Dugwak

294 14 2
                                    

A/N : It breaks my heart... 💔

Hello Spookify. I hope na ma-post ito. This is not a typical horror story, but just want to share my experience as a First time mom.

Ako si Audy, 22 years old hindi ko na sasabihin kung taga saan ako. I gave birth to my first baby April, 2019 so fresh pa ito sa alaala ko. Mapamahiin ang pamilya ko, mula nang mabuntis ako wala silang ibang ginawa kundi ipaalala sakin na itabi yung buntot ng pagi at meron din kaming langis na ibinebenta ng mga igorot na may mga lamang kung anu-ano sa pagtulog namin ng asawa ko at yun ang ginagawa namin. 2nd month na namin ni baby nagpa-check up kami kasama ang asawa ko, Mangiyak-ngiyak kami ng makita namin yung munti naming anghel via Trans-V ultrasound. Wala akong ibang masabi kundi "Thank you Lord, ito yung the best na regalo mo sa amin mula ng ikasal kami."

Fast forward, 4th month ko na and medyo magalaw na sya at medyo late nagparamdam yung lihi ko, gabi na noon at hinding-hindi ko makakalimutan na napanaginipan ko si papa pero bago ako makatulog nakarinig ako na parang may tumutuka sa bubungan namin. Sa panaginip ko, nakasuot ako na parang bagong panganak, kung alam nyo ang Eternal Gardens yun ang location namin sa panaginip ko may dinalaw daw kami sa sementeryo nandon ang buo kong pamilya pero hindi ko kasama ang baby ko, yung papa ko naman daw umalis saglit para manood ng sabong na malapit sa sementeryo pagpunta daw nya doon may bumaril sa katabi nya which is kaibigan daw nya kasabay ng pagputok ng baril nagising ako. Nagtataka ako kung bakit, naramdaman ko na may kumudlit sa tagiliran ko at tuwang-tuwa ako na kausapin sya saka ko lang namalayan na 2:30am palang. After 2 weeks sunod-sunod na yung panaginip ko na wala akong kasamang baby, pero di ko na naikwento kahit kanino.

Fast Forward ulit, 7 months na ang tiyan ko at makulit na rin ang baby ko, gabi na ulit bago ako makatulog may parang tumutuka ulit sa bubong namin nakatulugan ko na kakaisip kung ano yun at nanaginip ulit ako na uuwi ang papa ko dahil nabulilyaso daw ang katrabaho nya at napag-initan sila ng OIC nya, after 1 week tumugma yung panaginip ko, umuwi ang papa ko dahil daw yung katrabaho nya pinatulan yung OIC nila at medyo nagkabunutan ng baril. Btw, Guard ang papa ko somewhere in Bulacan. Noong time na umuwi sya nagkukwento sya na yung katrabaho nyang yon ay may ginagawa talagang kalokohan di ko na sasabihin kung ano.

Fast forward ulit, 8 months na ang tiyan ko noon hanggang sa di na ako makatulog dahil medyo nananakit nong time na yun yung tiyan ko chineck ko yung oras at nakita kong 12am na at tulog na tulog na yung asawa ko, nakiramdam muna ako dahil sa isip ko baka false alarm lang. Nagulat ako nung umubo si papa at ipinaalala yung buntot ng pagi sabi nya may Dugwak na (hindi ko alam kung anong tawag non dito sa Manila, pasensya na. pero yung huni nya malakas na parang Wakwak). Bigla akong nagulat dahil sa parang may tumutuka na naman sa bubungan namin, kaya tinanong ko sya kung umaambon ba at ang sagot nya sakin, "Hindi umaambon, gisingin mo si Arjo dalian nyo."

Pupungas-pungas pa si Arjo nung ginising ko kasabay ng paggising nya, sumakit na ng sobra ang tiyan ko. Pinilit ko pa ring bumaba, inayos ng asawa ko yung hihigaan namin. Hindi sinabi samin ni papa kung ano yun, pero ang huling bilin nya huwag ilalayo samin yung buntot ng pagi, sabi naman ni mama huwag ng patayin yung ilaw hanggang sa nakatulog na ulit ako. Kinabukasan, nagising ako na wala na yung asawa ko pati si papa. Tinanong ko si mama kung nasan na sila sabi nya pumasok na daw sa trabaho. Nag-almusal na ako hanggang sa bumalik ulit yung sakit ng tiyan ko pero di ko ulit pinansin, pero mali ako. Naramdaman ko na may lumabas sa pwerta ko kaya chineck ko sa cr nakita ko na may bahid na ng dugo ang short ko kaya tinawag ko na ang mama ko at sinugod ako sa ospital somewhere in Manila.

Fast forward ulit. Naipanganak ko na ang baby ko, nasa Intensive Care Unit sya pero hindi naka-incubate wala ding oxygen or intubation dahil kaya nyang huminga without life support pero under observation sya. Dumating yung araw na naka-recover na ako at pwede ko na syang dalawin, naiiyak ako feeling ko ang failure ko as a mom, dagdag pa yung ibang salita ng mga nurses na hindi ako nag-iingat, na kasalanan ko kung bakit ako na high blood during my labor hours kaya nasa ICU ang baby ko. Hanggang sa mag-1 week na sya di ko pa rn sya katabi pero pinayagan na kami mag-skin to skin dahil kailangan nya yun. Yung 1 week naging 2 weeks pero nailipat na sya sa recovery room still di ko pa rin sya makatabi. After 2 days, binigyan ako ng good news na pwede ng itabi ang anak ko pag nakapag-breast feed na kami tuwang-tuwa ako noon. Walang mapagsidlan ang saya ko, umiiyak ako habang nagpe-pray sa sobrang saya ko. Hanggang sa nakatulog ako, sa panaginip ko nasa isang kwarto ako may mga stainless na tables and blue na traveling bags (yung parang lagayan ng patay kapag mag-o-autopsy) nagwawala daw ako sa kwartong yun, nag-transition na nasa bahay ako naghuhukay daw at iyak ng iyak. Paggising ko, umiiyak ako kinausap ako ng katabi ko sa hospital bed sabi nya kailangan na ng diaper at wipes ni baby kaya pumunta ako agad. Sa hindi ko inaasahan nakita ko ang baby ko na nagsi-seizure, iyak ako ng iyak kinuha ko agad sya sa crib saka pinunasan. Nagtaka lang ako bakit dalawa yung nakatutok na pailaw sa anak ko di ko na nagawang makapagreklamo that time dahil kailangan ng baby ko ng medical attention kaya tinawag ko yung nurse na kararating lang. Ibinalik na ulit yung baby ko sa ICU mixed emotion yung nararamdaman ko. Hanggang sa sinabi sakin na may sakit pa rin daw ang baby ko. Kabaliktaran sa nakikita ko sa pisikal na ipinapakita nya, na sobrang active nya. Sinimulan sya na ma-skipped feeding for 5 days, iyak ako ng iyak wala na akong magawa, pinag-pray ko na sana maging okay na sya na dagdagan pa yung lakas ng loob na meron ako na sana huwag na munang bawiin ang baby ko. Yung 5 days na-skipped feeding nya naging 8 days hanggang noong May 13, kinarga ko sya ulit kinakausap na magiging worth it yung paghihintay ko sa ospital at patuloy akong maghihintay sa recovery nya nginitian ako ng anak ko na akala mo naiintindihan nya ako, hinawakan nya ng mahigpit ang daliri ko simula noon every 3 hours ko syang dinadalaw di na ako nagkaroon ng enough time para sa sarili ko. May 15, tinapat ako ng Neonat nya, gumuho na ang mundo ko dahil stage 2 na pala ang sakit nya. Iyak ako ng iyak tinawagan ko na mga magulang at asawa ko. May 16, birthday ng Mama ko, umaga na noon pumunta ulit ako sa baby ko ang ganda ng ngiti nya noon pero napansin ko na nilagyan na sya ng o2 nagtanong ako kung bakit ang sabi ng Neonat nya, nahihirapan na daw huminga ang baby ko. Pinayuhan na din ako na magpahinga muna, lumabas ako ng ICU na lugmok na lugmok sumakto pang visiting hours at nandun na asawa ko para makibalita, Wala na akong ibang maisagot puro iyak nalang tinawagan ko ang mama ko sabi nya nasa Quiapo sya at any moment papunta na sya sa ospital para maibigay yung panyo ng nazareno. After 1 hour Bumalik ulit ako sa baby ko para i-check sya, pero nagulat ako naka-CPAP na sya, na hindi man lang sila nagpatawag, iyak na ako ng iyak dahil pag hindi na kinaya ng CPAP alam kong ma-i-intubate na sya. Lumabas ulit ako, nakita ko si mama na nasa labas ng ICU umiiyak na din sya, yung asawa ko hindi nya magawang umiyak dahil alam nyang magbi-breakdown ako. Sinabi ko pa rin kung ano na ang kundisyon nya, sabi ko prepared na ako kung dumating sa point na ma-intubate sya. After 1 hour ulit bumalik ako sa baby ko pero ang worst na nakita ko in-a-ambu bag na ang baby ko, na nagkabit na sila ng tubo sa anak ko wala na akong magawa, yung anak ko umiiyak habang ako walang magawa para sa kanya, naging positive pa rin ako, inisip ko kung sa Intubation gagaling ang anak ko, tatanggapin ko. Iyak na ako ng iyak magdamag bakit sa baby ko pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit yung wala pang muwang? Pero wala e, hindi ko pwedeng kwestyunin si Lord. Mula nung araw na yun hanggang May 17 ng 8am hindi ko na sya iniwanan, maliban nalang kung cleaning time. Nagawa ko naman yung usual na ginagawa ko noon maliban sa pagkarga sa kanya pero hindi ko alam na last ko na pala yun. Last na palit ko na ng diaper yun, kinausap ko sya hanggang sa nakita ko ulit ang mala-anghel nyang ngiti, yung hawak nya ng mahigpit habang sinasabi ko na mahal na mahal ko sya na lalong humihigpit pag sinasabi kong magpagaling na sya para sa amin.

