Compiled Stories 4

239 5 0
                                    

Lalaki

Good pm po! Avid reader ako ng page at sa sobrang kakabasa ko, hindi na ako makauwi sa bahay namin kapag alam kong ako lang mag-isa. hahaha. sana po ma-post ito at madami pa akong ikukwento sana din di ma-post ang real identity ko kasi nakakahiya sa tinirahan naming apartment. hehe.

Anyways, nagsimula ang lahat nang lumipat kami sa studio type apartment sa Marikina. Maliit lang yon kasi ako lang at hubby ko ang nakatira.

Bago mag-6am ay umaalis na ang husband ko, gawing Mandaluyong pa ang work niya at ako naman ay panghapon. Tuwing aalis siya ay ila-lock ko ang pinto, papatayin ang ilaw at matutulog ako uli. Nag-aalarm na lang ako ng 10.30am para gumayak.

Normal na umaga yun, ganun uli ang ginawa ko nang umalis sang hubby ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong natutulog nang maramdaman kong may nakadagan sa akin at hindi ako makagalaw. nararamdaman kong hinahawakan niya ang buong katawan ko at hinahalikan. Nga pala, 4 months pregnant ako noon kaya sobrang ingat ko sa tiyan ko na huwag madaganan kahit ng unan. Sleep paralysis ba ang tawag sa nakikita mo ang paligid pero hindi ka makagalaw? Yung alam kong sumisigaw ako pero walang lumalabas na boses. Takot na takot ako non kaya pinilit kong pumikit at magdasal. Nakatulog ako ulit at nagising na lang sa alarm ng cellphone ko.

Kinabukasan ay ganoon uli ang ginawa ko, sobrang takot ko na tuloy matulog pag wala na siya pero dahil mahaba pa ang oras at parang naglilihi pa ako kaya nakatulog ako ulit. Bukas ang ilaw sa paligid, kitang-kita ko pero matigas na naman ang katawan ko at ramdam kong nakikipagniig na naman sa akin ang mabigat na bagay sa ibabaw ko. Nag-iinit ang katawan ko pero matigas. kahit daliri ko ay di ko na maigalaw. Nagdasal ako ulit at nakatulog. Nag-alarm ulit ang cellphone at gumayak uli ako sa trabaho.

Sobrang praning ko na siguro kasi kinuwento ko na sa asawa ko at sabi niya nasa estado lang ako ng pagtulog na gising ang diwa ko pero tulog ang katawan, parang half awake lang. Umalis pa rin siya ng umaga at naiwan akong mag-isa. Pinapanatag ko na lang ang sarili ko kahit dalawang magkasunod na gabi ko na iyong naranasan. Nakatulog ako uli at this time hindi na siya nasa ibabaw ko. Dumilat uli ako sa paligid at nakita ko sa bandang paanan ko ang lalaking nakatayo. sobrang takot ko na naman pero wala na naman akong magawa. di ko makita ang mukha niya pero nakayuko siya at alam kong nakatingin siya sa akin. Ipinikit ko uli ang mata ko at nagdasal ng husto bago nakatulog.

Kinabukasan hindi ko na nakwento sa husband ko kasi alam kong yun lang uli ang sasabihin niya at hindi ako nagkamali na sa sumunod na umaga nakita ko na naman ang lalaki pero nasa tabi ko na siya at nasa harapan ko mismo ang mga paa niya, may pula at itim na parang nasunog.

-RC

Ang Creepy sa South Korea

Hi Spookify. Sana ma-post itong story ko.

Actually 3 stories ito. Nangyari sa akin while working at South Korea.

Yung 1st story ay tungkol sa sleep paralysis. Nagtatrabaho nga pala ako sa isang bar sa South Korea, at bilang ako yung lalaki sa bar na yun, ako yung laging utusan ng mga katrabaho kong babae. Then one time inutusan nila ko bumili ng yosi sa labas pero ang ginawa ko dahil antok na antok na ako e dumiretso ako sa bahay namin para umidlip (malapit lang bahay namin sa work ko) then nung nakatulog na ako bigla nalang akong napamulat ng makita kong nakatayo sa harapan ko yung katrabaho namin na babae. Ang pinagtataka ko walang expression yung mukha nya, nakatitig lang sa akin. Tapos nun di na ko makahinga at di ako makasigaw. After ng mga ilang minuto, nagising na ang diwa ko. Mag-isa nalang ako sa kwarto.(yun pala 5 mins palang akong nakakaidlip at yung nakita ko ay doppelganger ng ktrabaho ko).

Pangalawa, medyo creepy. Nangyari ito sa isa sa mga lumang motel sa Busan. Nag-check in ako dun ng ilang araw habang naghihintay na ipatawag ako ng bago kong amo. Ang creepy talaga ng motel na yun pero wala akong choice dahil yun yung pinakamura. So the story goes like this, isang hapon bored ako sa loob ng kwarto. Naisipan kong magbukas ng PC (oo, may PC sa bawat kwarto ng motel) then nag-play ako ng mga videoke sa youtube, so ayun sa kasarapan ng pagkanta ko biglang kumatok yung kabilang kwarto. Mahihinang katok lang. Hindi ko masyadong binigyang pansin dahil nga na-carried away na ako sa pagkanta. Then makalipas ang ilang minuto, malalakas na katok na at padabog. Dun na ako tumigil at naisip ko na baka nagagalit na yung katabi kong kwarto then ayun natulog na ako, the next day na magche-check out na ako, paglabas ko nakita ko at na-realized na wala pala akong katabing kwarto.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now