Engineering Building

211 9 0
                                    


Hi Spookify!

So share ko lang pala yung medyo creepy na experience namin sa school namin especially sa building namin.

Nag-aaral ako sa isang University sa Antipolo, Engineering student ako and nung una di ko inakala na makaka-experience ako or makakarinig ng kwento about sa building namin 'cause di naman luma yung engineering building sa tantiya ko mga 6 or 7 years palang ito.

First experience ko ay matagal na year 2015 or 2016 pa. Maaga kasi ang pasok namin 7am and mahigpit ang professor namin sa attendance and dahil malayo ang school sa bahay namin lagi akong maagang pumapasok then one time mga 6:20am something nasa school na ako wala pang tao sa engineering building nun pwera na lang sakin and sa guard sa ground floor so ayun nga nag-CR ako kasi naiihi na ako and ang CR lang na allowed gamitin ng student ay ang cr sa third floor so umakyat ako sa third floor and pag-akyat ko wala ngang tao. Agad naman ako pumunta sa gitnang cubicle para umihi and then maya-maya lang nakarinig ako ng hum may nagha-hum sa cubicle na nasa kanan ko and syempre dedma lang naman ako since naiisip ko baka may tao pagtayo ko inayos ko na sarili ko and pag-open ko ng door ng cubicle nawala yung pag-hum and nagulat ako at talagang tumindig balahibo ko kasi walang tao sa dalawang cubicle kasi naka-open yung door nito agad-agad naman akong tumakbo pababa ng hagdan sa takot ko and simula nun pag maaga ako pumapasok di na ako nagsi-cr mag-isa.

Second experience is kasama ko friend ko maaga din yun around 6:40am ayaw naming um-attend ng flag ceremony so nagtago kami sa engineering building umupo kami sa hagdan paakyat ng 3rd floor maya-maya pa eh may nakita kaming mabilis na kulay puti na dumaan papunta sa CR.

And ito September 12, 2019 ang uwi namin ay 7:00pm na and sakto naman nag-extend yung prof namin para matapos yung reports, yung kaibigan ko is nagpasama sa CR and ang room namin is sa 2nd floor and ang CR nga eh nasa 3rd floor, katapat ng room namin ang hagdan papuntang 3rd floor so umakyat na nga kami pag-akyat ng 3rd floor madadaanan talaga namin lahat ng room sa 3rd floor and dahil nga 7pm na nun wala ng tao sa room and naka-lock na rin, nang makarating kami sa CR na walang ilaw, nag-CR na nga ang friend ko sa dulong cubicle sya and in-open nya yung flashlight nya sa phone ako naman since di naman ako talaga naiihi nag-stay ako sa may doorway papasok ng CR and then pagkatapos ng kaibigan ko mag-CR nagtanong sya sakin if umihi rin ako sabi ko naman eh hindi nga then doon na ko nakaramdam ng kaba habang naglalakad kami sa madilim na aisle sa 3rd floor sabi nya.

"May sapatos akong nakita sa kabilang cubicle."

Super nagulat ako and kinilabutan sa sinabi nya pero instead na tumakbo and matakot nagkunwari ako na di ko sya narinig and iniba ko ang topic pero syempre yung lakad namin binilisan namin and wala talaga kaming lingon-lingon. Nang makarating na kami sa may hagdan inulit nya yung sinabi nya.

"May nakita akong sapatos sa may kabilang cubicle kaya tinanong kita kung nag-CR ka akala ko kasi ikaw lang kaya di ko pinansin." And pagkababa nga namin doon na nawala yung takot ko since may ilaw sa room namin.

Eto yung pinaka-latest lang, October 28 or 29, 2019 so kahit nga may mga creepy experiences na nga kami sa CR, pag naiihi na kami nagsi-CR pa rin kami and yun nga around 6pm palang yun sabi nga ng kaibigan ko mag-CR kami, ako naman sumama kasi ayoko rin magpadala sa takot ko pag-akyat namin normal naman lahat di lang ako lumingon sa mga rooms na nadadaan namin lalo na sa gitnang room and sa room na malapit sa CR dahil may mga "nakikitang multo" nga daw dito pag CR ng classmate ko okay naman walang kahit ano hangang sa maglakad na kami ulit pabalik sa room and akala ko wala akong mararamdaman o ma-e-experience na kakaiba pero nung malapit na kami sa may hagdan eh nagulat ako nang bigla akong may narinig na hakbang sa likuran namin which is weird since magkasabay kaming naglalakad ng friend ko as usual dedma lang kami at nung nadoon na kami sa room sabi ng friend ko lumingon daw sya sa room sa gitna and may nakaputi daw syang nakita and nung may humakbamg nga sa likod namin nilingon nya nga din daw and nakita nya na may nakaputi na nakasunod samin.

-ate mo girl

Scary Stories 5On viuen les histories. Descobreix ara