Doppelganger Stories 1

126 4 0
                                    


Doppelgänger

Limot ko na kung anong taon ito nangyari pero ang natatandaan ko lang ay high school na yata ako nung mangyari 'to.

Nakaugalian ko na iyong pagkagising na pagkagising ko ay didiretso na ako sa cr para umihi, noong araw na iyon lumabas ako ng kwarto nagmamadaling pumuntang cr eh nagkataong may nakauna na sakin kaya ang ginawa ko naghintay ako ng naghintay pero panay na ang reklamo ko "Ma! bilisan mo naman diyan!" daldal ako ng daldal nakabukas ang pintuan kaya alam ko kung sino. Naiiyak na ako sa inis kasi ihing-ihi na talaga ako tapos nagtataka pa ako kasi hindi man lang ako nililingon ng mama ko. Ang ginawa ko umupo ako sa upuan sa lamesa para pigilan ang ihi ko bale ang style kasi ng bahay ay maliit lang. Yung kusina isang liko mo lang tapos hakbang ng konti ay kubeta na tapos yung isang upuan ay harapan ang pintuan ng kubeta namin. Panay na ang reklamo ko kasi sobrang tagal ni Mama tinititigan ko na sya ng masama tapos ang mama ko nakayuko lang nakahawak sa tuhod nya habang nakaupo which is akala ko umiihi. Sa sobrang inis ko naiyak na ako tapos nagmaktol sabay alis sa upuan naisipan kong ligpitin ang higaan ko tapos nalintikan na kasi pagliko ko pabalik ng kwarto nakasalubong ko ang Mama ko galing syang labas ng bahay. Gulat na gulat ako tas nagmadali akong bumalik ng cr wala ng tao. Wala na 'yong babae, wala ng tao.

Naalala ko November 1 pala ng araw na iyon.

Sunod ay iyong pumunta akong bahay ng tita ko para sunduin sya kasi kakain na kami. Nakabukod kasi ang tita ko, wala syang asawa at anak nagtatrabaho kasi sya sa ibang bansa tapos hindi nakapangasawa. Tatlo kaming magpipinsan na sinundo sya tapos pagpasok namin tinawag namin sya naupo ako sa sala. Yung bahay nya ay may kaluwagan, pagpasok sa pintuan ay may malaking sala tas may maliit na hallway tas kwarto tas maluwag na kusina at pinakahuling pintuan ay ang cr.

Hindi sumasagot ang tita ko, pagtingin ko sa cr ay may anino akong naaninag, nakasarado pero maliwanag kaya mapapansin talaga sa ilalim ng pintuan na may gumagamit. Sabi ko nasa cr si Tita naliligo tas saktong pagsalita ko sumagot ang tita ko na nasa luob ng kwarto nagbibihis. Natahimik ako tapos pagtingin ko ng cr wala na kong makitang gumagalaw na senyales na may tao sa luob. Wala ng ibang kasama si Tita sa bahay, mag-isa lang sya.

Meron akong iba pang kwento. Next time na lang kapag na-post na ito.

-Ely

Doppelganger na naka-helmet?

Hi spookify! Gusto ko lang i-share itong nakakakilabot na experience ko, ewan ko sa inyo pero para sakin ang creepy talaga and thanks admin pag na-post to hehe. So here it goes.

I'm Dan (not my real name). Yung klase ko ay 9:30pm yung dismissal so pag dismiss na, yosi-yosi muna bago uwi tas abang na ng masasakyang jeep.

FF. Pagbaba ko ng jeep almost 11pm na, since yung bahay namin ay nasa loob ng village kailangan pang lakarin ng about 3-5mins. As usual gabi na wala na masyadong tao at wala na ring masyadong nakabukas na ilaw. So habang naglalakad nakasalubong ko yung kaibigan ko na may-ari ng computer shop. Tawagin nalang natin syang Pee (not his real name). Naka-helmet, may dalang bag at parang nagmamadali. So tinanong ko.

NV.
Ako : Oy Pee! Saan ka pupunta? Mag-ingat ka may mga LTO diyan sa labasan baka ticket-an ka kasi may helmet ka tas wala kang motor haha.
Siya : *ngumiti lang

Yung ngiti nya guys as in parang ang weird. Isipin nyo yung ngiting may balak. Nang nalampasan ko na sya tumingin muli ako sa likod nang nakatawa, sh*t sya rin nakatingin sa akin ng nakangiti at nanlaki yung mga mata. Binalewala ko nalang kasi mahilig mang trip yun eh.

FF. Pagdating ko sa bahay bihis agad, kain tas punta na sa computer shop para maglaro (yung computer shop ay nasa dulo ng village papasok so mas malayo pa sa amin pero keri lang lakarin haha). Pagdating ko sa shop, nagulat ako nang makita ko sya dun.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon