Mananabtan

198 9 0
                                    


Maayong gabii sa inyong tanan. Ako nga pala si Hazel, from Davao del Norte. Hindi po ito typical na nakakatakot but kayo na rin po ang bahala kung ano po ang feeling ninyo sa kwento ko. Pasensya na po kung medyo kengkoy yung tagalog ko. Silent reader since 2017.

Mananabtan is bisaya ng Nagdarasal, iyon po ang pamana ni Mama sakin since na-stroke siya at di masyadong makapagsalita. Tagadasal ako ng mga kaluluwa ng namatay lalo na sa burol, kwarenta at hubkas o yung unang taon ng pagkamatay ng isang tao. Maraming pamahiin na dapat sundin at mga dapat gawin pag ikaw ang tagadasal. Sa kaso ko dahil 23 pa lamang ako (I started being mananabtan when I was 14, sinanay ako bigla ni Mama kasi nagkasunod-sunod yung mga patay sa amin at ako na ang nagdala ng guide since 21 years old ako) makabago na ang nakagisnan ko. Pero may isang pangyayari sa akin na akala ko mamamatay na ako dahil sa pagiging mananabtan ko.

Year 2011, namatay yung anak ng kapitbahay ko dahil sa Bronchitis, siguro 3 or 4 years old yung batang lalaki. Sa akin iniatas ni Mama na mamuno sa dasal na iyon. Bago ka magsimula dapat ay nanalangin ka muna ng gabay sa ating Panginoon kasi hindi mo alam kung sino ang matatag ang isip, ikaw ba o ang mga kaluluwa na hinihila ka, humihingi ng iyong panalangin para sila ay maialis sa lugar na kanilang kinasasadlakan. Sa pagsisimula ko naramdaman ko yung tensyon sa paligid, yung aapat lang kayo pero ang daming sumasabay sa dasal mo. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagdarasal biglang nagkaroon ng komosyon sa labas ng bahay kung saan may burol. Pinagpatuloy ko lang yung dasal kahit nawala na sa focus yung mga kasama ko kasi sa isip ko hindi ako pwedeng huminto kasi mas magiging komplikado ang mangyayari. Pero ayaw paawat nung gumawa ng gulo at bumalik may dala ng itak na bagong hasa pa lamang kasi magha-harvest sana yun ng saging kinabukasan ng madaling-araw. Hindi siya maka-move-on mga ateng kasi gusto niya talagang maka-score doon sa nakaaway niya. Nagkakagulo na silang lahat, may sumisigaw na parang yung sigaw eh may nasaksak o naitak pero wala naman talaga. So ako itong may obligasyon kahit natatakot na kasi apat na hakbang lang ang layo nung nag-iitakan sa akin eh nakaluhod pa rin at patuloy na nagdarasal. Malapit na akong matapos nun ng biglang bumalandra papasok yung mga nag-iitakan, ganyan katapang yung mga tao sa amin kahit ngayon hindi naman kalahi ni Bonifacio, so ako muntik ng masubsob sa kabaong na nasa harap ko at napasigaw ng "konting respeto naman sa patay, doon kayo sa gitna ng court magpatayan, Diyos ko!" Biglang nahimasmasan yung mga nag-aaway, parang yung mga reaksyon nila ay parang sinaniban saglit. Tinapos ko yung dasal at nanalangin ng mataimtim at humingi ng kapayapaan. Pagkatapos ng mahigit isa at kalahating oras ng pagdarasal ko halos naligo ako sa sarili kong pawis. Yung pakiramdam ko ay parang lumubog yung kaluluwa ko sa kaloob-looban ko. Yung iba kong kasama ay halos tulala at may isa pang napahikbi dahil sa nangyari. Dahil sa hindi ako humingi ng gabay sa gabing iyon kaya ginugulo ng ibang elemento ang padasal.
Napag-alaman kong ang dahilan ng away ay dahil sa Hantak o Hari Patay Coins tapos nadala pa ng mga tudyuan at sulsol ng mga kasama sa sugal na iyon. Sa susunod ko pong ibabahagi ay yung padasal ko ng kwarenta sa Mama ng kapitbahay ko na namangha ako at the same time natakot rin sa nangyari. At iyong October 2018 sa bahay namin ngayon.

Maraming salamat po. Sana'y patuloy kayong magbasa at tangkilikin ang ating kultura. Huwag po nating gawing katatawanan ang isang bagay na hindi mo sukat akalain ay syang magliligtas sa iyo sa hukuman ng Panginoon. Ingatan ninyo ang inyong sarili sa mapaglarong mundo.

Hazelnut
TheServant
Hazel Dough Keyy

Scary Stories 5Where stories live. Discover now