Di na tayo pwede

187 7 0
                                    


Admin, please hide my identity since sa bff ko ang account na ito, siya kasi ang nagpumilit na mag-send ako dito sa Spookify, reader kasi siya dito.

So ayun naglakas loob na akong ikwento sa inyong lahat ang story ko. Pagpasensyahan nyo na, di ako magaling magkwento di naman kasi ako writer at sorry if medyo mahaba ito. Call me Tina, so ito na.

"Too much love will kill you" yan ang linyang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong sobra kung magmahal na parang ikamamatay na nila kapag naghiwalay na sila hahahaha. Pero di ko inasahan na ang kahulugan ng linyang yan ay mararanasan ko pala, literally. It is when I met Adrian (not his real name). It was 2017, when I met him. We were both in Senior High School, lagi ko naman siyang nakikitang mag-perform sa school, magaling kasi siyang sumayaw at kumanta, actually wala akong pake dun. Hanggang dumating sa point na chinat nya ako sa Facebook at isa sa di ko makakalimutan ay yung tanong niyang *bakit lagi kang nanonood sa mga performances ko, crush mo ko 'no? hahaha" (I know na may halong biro ang tanong nya but bwisit kinabahan ako na natatawa na din). So dun na nag-start ang lahat.

FF. Niligawan nya ako, nung una ayoko, di sa choosy ako ha! May height sya tapos gwapo pero sakin kasi pag-talented, habulin. Pero di nya ako tinigilan, hatid sundo, flowers, chocolates, hanggang di ko inakalang pupunta siya sa bahay nagpasama pa sya sa bff ko. Tinawag nalang ako ni mama kasi daw may bisita ako, nagulat ako syempre lakas ng loob ng gago hahaha! Nagpaalam sya sa mga magulang ko na liligawan nya ako kaya ayon di nagtagal naging kami din, 6 months rin siyang nanligaw ha! Akalain nyo yun, sa 6 months na yun napatunayan nya sa akin kung gaano ka-genuine ang pagmamahal nya sa akin.

Isang araw after a very busy school week nagkaroon na kami ng time para mag-date, sa date na yun parang ayoko ng umuwi parang may nagsasabi sa akin na manatili sa mga yakap nya, until nag-aya na siyang umuwi. Hinatid nya ako, nagkwentuhan pa kami sa gate nun, inuulit nya yung una kaming nagkakilala, alam nyo ba kung ano yung weird dun? Parang ang bigat ng pakiramdam ko na parang may ibang mangyayari pero inisip ko nalang na pagod lang siguro ako. Kaya pumasok na ako sa loob, bago pa man siya umalis niyakap nya ako at hinalikan, ewan ko pero parang gusto ko pa siyang yakapin. Tinawag ako ni papa kaya ayun nagpaalam at umalis na din siya.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, sandali lang akong nakatulog nagising din ako kasi di talaga ako makatulog parang may mali, nakatagilid ako na nakaharap sa left, kaya tumagilid ako paharap sa right, gusto kong sumigaw! Pero di ko nagawa, nakita ko ang boyfriend ko pagharap ko, ngumiti lang siya, tinanong ko siya kung bakit siya nandito at kung paano siya nakapasok, sabi nya lang "Matulog ka na, babantayan kita" sobrang weird kaya ayun natulog na ako, alam nyo yung feeling na nandun siya pero parang gusto kumawala ng mga luha ko, di ko alam kung sa lungkot na nadarama ng puso ko na di ko alam kung saan nanggagaling o sa saya dahil katabi ko siya.

6am nung nagising ako wala na si Adrian sa tabi ko, kaya bumaba ako tinanong ko si papa sabi ko "Pa, si Adrian?", sagot nya "Wala pa maaga pa naman", di na ako nagtanong pa kasi baka akala ni papa tinanong ko kung naghihintay na si Adrian kasi sabay kaming pumapasok sa school araw-araw. 730am kasi pasok namin kaya agad na akong naligo at nag-ready na. Hinintay ko sya but usually by exactly 7am nandito na siya pero wala pa siya kaya hinatid nalang ako ni papa. Huminto si papa sa harap ng gate, binati ko ang guard ng school kapitbahay siya ni Adrian kaya tinanong ko kung maaga ba siyang pumasok, di niya ako sinagot tinignan niya ako na parang nagtataka na nalulungkot na ewan weird, nag-smile ako sa kanya, pababa na sana ako ng sinabi niyang "Ineng, si Adrian nakaburol sa kanila, bakit di mo alam? Naalsidente sya habang papauwi kagabi." Yun ang mga salitang di ko kinaya, tinignan ko si papa na-gets nya agad ang mga mata ko kaya agad niyang pinaandar ang motor, para akong lutang na nakasakay di tumutulo ang mga luha ko nanatili akong nakanganga. Ang mga luhang kanina pa nagtatago ay agad tumulo ng makita ko siya. My first love was inside the coffin. I dont know what to do and say. I hugged his coffin crying in pain. Di ko narinig ang mga sinasabi nila sakin basta ang gusto ko lang umiyak ng umiyak na para bang galit ako sa kanya na iniwan nya ako. Di na ako pumasok binantayan ko lang siya.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now