kalagayan ko at sinabing nagsanla ako ng kaluluwa sa demonyo at saka ko pinakita ang pera. Pero nakita ko ang galit sa mukha ni papa at di nagustuhan ang mga narinig mula sakin.

NV:

Papa: Bakit ka nagsanla ng kaluluwa sa demonyo? Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa iyo? Patawarin ka ng Panginoon sa ginawa mo
Ako: Kaya ko lang nagawa yun dahil gusto kong makaahon tayo sa hirap at para na rin makatulong sa inyo ni mama at sa mga kapatid ko.

Fast forward.
Lumipas ang ilang araw ay tila naging malamig ang pakikitungo sakin ni papa at hindi na nya ako kinakausap nun. Hanggang isang gabi kinausap nya ko ng masinsinan at saka nagkwento tungkol sa nangyari sa kanya noon. Bagong kasal pa lang daw sila ni mama nun ng anyayahan siya ng may-ari ng ginagawa nilang bahay noon, 40 lahat sila nun at sinabi ng may-ari ng bahay kung gusto daw ba nilang yumaman kagaya nya at sila na ang magpapagawa ng bahay at hindi na sila ang gagawa ng bahay. Dahil sa kahirapan ng buhay ay pumayag ang mga kasama sa trabaho ni papa pero yung iba kasama si papa ay hindi pumayag sa alok ng may-ari ng bahay. Pagkalipas ng ilang taon ay nagkita sila nung isang kasama niya sa trabaho, mayaman na ito at mayroon ng kotse at kinuha sya bilang tauhan nito. May ipapagawa daw itong bahay sa subdivision. Niyaya sya nitong sumali sa samahan nila kapalit ng kaluluwa nito at pagyaman pero ayaw ni papa na pumuntang impyerno kaya hindi nya sinubukan.

Fast forward.
Lumipas ang ilang taon nakabili na rin ako ng bahay at ilang kotse at nakapagpundar na rin ng hardware. At swerte namang may na-recruit akong 17 na tao para sumali sa Luciferian at naging malaya na ulit ang aking kaluluwa. Dalawang taon ko lang yun may mga sumali na agad na gustong yumaman. Pero hanggang ngayun ay binabagabag pa rin ako aking konsensya. Tama bang may ibang tao na magtubos ng aking kaluluwa. Isipin nyo na lang 13 na kaluluwa para lang sa isang kaluluwa. Pano kong hindi makaabot sa kota ang ibang na-recruit ko, e di maghihirap sila sa impyerno?.

Sana nagustuhan nyo, hanggang dito na lang maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa story ko.

PS; Hanggang ngayon yung papa ko Di pa din ako Pinapatawad sa nagawa ko.

-Milo

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon