Compiled Stories 5p

200 5 0
                                    

Babaeng Kulot

Hi spookify. I just want to share my story that happened a long time ago but hindi ko makalimutan. I'm 23 now and this happened when I was 13 yata (basta 3rd year high school).
I'll change the name of the characters nalang sa story ko.

Second to the last subject - Math class namin, pupunta kaming lahat sa AVR (audio visual room) to watch a movie. '21' pa nga yun sa pagkakaalala ko. So bago pumunta dun, kami ng friend kong si Pie pumunta muna ng canteen para bumili ng mga pastillas. Pagdating ng AVR, pumwesto kami sa likod para di mahalata na kumakain kami. Three rows un nasa unahan. Tapos nsa 4th row kami na medyo malayo.

Sa kaliwa ko is a vacant seat then pader na, sa kanan ko si Pie. Then sa likod namin may isang tulog. So the movie goes on. Mga 1/4 ng movie, tinititigan ako ni Pie. As in titig na poker face. Face to face. Tinatawanan ko lang sya. Then yuyuko sya. Mga ilan beses nya un ginawa. Then ung huli sabi ko, "bakit ba?" sabi nya "layo ka diyan" pointing sa vacant seat sa tabi ko. Tapos natulog sya na nakayuko sa desk.
After mga ten minutes gumising sya, hinila niya ang chair ko palapit sa kanya. Sabi nya layo daw ako dun sa katabi kong chair. So medyo natatakot na ako. At paulit-ulit niyang sinasabing "wag". So kahit takot dedma ako.

And sympre patay ilaw, ung projector may ilaw and may shadows.
Kinilabutan ako kasi sa shadow namin ni pie dapat dalawa lang kami, pero what I saw sa shadow is parang may ktabi ako sa left. Si pie is nakatulala tas sabi ko out of takot. "ano ba sinasabi mo?" sabi nya. "ha? tulog lang ako"
Nag-creep out na ako then in second look ay may katabi nga ung shadow ko. Kulot pa nga ung buhok ng sa anino. Nanigas nalang ako sa takot then pag-ring ng bell ako ang unang-unang lumabas ng room. Nung pipila na, lalapitan ako ni Pie pero nagpa-panic na ako. Nagalit pa ang isa kong classmate kasi nahihila ko shirt nya kakatago kay Pie.

So bumalik na kami sa room. Last subject namin is Araling Panlipunan. Para akong nag-black out kasi di ko maalala ang nangyari. Naalala ko nalang is ung teacher ko tinatapik ako. Sabi "okay kalang may sakit ka ba?" Kasi sabi nila tulala lang daw ako tapos pag kinausap ako, titingin lang ako ng masama. Natapos ung klase ng hindi ko namalayan. Then here's the weird part.

After class di ko na alam ang nangyari. Para akong galing sa tulog, tas nagising. Pero shocked kasi nandun ako sa labas ng AVR nakasilip dun sa glass window. Tulala lang ako na nakasilip dun nung matauhan ako. Tapos yung mga kaklase ko dala ung bag ko, nasa likod ko "Okay ka lang ba? Bakit ka pa nandito?" di ako makasagot. Kasi di ko rin alam kung bakit ako nandun at kung bakit ako nakasilip. Pero alam ko sa sarili ko na may hinahanap ako, hindi ko alam kung ano. Tas umalis nalang ako.

Pag-uwi ko sa bahay, hanggang gabi akong di makausap. Yung ate ko sabi "ba't ba ganyan ang mukha mo? Para kang nakakita ng multo" tas ayun nag-breakdown na ako, umiyak ako tapos sinabi ko kila mama.

Di ako pinapasok kinabukasan. Nagpunta sila sa school para kausapin ung Discipline Coordinator. Then sabi ni Mang Jo ung janitor na matagal na dun, nangyari na daw din yun dati pa sa isang estudyante. Kasi may babaeng kulot daw dun na nagpapakita. Kahit nung classroom palang sya at hindi pa AVR. So sila mama pinag-attend ako ng novena.

After 2 days pumasok na ako. May rosary pa na nilagay sa bulsa ko. Tapos scapular sa leeg ko.

Lumapit si Pie sabi nya "sorry ha, sana bati na tayo." sabay abot sakin ng nakafold na crosswise na papel.

Pagbukas ko, nagdrawing sya ng babaeng kulot.

Once upon a midnight

Hi Admin. Sana po ma-post ito. Medyo di naman sya nakakatakot. Pero sana matuwa din po kayo. At wag nyo nalang po sabihin ang identity ko. Just call me Silverstone.

Nangyari po ito 6 years ago. 14 palang ako nun. Masyado pang active ang third eye at senses ko sa mga bagay-bagay. But this experience is most unforgetable one.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon