Education Building

189 8 0
                                    


Hi! Kwento ko lang yung isang nakakakilabot na pangyayari sa aming unibersidad dito sa Tarlac.

Hi mga Tarlaquenos! For sure madami na ang nakakaalam nito pero gusto ko pa ding ibahagi sa inyo.

Ang unibersidad na ito ay mayroong tatlong campus, ang Main, ang S.I. Campus at ang L.C. Kung nag-aaral ka dito tiyak na alam mo na ang tinutukoy ko. Okay simulan na natin. Hindi ko alam ang eksaktong taon pero matagal na ito. May event nun ang mga taga College of Education na kung saan doon sila matutulog sa kanilang campus na kabilang sa L.C. Siya nga pala ang building ng Educ ay siyang pinakamatandang gusali sa campus na iyon at ito din ay kilala sa dami ng mga nagpaparamdam at mga nangyayaring kababalaghan. Kung kaya naman sa campus na ito ay walang pang gabi, 5:30pm ang pinaka-last class dito unlike sa Main na hanggang 9pm.

Sa unang araw ng event, nagkaroon ng fun run ang mga Educ students na doon lang ginanap malapit sa L.C. May tatlong magkakaibigan ang naunang matapos sa fun run at napagpasyahan nila na umakyat muna sa kanilang room na nasa ika limang bahagi ng palapag at doon hintayin ang iba pa nilang mga kaklase. Kilala ang gusaling ito dahil sa mga kababalaghan na mga nagyayari dito pag kagat ng dilim. Isang babae ang di umano'y nagpaparamdam sa kung sinuman ang makursunadahan. Ang sabi ng iba ang babae daw na ito ay isa ring educ student noon na nagpakamatay dahil sa stress sa pag-aaral. Ngunit ito ay walang patotoo at hanggang ngayon ay nananatili pa ding haka-haka. Balik tayo sa kwento lagpas alas singko na daw ng madaling araw noon ngunit madilim pa din ang paligid. Ang gusali ay medyo may kalayuan pa din sa gate kung kaya naman halos tatlo lang silang magkakaibigan ang tao doon. Isang lalaki, at dalawang babae. Itago nalang natin sila sa pangalang Jim, Hazel at Joy. Si Jim ang nag-aya sa kaniyang mga kaibigan na pumanhik muna sa taas at doon maghintay. Magkakasunod sa paglalakad ang tatlo. Ngunit pagpasok palang sa unang palapag, at habang tinatahak ang daan patungo sa hagdan paakyat na nasa kabilang dulo ay nakaramdam na ng kakaiba si Jim, tila ba may hanging malamig ang sumalubong sa kanilang pagpasok. Hindi nalang niya ito pinansin sapagkat kampante siya dahil mayroon siyang mga kasama. Tahimik lang sa paglalakad ang tatlo, nauuuna si Jim, kasunod si Hazel at nahuhuli ng bahagya si Joy. Pagdating ng ikatlong palapag, nagsimulang bumigat ang pakiramdam ni Jim. Nakaramdam siya ng sobrang panlalamig ng buong paligid, ngunit pinagpapawisan ng butil-butil at tila ba may nagmamatyag sa kanilang mga mata na hindi nila nakikita. Ika-apat na palapag. Nasa hagdan na sila sa ikaapat na palapag patungo sa ikalimang palapag ng biglang magpatay sindi ang mangilan-ngilang ilaw sa hallway. Nilingon niya ang kaniyang mga kaibigan at nagkibit balikat na lamang silang dalawa ni Hazel ng sila ay magtinginan. Isinantabi pa din ni Jim ang kanyang takot tutal naman eh malapit na sila sa kanilang silid. Nasa ikalimang palapag na sila ng makarinig si Jim ng pagtawa na tila ba bumubulong lang sa kanyang tainga. Tinanong niya si Hazel kung may narinig ngunit wala naman daw. Nilingon niya ang kaibigang si Joy ngunit nagtaka ito na tila ba walang ekspresyon sa mukha ng kaibigan. Bagama't malapit na sila sa room ay nagpasya si Jim na bumalik na sa baba at doon nalang maghintay sa labas.

Jim: Uy tara na! Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba dito! Sa labas nalang natin sila hintayin.

Pagkasabing iyon ni Jim ay agad siyang kumaripas ng takbo pababa, agad naman niyang narinig na sinusundan din siya ng kanyang mga kasama. Nang makarating sa baba ay hingal na hingal sila.

Jim: Alam mo kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba pagkapasok palang natin sa 1st floor eh. Oh? Nasaan na si Joy? Ang tagal naman niya.

Sa sinabing iyon ni Jim ay laking pagtataka ni Hazel.

Hazel: Anong Joy? Okay ka lang eh mula pa kanina tayo lang dalawa ang tao dito. Si Joy nandun pa nahuli sila.

At yun lang haha. Sa twing naalala ko ang kwentong ito eh kinikilabutan pa din ako. Btw, na-post na ito noon sa secret files ng university namin. Gusto ko lang ibahagi sa inyo at ito ay sarili kong bersiyon. Salamat sa pagbabasa.

Duuukkkeeee
Tarlac City

Scary Stories 5Where stories live. Discover now