Kasabay

129 5 0
                                    


Random experience. Short story. Not so Scary.

Madalas ka bang nasa mall?
Madalas ka rin ba nakakapag-cr sa mall ng mag-isa?

It happened last year mga month of November. Di ko na sure kasi parang pumasok na rin yata ang December nun.
Maraming tao sa mall that time gawa na rin ng magpapasko. Kaya naman ako napadpad sa Fairview Terraces gawa ng cravings ko sa kape ng Seattle's Best dahil  preggy na pala ako that time (lakad tama ng baby ko kape pinaglihian ko, lagi sigurong puyat to paglaki). At gusto ko rin ang fries ng McDonald's isasawsaw ko sa kape (alam ko po very ewww kaso yun po talaga eh).

Matapos ang paglantak ko sa cravings ko, nag-start na akong maglibot para mamili ng pang regalo sa mga inaanaks at sa mama kong Idol si Sarah G. kaya bag from Michaela ang binili ko that time para sa kanya. Dahil na rin sa situation ko frequently akong napunta ng comfort room tapos babalik ulit maglilibot.

Around 4pm nag-decide akong mag-withdraw sa ATM ko para bukas eh may laman naman ang wallet ko kasi naubos na kakabili pang regalo. BDO ang ATM card at ang password ay... (charot haha). Ang ATM booth ng BDO sa Fairview Terraces ay medyo dulo kung manggagaling kang Michaela at sa 2nd floor pa. At pagtalikod mo cr na agad. Very convenient for me kasi frequent akong magwiwi gawa ng pagbubuntis ko.

After kong mag-withdraw, nag-decide akong mag-cr tutal pauwi na ako para di ako makaramdam ng pagwiwi sa biyahe. Pagpasok ko may mga tao kaya kampante ako at may mga bata. Ginawa ko na yung dapat kong gawin at paglabas ko ng cubicle nilagay ko sa may lababo yung mga pinamili ko para i-sort out at maging kaunti lang ang bitbitin ko. Paglabas ko palang kanina ng cubicle bago ako mag-sort out ng pinamili ay may babae na akong nakita na nagsusuklay. Maganda sya tsaka simple lang. Nagtataka ako kasi tapos na akong mag-sort out ng pinamili di pa din sya tapos magsuklay. Hinayaan ko nalang kasi mind your own business.

Nag-ayos na rin ako ng sarili ko nag-makeup ng konti at pinusod ang buhok. Pasulyap-sulyap ako sa babaeng katabi ko kasi maganda talaga sya simpleng-simple tipong ba't ako pag mag-simple mukhang haggard, sya hindi. Hanggang sa nahulog ang suklay nya nasagi ko kasi nung nagpupusod ako. Di ko sadya kaya bilang paghingi ng sorry ako na kukuha ng suklay.

Napatigil ako at kinabahan. Nakita ko kasi yung paa ng babae nakalutang sa sahig. At may umaagos na dugo sa binti nya. Kaba ang naramdaman ko. Shit! eto na naman, yan lang nasa isip ko at pagmumura. Hindi ko inabot ang suklay sa kanya nilagay ko lang sa lababo. Maghuhugas ako ng kamay ko nang bigla syang magsalita "Maganda ba ako? Bakit nya ako iniwan?" paulit-ulit nyang tanong at palakas ng palakas. Tinuloy ko ang paghuhugas ng kamay ko. Di na ako tumingin pa sa salamin, natatakot rin ako baka mag-iba ang mukha at may mangyari sa pinagbubuntis ko. Dali-dali kong kinuha mga pinamili ko at umalis ng comfort room. Lumingon-lingon ako baka kasi sinundan ako Awa naman ng Ama, hindi ako sinundan.
Hindi po ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa dinadala ko (baby ko po, di po yung pinamili). Mahirap makipag-ugnayan sa mga ganyan, may iba kasi di ka titigilan at mamemeste sa buhay mo. Nakakakita, nakakausap, nahhawakan at naririnig ko lang po sila pero di po ako nakikipaglabanan ng Gabay vs Kaluluwang di matahimik. Sa panaginip ko lang sya sumunod and I pray for her soul and her babies sayang twins.

Marami sa malls kahit mapa luma o mapa bagong mall pa yan. Minsan yung kasalubong mo akala mo tao yun pala hindi. Minsan tignan mo sa salamin ng mga department or stall, magtataka ka bakit konti lang ang dumadaan pero sa salamin parang andaming repleksyon.

Salamat po sa lahat ng nagbasa. Sa susunod nalang po ang ibang kwento ng experience at update story about kay Melissa. Pasensya na po kung di ako ganon kagaling magtell-type story.

Ate Rica 🦋

Scary Stories 5Where stories live. Discover now