Compiled Stories 10

181 5 0
                                    

Patricia

Hi Spookify Readers! Let me share my not so scary story sa trabaho ko sa QC. Please hide my identity admin, Salamat.

Isa akong Office staff sa isang restaurant sa QC, hindi ko na sasabihin kung anong pangalan ng resto, basta may buffet sya.

3 years na akong nagwo-work as office staff dun sa restaurant. Nung bago palang ako, may naririnig na akong kwento tungkol sa nagpaparamdam na bata. Babae sya kaya pinangalanan siyang Patricia. Kwento ng mga staff, si Patricia daw ay nagpaparamdam sa tanghali at kapag closing na. Minsan nga habang naglilinis ang housekeeping namin may napansin siyang bakat ng kamay sa salamin (Function Room) pinunasan nya ito at pagbalik nya para palitan ng tubig ang mop squeezer nakita na naman niyang may bakat na naman ng kamay ng bata sa may salamin kaya dali-dali siyang bumaba at kinuwento ang nanyari sa kanya hanggang sa nakasanayan nalang nya yung ganung eksena, Mas madalas si Patricia sa 3rd floor kung saan dun sya tumatakbo at nagtatago mukhang pilya rin sya kasi madalas talaga sya kung manakot.

Pero dahil sa office kami, never ko pang na-encounter si Patricia. Hanggang sa nagparamdam sya sa akin, nagpakita pala.

umakyat ako nun sa 2nd floor para kausapin ang staff tapos na ang buffet nun kaya wala ng tao siguro 3pm na ng hapon yun at 3 empleyado nalang ang nasa loob, pag-akyat sa 2nd floor may malaking salamin kung saan kita ang hagdan paakyat sa 3rd floor, habang nanalamin ako may nakita akong bata na sumilip sa akin galing sa hagdan. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil inisip ko na may event sa 3rd floor hanggang sa pagbaba ko nakita ko ang officemate ko at tinanong ko sya kung anong event meron sa 3rd floor at sinabi nyang wala namang event sa 3rd floor dahil weekdays nun. Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko yun, ibig sabihin walang tao sa 3rd floor pero sino ang batang nakita ko?.

Naikwento ko ito sa mga kasamahan ko sa trabaho at sinabi nga nila na baka si Patricia yun, tinanong nila ako kung anong itsura ni Patricia, sa pagkakakita ko meron syang maigsing buhok parang apple cut, payat at siguro nasa edad 6 na taong gulang sya. Hindi pa doon natapos ang pagpaparamdam nya hanggang isang araw buwan iyon ng Nobyembre, nung nasa reservation room ako para mag-release ng documents (isang maliit na kwarto kung saan may lamesa at upuan at isang malaking salamin), gaya ng nakagawian ng nakakaramj, naisipan kong mag-mirror selfie ng nakatayo, nakahawak sa mga lamesa ang aking mga kamay saka ako nag-selfie, pagkatapos kong makakuha ng isang larawan umalis na ako agad, nawala sa isip ko ang picture ko na yun hanggang sa pag-uwi ko ng bahay naisipan kong magbura ng mga pictures sa gallery, habang bina-browse ko ang mga litrato bigla kong pinundot ang picture ko na kuha ko sa reservation room na may kung anong bumulong sa akin na i-zoom ko at ayun na nga, laking gulat ko na may nakapatong na kamay na parang nanggaling sa loob ng katawan ko. kamay ng isang bata.

Kapag na-post ito, ipo-post ko dito ang actual na litrato na kuha ko mismo.

Maraming Salamat sa mismo

Munting Prinsesa
Rizal

Palawan

Hello po spookify! Just wanna share my story/experience.

So here it goes.

I'm working as a System Administrator in a company and my job is to install systems for our branches all over Philippines. One time I was assigned to go to Palawan in one of our branches. While staying in Palawan I looked for a place where I could stay. It's really hard to find a place to stay in especially kapag peak season. But I still Managed to find a house, the house that I found is walking distance sa mall but really hidden, liblib sya as in but I have no choice. So kinuha ko na din. One time there was a midnight sale sa mall so I need to stay sa mall until 12mn. I got out of the mall mga 12:30mn. Wala ng sakayan so I decided to walk, it was so creepy because I'm the only one walking and it's really dark. While walking napansin ko na parang paulit-ulit lang yung dinaraanan ko, like parang pinaglalaruan ako. I keep on going back to the place kung saan ako dumaan kahit anong gawin ko as in I don't believe in supernatural but that time naniwala na ako. Sobrang creepy na dahil di ko na alam ang gagawin ko. I'm so scared dahil dapat dun na yung bahay namin. I don't know but naisip ko bigla na magdasal ng "Our Father", so I started praying na nga and closed my eyes and as soon as I finished the prayer I saw the house where I'm staying in. I was so thankful kay Lord for saving me from that.

Scary Stories 5Kde žijí příběhy. Začni objevovat