Compiled Stories 12

190 8 0
                                    


Wow Restaurant and Curiosity Kills

Hi Admin salamat po sa pagpost ng kwento ko sa pinamagatang 'PUP Room 212'.

Meron po akong bagong kwento Admin sana ma-post po ulit ito. Ayun na nga graduate na po ako sa sintang paaralan last April 2018 pa po so nagwo-work na po ako ngayon kay "Wow Restaurant" (hindi tunay na pangalan ng kainan) then nababasa ko po kasi dito yung tungkol dun sa Gloomy Sunday, sa mga hindi pa po nakakaalam non ay isa po yun sa kanta na kapag narinig mo daw ay pwedeng magdilim ang paningin mo at magpatiwakal ka. So yun na nga to make the story short.

Naka-duty po ako non sa 'Wow Restaurant' at closing po ang duty ko non at wala na pong tao kundi mga kapwa ko Waiter FOH (Front of the House) at BOH (Back of the House) dahil nga po sa curiosity ko dun sa kantang Gloomy Sunday kinausap ko yung kaibigan ko habang naglilinis kami (habang naglilinis po kasi kami sa gabi nagpapatugtog po kami sa store ng malakas) so kinausap ko yung kapwa ko Waiter tungkol sa kantang Gloomy Sunday at na-curious siya so ayun nga po pinatugtog ko ng malakas sa store at okay naman nung una at nakauwi naman po kami lahat ng ligtas nung araw na yun.

So eto na nga kahapon lang November 12, 2019 hindi na nagpaparamdam yung kapwa ko Waiter na bago lang sa "Wow Restaurant" ni update sa GC (Group Chat) po namin wala pati paalam o daan sa store wala as in wala then nalaman namin naaksidente daw po pala yung kapwa ko Waiter kritikal daw po sa Hospital at nagpapagaling at nito lang December 1, 2019 yung kapwa ko rin katrabaho sa BOH nagpakamatay po dahil daw po kuno iniwan ng asawa? Ang kwento pa daw po ng asawa niya ay okay naman daw po sila kahapon pero nung araw na yun parang tulala siya lagi at hindi makausap ng matino at lagi daw pong nagsasalita mag-isa. Sabi ng Misis nung namatay itago na lang natin sa pangalang "Tino", nagising daw siya ng madaling araw ito daw asawa niyang si Tino nakatingin sa kanya as in face to face na nakatayo sa kama habang may binibigkas na akala mo daw latin words at halos nasampal pa daw nga niya si Tino non at hinimatay tapos kinaumagahan kinausap niya si Tino tungkol sa nangyari nung gabi. Ang sabi lang nito ay wala daw siyang maalala at iniwan daw niya yung asawa niya sa kwarto ng nakangiti daw parang poker face ba at nagpaalam na na papasok na siya ng trabaho. Pag-uwi nung asawa ni Tino nakita niyang nakabigti si Tino sa kwarto niya.

Naiinis ako sa sarili ko at parang sinisisi ko ang sarili ko feeling ko, ako yung may kasalanan kung bakit naospital yung kapwa ko Waiter at nagpatiwakal si Tino kasi pinarinig ko kasi yung kanta sa kanila na Gloomy Sunday na-curious kasi ako eh. Mapatawad sana nila ako kung yung kanta ba na yan talaga ang may kasalanan. As of now, okay naman po ako at walang nangyayari. Mas malakas po kasi ang pananalig ko sa Diyos at araw-araw po akong nagdarasal paggising at pagtulog ko.

Hanggang dito na lang ulit at sana ma-post po ito. Ang susunod na kwento ko po ay yung nakikita kong bata sa store "Wow Restaurant" Thank you Spookify.

-James Reid

Tino 1991-2019

Ako po yung nagkwento tungkol sa 'PUP Room 212' at yung 'Wow Restaurant and Curiousity Kills'.

Pasensya na po at natagalan ang pagsulat ng inyong lingkod dahil po busy po ako sa trabaho. At pasensya na rin po kung hindi po kayo makahinga sa bawat istorya ko. Hahaha.

Matapos ang libing ni Tino at halos tinanggap ko ng wala na si Tino dun na nagsimulang magparamdam sakin si Tino ng dalawang beses mula ngayon. Lagi ko siyang napapanaginipan na nagkukuwentuhan daw kami tapos nakangiti lang siya sakin tapos bigla siyang iiyak tapos tuwing nakikita ko siya nawi-weird-uhan ako sa kanya naulit ng naulit yung panaginip ko na yun na si Tino lang yung nasa panaginip ko at ang worse pa nga na panaginip ko ay parang hirap na hirap akong huminga kasi sinasakal ako ni Tino pinipilit kong pumiglas pero hindi ako makawala, hanggang sa parang nagliwanag ang paligid at ginigising ako ng bunso kong kapatid ang sabi niya "Binabangungot ka Diko gising, gising!" At ayun nagising naman ako. Unang beses na nagparamdam sakin si Tino nung naglilinis kami ng mga kasama ko sa store at may napansin ako sa labas na nakahugis na katawan niya na papatawid samin sa store at alam kong si Tino yun. Halos maaninag pa nga siya ng ilaw ng paparating na sasakyan ng biglang daanan lang si Tino ng sasakyan nagulat ako akala ko kasi tao yung nasagasaan ng sasakyan pero hindi huminto yung sasakyan saka ko binaling yung tingin ko kung saan naglakad si Tino at wala na siya dun. Siguro dala na rin ng pagod at puyat kaya pinagwalang bahala ko na lang. At nitong gabi lang napaniginipan ko si Tino ulit parang nagtatampo siya sakin pero di malinaw kung ano yung pinag-uusapan namin pero alam kong nagtatampo siya sakin ng bigla na naman ako magising ng biglaan pagtingin ko sa orasan 3:15am na. Hindi na ako makatulog non kaya naisipan kong magbasa muna ng mga bagong kwento sa Spookify around 3:30am pa antok na ako at patulog ng may pumaswit sakin syempre nagtalukbong ako ng kumot sa takot at nung tinanggal ko yung kumot nakita ko sa taas ng aparador na may nakaupo (kita ko yung paa niya lang at pantalon at hanggang balikat lang kasi naka-double deck kami kaya hanggang balikat lang ang kita ko mahirap ipaintindi pero sana ma-gets nyo). Di ako pwedeng magkamali na siya yun kasi yun yung pantalon at damit niya nung nagbigti siya. Takot na takot ako non at humarap sa pader at nagtulakbong ng kumot sa takot.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now