Fast forward ulit, pinalabas muna ako ng nurse dahil marami ng nag-aantay sa labas para makadalaw din sa mga baby nila. kinakausap ko ang asawa ko tungkol kay baby pero sobrang bigat na ng dibdib ko, biglang may lumapit na matandang babae samin, "Huwag ka ng umiyak anak, yung baby mo ayaw nyang umiiyak ka. May himala anak, mawawala ang sakit na nararamdaman ng anak mo." Pagkasabi nya non hinipan nya ang ulo ko, kasabay non na ipinatawag ako at urgent daw nakita ko si baby na in-a-ambu bag na at nagbi-bleeding na pinipilit nilang bumalik yung oxygen nya sa 90 pero sa tuwing ikinakabit nila sa machine bumaba na ng 70s. Kinausap ko ulit si baby, na lumaban sya, na hindi ko makakaya na mawala sya, na lumaban sya hangga't kaya pa nya pero kung talagang hindi na nya kaya kahit masakit, tatanggapin ko pero kung pwede antayin nya ang lola nya. Binabantayan sya ng mga nurses pero walang doctor na nag-aassist sa kanya, kung kailan kailangan na kailangan nya ng assistance. Mas nauna pa yung mama kong dumating ng ospital, ipinakiusap ko sa nurse kung pwedeng papasukin ang asawa ko para makita nya ang anak namin, pinayagan naman sya hinawakan nya lahat-lahat wala syang pinalampas. Nakikita ko na ang pag-bleed nya, sumusuka na sya ng dugo dahil alam kong nahihirapan na sya. Nag-usap kami ng asawa ko at ng mama ko na kung pwede tanggalin na sya sa pagkakatubo dahil ayoko na nakikita syang nahihirapan, pero ipinaliwanag nila sakin na hindi yun pwede na meron silang "Do not revive" na tinatawag pumayag ang asawa ko at ang mama ko, dahil kitang-kita ko na 30s nalang ang heartbeat nya ayoko na syang mahirapan ng sobra kaya pinirmahan namin ng asawa ko. After ng ilang minuto umakyat yung doctor ng anak ko, na-declare na syang brain dead pero yung mata nya hindi pa sarado, para syang lantang gulay. Kinausap ko pa rin sya na magpahinga na sya, pinatunayan nya na di sya sumuko sa laban nya, na kasama nya kami hindi namin sya iniwanan, na magandang laban ang ipinakita nya sa amin pero hindi pa rin nagsasara yung mga mata nya kahit anong gawin kong pagsara. Kinausap ko yung doctor kung pwede pumasok yung mama ko, tinignan ko yung machine nasa 19 nalang ang heartbeat nya, pinayagan ang mama ko na makapasok, sa pagdating ng mama ko sa pwesto nya "Apo, nandito na si lola." Kasabay ng mga salitang yon, ay ang pagsarado ng mga mata ng anak ko at ang pag-alarm ng system na flatline na sya, pinapasok kami ng asawa ko kinarga ko ang anghel ko sinabi ko sa kanya na kahit anong paghahanda ko sa sarili ko na mawawala sya hindi ko pala kakayanin. Ang sakit kalahati ng pagkatao ko ang nawala. Yung pangako ko na sabay kaming uuwi, oo umuwi kami ng sabay pero hindi ko sya karga-karga. Heto ako ngayon at kinakain ng Depression ko. Katatapos lang ng 40 days nya at alam kong masaya na sya sa itaas, may mga kalaro na sya.

Salamat sa pagbabasa.
Audy

Scary Stories 5Where stories live. Discover now