Dyablo Island

176 5 0
                                    


Year 2008 ng mag-decide kami ng Lola Luna ko na sa probinsya na manirahan, balak niyang doon ko tapusin ang pag-aaral ko ng high school kaya naman nag-transfer ako doon ng 3rd year. Doon kasi nakatira si Papa, kaya gusto ni Lola Luna na si Papa ang umakyat sa stage para samahan ako sa pagkuha ng diploma ko. Batil lang ang sinakyan namin dahil mas mura, kailangan kasi namin umabot sa enrollment. 3 days and 2 nights ang biyahe. Habang nasa Batil kami, tinawagan ako ni Papa. "Nak, bukas na ang daong ng batil nyo sa pantalan. Tandaan mo itong sasabihin ko, wag na wag muna kayong bumaba ng batil habang wala pa kami ni Ninong mo. At kung sakaling may tumapik sa inyo ay tapikin nyo pabalik, kung may babati-batiin nyo din pabalik. Naiintindhan mo ba?" Paliwanag ni Papa. "Sige Pa tatandaan ko yan. Pero bakit?" Tanong ko naman. "Maraming manlalason diyan. Baka mapaaga ang pagkamatay mo." Sagot naman ni Papa. Medyo natakot ako doon ha kaya naging alisto ako nung kinabukasan. Sinabihan ko rin si Lola. Gaya nga ng sabi ni Papa hindi kami bumaba ng batil habang wala sila ni Ninong. Maya-maya natanaw ko na ang paparating na bangka ni Papa at kumaway-kaway ako. Sa sobrang excited ko tatakbo na sana ako pababa ng batil ng hilahin ni Lola ang damit ko mula sa likod. "Diba sabi ng Papa mo wag bababa? Maghintay ka dito, aakyat yan." Sabi ni Lola. Medyo napahiya ako dun kasi nalimutan ko na naman ang sinabi ni Papa. Kaya naman sumunod nalang ako. Sinundo nga kami ni Papa at pagkababa namin ng batil diretso na kami sa bangka. Pagtingin ko sa relo ko ay 8am palang. 5 hours daw ang magiging biyahe namin mula dito sa pantalan hanggang sa isla nila Papa. First time kong sasakay ng bangka noon ng may isip na kaya medyo natatakot ako lalo na pagnaglilikot yung bangka. Kala ko nga sagwan lang gagamitin namin, e may makina pala yun haha. Nag-umpisa na kaming bumiyahe, sobrang kalmado ng dagat, ang ganda ng mga isla. Blue na blue yung dagat at ang sarap ng simoy ng hangin. May 3 hours na kaming bumabiyahe. Sa gitna namin ni Lola nakaupo si Jester. Sa gilid ko naman ung kulungan ng Mingming namin at mga anak nya. Balak ko sanang umidlip ng mapansing may mga kulay itim na paru-parung pumapalibot sa  bangka namin kaya naman tinanong ko agad si Lola. "La. black butterflies! Diba kapahamakan ang ibig sabihin niyan?" (yes, medyo naniniwala po kami ng Lola ko sa mga colors ng butterfly at sa meaning nito. kasi ilang beses na naming napatunayan na tama. pero sa isip ko pa rin naman ay pinipilit kong nagkataon lang siguro). Padami sila ng padami habang papalapit kami sa isang isla. Unang tingin mo palang doon ay kikilabutan kana. Dahil ang hugis ng bundok nito ay hugis sungay. "Sigurado ka tol, diyan tayo dadaan?" Dinig kong tanong ni Ninong. "Oo shortcut ito e para mabilis tayong makauwi." Sagot naman ni Papa. "Pero alam mo naman yung balita sa islang yan diba? Lahat ng pumapasok diyan e hindi na nakakalabas." Parang natatakot na sagot ni Ninong sa kanya. Sa harap ng isla mayroong isang mataas na bato at mahaba kaya magmumukha siyang passage pag doon ka dumaan. Tila ba pader yung malaking bato. Harang kumbaga kaya kapag sa labas ka dadaan hindi mo makikita ang Isla na yon kasi nga tago. Natatakpan sya nung malaki, mataas at mahabang bato. Pagkarating palang namin sa bungad ay nagsalita na si Lola "Levi, anong klaseng isla yan? Hindi maganda ang nararamdaman ko. Maigi pa na umiba na tayo ng daan" sabi ng Lola ko. "Oo nga tol baka mapaano pa tayo diyan. Buti sana kung tayong dalawa lang hindi ka ba naaawa sa pamilya mo?" Sabat naman ni Ninong. Hindi nakasagot si Papa, akmang iiilot na nya ang bangka pabalik nang biglang lumakas ang alon. Dumilim ang paligid, kumidlat, umambon at humangin ng malakas. sobrang takot ang naramdaman ko dahil wala na akong ibang makita sa paligid .Tanging alon at nag-iisang isla lamang ang nakikita ko. Nakakapangilabot talaga ang itsura nya. Makita mo lamang ito ay para ka nang pinapatay sa takot. Parang may masamang enerhiya na makakapagpanginig ng katawan mo dahil sa labis na takot. Kitang-kita ko kung gaano kalalaki ang alon akala ko ay sasakluban kami nito pero hindi. Pilit nilalabanan ni Papa ang mga alon. Sising-sisi si Ninong na sumama pa sya kay Papa. Nagsisigawan kami dahil pakiramdam namin ay tataob ang bangka namin sa sobrang lakas ng alon kapag tumagilid ay pupuwesto kami sa kabila upang mabalanse ang bangka. Wala kaming ginawa ni Jester noon kundi ang umiyak. Kada kikidlat ay labis-labis na takot ang nararamdaman ko. Pagtingala ko ay kitang-kita ko ang isang maitim na ulap na aakalain mong carpet dahil sobrang kapal at sobrang lapit. Parang tataklob sya sa bangka namin kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin. Sabi ng Lola ko ay umawit daw kami ng mga maka Diyos na kanta at Mananalangin sya. Gayon nga ang ginawa namin pero habang kumakanta kami ay hindi namin maiwasan ang hindi sumigaw at mataranta dahil parang tataob ang bangka namin at yun ang hindi ko kakayanin dahil unang-una. Hindi ako marunong lumangoy. Pangalawa, baka may pating doon at pangatlo, kasama ko ang pamilya ko. Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa kanila. Lalong-lalo na sa lola ko at kay Jester. Wala kaming ginawa kundi ang umiyak, manalangin at umawit ng mga christian songs. Naririnig kong nagtatalo na si Papa at si Ninong. "Dapat hindi nalang ako sumama sayo. Sobrang tigas talaga ng ulo mo. Ang akala mo ba ay kaya mo pa ring labanan ang kalikasan o kaya sabihin na nating demonyo? Naiintindhan ko malakas ang pananampalataya mo sa itaas pero sana naisip mo rin ang buhay ng pamilya mo. Anak mo ang nandito Levi. Pano kung mamatay tayo dito? Sisirain mo lang ang kinabukasan ng anak mo! Yung mama mo matanda na rin at nandiyan si Jester na bata pa. Hindi ka talaga nag-iisip. Walang masama sa pagiging matapang pero ilagay mo sa lugar. Humanap ka ng matinong sitwasyon." Galit na galit na sabi ni ninong. "Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, gusto ko lang naman sanang dumaan dito dahil alam kong mas mapabilis tayo dahil shortcut ito pero hindi ko naman sukat akalain na totoo ang mga haka-haka." Kalmadong sabi ni Papa. Pagtingin ko sa isla ay may nakita akong lumalabas na usok. Di ko alam kung usok ba yon o hamog. Panay pa rin ang pakikipaglaban ni Papa sa Alon dahil pilit niyang iniikot ang bangka para bumalik sa labasan pero nakakapagtaka na hindi man lang kami umaalis sa pwesto namin. Tatlong galong krudo na ang nauubos ni Papa pero walang nangyayari. Tiningnan ko ang relo ko ngunit hindi gumagana, 11am pa rin ang nakaturo doon. Nanalangin kami ng sagad-sagad. Dahil yun nalang ang aasahan namin, nang maya-maya'y narinig kong nagsalita si Ninong. "Ayan nakakaikot na tayo. Sige Tol konti pa. Inalis ni ninong lahat ng trapal sa itaas ng bangka para huwag kaming tangayin ng hangin. At doon nga kami nakalabas pero bago nun ay may nakita akong nakataob na bangka na nadaanan namin. Nang makalabas na kami sa isla ay napakakalmado ng dagat. Kitang-kita ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. As in walang alon, walang ulan, napaka-smooth ng dagat. At doon napabuntong hininga si Ninong. Labis ang pagtataka ko dahil basang-basa kami. Ibig sabhin umulan talaga. Tiningnan kong muli ang relo ko at kitang-kita kong 5pm na ang nakarehistro doon. "Ba't hindi gumagana ang relo ko knina? Mali ba ako ng tingin? Kung ganon, sobrang tagal ng inilagi namin sa loob ng islang yun? Nasa passage lang kami pero ganun na ang inabot namin, paano pa kaya kung may dumaong na bangka sa islang yun? Ano kaya ang mangyayari?" Tanong ko sa isip ko. Labis-labis talaga ang pasasalamat ko noon sa Panginoon dahil hindi nya kami pinabayaan. Palagi nalang kaming inililigtas ng Panginoon. Nakauwi kami sa isla nila papa ng 8pm na. Ikinuwento ni Ninong sa stepmom ko ang ginawa ni Papa at galit na galit si Tita sa kanya. "Alam kong naniniwala ka na may Diyos kang poprotekta sayo, pero Levi naman. Isip-isip din. Hay naku." Umalis si tita at pumasok na sa kwarto. Sa totoo lang humahanga talaga ako sa tapang ni Papa, yun yung katangian na namana nya kay Lola Luna.

Kinaumagahan nagpakwento ako kay Papa about sa islang yun pero sinabi nya sakin na kay Ninong nalang daw ako magtanong at yun nga ang ginawa ko. "Dyablo Island ang tawag sa islang yun 'nak. Dahil lahat ng pumapasok doon ay hindi na nakakalabas pa. Walang may alam kung buhay pa ba sila o patay na. Ilang Bangka na rin sa iba't ibang Isla ang nangahas dumaan doon ngunit hindi na sila nakabalik pa. Kaya naman kumalat ang balitang demonyo ang islang yun. May tatlong magkakaibigang foreigner ang naglakas loob na pasukin ang islang yun gamit ang helicopter. Nagtataka kasi sila ba't ganun nalang ang islang yun, marahil ay may kayamanan daw na nakabaon doon kaya naman ganun na lamang ito kalupit sa tuwing may nangangahas na dumaan o pumasok doon. Kaya naman pinasok nila iyon. Alam ng Lahat ng magkakalapit isla dito ang ginawang iyon ng mga foreigners kaya inabangan ang kanilang paglabas. Ngunit lumipas ang ilang linggo hanggang sa ilang buwan ay walang helicopter o bangka ang nakalabas doon. Pinili na lamang ng mga taga rito na huwag nang isapubliko dahil marami ang magkakainteres at baka dahil sa ginagawa nila ay pinapakain lang nila ang demonyong isla na yon. Matagal nang gustong dumaan ng Papa mo doon pero palagi ko siyang pinipigilan, tsaka kadalasan sa ibang daan naman kami naglalaot kaya hindi kami nakakadaan doon. Ngayon sya nagkaroon ng pagkakataon at napatunayan niyang hindi nya kayang labanan ang mga kalamidad sa loob ng islang yun. Tingnan mo tahimik sya. Ugaling-ugali ng papa mo yan e. Ang maunang sumugod tuwing may giyera." Mahabang paliwanag ni Ninong. "Sa tingin ko Ninong kung wala kami doon ay hindi pa rin aalis si Papa doon." Sabi ko nman. "Sa tingin ko nga." Pagsang-ayon nalang ni Ninong. Sa maniwala man kayo o sa hindi, saksi ang Diyos sa hirap at takot na naranasan namin sa harap ng islang yun. Kaya pala sya tinawag na 'Dyablo Island' dahil may sa demonyo ang islang iyon. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng history ng islang yun. Kung paano siyang naging ganoon ay isang malaki pa ring palaisipan.

• Sa totoo lang po ay fan ako ng mga horror stories or movies. Yung sa story ko sa 'Gown', wala naman sakin kung may hindi naniniwala. We have our own Beliefs. Maski nga ako hindi makapaniwala na may mga ganoong pangyayari pala in real life. Hindi ko po kinopya yun sa movie. To be honest hindi ko pa napapanuod yung movie na sinasabi nyo kasi more on taga ibang bansang horror movies ang pinapanuod ko like 'The Ring', 'The Grudge', 'The Orphan', and so on. And yung sa convo namin ni Ate Lenlen actually mahaba po yun iniklian ko nalang baka kasi mabagot kayo sa pagbabasa ng mahaba tsaka medyo ginwa kong maayos-ayos yung usapan namin, di ko akalain na magmumukha na pala siyang fiction hahaha.
• May nagtanong din about sa pagiging 'The Flash' kasi nabanggit ko na 30 minutes kung momotorin papuntang bayan at 1 hour naman kung lalakarin. Nakalimutan ko pong isingit na yun ay kung 'Sa shortcut ka daraan' sa nakabasa ng stories ko alam nyo po yang shortcut na yan. Yan yung sa may gubat.
• Sad to say lang na after nung pangyayari ay hindi na po namin makausap ng matino si Ate Lenlen. Nagkukulong na po sya sa kwarto nya at walang ginawa kundi tumulala at biglang iiyak. Tuwing gabi naman po ay nagsisisigaw dahil binabangungot sya. Di po namin alam kung bakit e nasunog naman na po yung gown. Sabi ng Lola ko baka na-trauma daw si Ate Lenlen sa nakita nya sa panaginip nya. Months po ang inabot bago naka-recover si Ate Lenlen. Ginupit nya po ng sobrang ikli yung mahaba niyang buhok. Iniluwas pa po sya sa Maynila para sa new environment.

Hindi ko na po papatulan yung ibang hate comments hehe.

PS. Haters/Bashers can push you to do a suicidal Act. Kaya dedma. Haha.
Ayun lang po. No Hate but Love. Ikaw din baka pasukin ka ng Evil Spirit
(actually, may nauna akong story na ginawa before ito. About yun sa aswang kaso medyo natakot ako e. baka may makabasang... alam nyo na. pag-isipan ko muna kung ipo-post ko).

Aishiteru mina-san.
-Yukari.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now