Kulam Adventures (Parts 1-3)

157 6 0
                                    


Part 1

Hi po spookifiers! Ang ise-share ko po ay yung karanasan namin about sa mga kulam. Itago nyo nalang po ako sa pangalang Jelay. So let's start.

Bata palang ako aware na ako na may relatives kami na may alam sa -- alam nyo na. So ayun nga first encounter ko sa kanila ay nung time na siguro 8 y/o ako so dahil bata pa ako kinaugalian ko na pag nakita ko yung mga relatives namin magbe-bless ako. Kaso nung time na yun hindi pa ko nakakalapit dun sa kamag-anak namin na yun bigla siyang may ginawang sign na hindi ko maintindihan. Napahinto ako bigla dun at umalis na sya. Kinahapunan biglang kumati yung mata ko. Kamot ako ng kamot nun, pero dahil hindi mawala yung kati sinabi ko na sa mama ko na tingnan yung mata ko. At laking gulat ng mama ko ng makakita sya dalawang langgam sa right eye ko. Sinubukan nilang tanggalin yun using yung plangganang may tubig, pinapa-soak nila yung mukha ko don habang nakabukas yung mata ko. Pero hindi yun gumana kaya ang ginawa ng tita ko kumuha nalang ng cotton buds at sinubukan hulihin yung mga langgam after makuha yung langgam sa right eye ko sumunod naman yung left eye ko. Iyak na ako ng iyak sa takot at ginawa nalang ulit na hulihin yung langgam. May natira pang isang langgam sa mata ko nung kinuwento ko sa mama ko yung nangyari. Napamura sya at sinabing tigilan daw ako. At bigla nalang nawala yung natitirang langgam sa mata ko. Simula nun naging ilag na ako sa kanila. Kasi feeling ko uulitin pa din nila yun. Pero hindi nga ako nagkamali dahil after ilang months inulit na namna nila sa kapatid ko pinatubuan naman nila ng maraming pasa yung kapatid ko at laging nagkakasakit. At dahil nauwi kami ng Bulacan may ni-recommend yung lolo at lola ko na albularyo. Patingnan daw dun yung kapatid ko kasi daw baka daw may nagambala habang naglalaro. At ganun na nga ang ginawa nila. Pagpunta nila dun, agad tinanong ng albularyo kung anong sadya nila at nakuwento nga ng mama ko ang nangyari. Pangalanan nalang natin ang albularyo na si Mang Monching (not his real name). So ayun nga after magkwento ni mama tinawas nya yung kapatid ko at nakita nila na nabati daw ng itim na duwende yung kapatid ko na alaga ng matabang babae na may kasamang itim na ibon. Kaya kinausap ni Mang Monching yung itim na duwende na pagalingin na yung kapatid ko sa pamamagitan ng pagsanib nito sa mama ko. Nung una ayaw pa nya. kaya Napilitan yung albularyo na saktan sya hanggang sa pinangako nya na pagagalingin nya na ito. At tinanong na din sya ni Mang Monching kung bakit nya ginawa yun nung una sinabi nya napag-utusan lang daw sya. Pero dahil pinipilit sya na aminin sinabi lang nya na kakilala lang daw namin yon at natuwa lang din daw sya sa kapatid ko kaya nya ginawa yun. After ilang araw nawala na yung mga pasa ng kapatid ko. Hanggang dito nalang muna masyado ng mahaba pero may mga kasunod pa ito. Ise-share ko naman sa susunod yung nangyari sa mama ko na halos 1 week siyang ginamit ng mga yon. Salamat po at sana ma-post ito.

Part 2

Hi spookify! It's me again Jelay! So ayun tutuloy ko na yung kwento ko about sa kulam adventures ko. Let's start!

This happen when I was in high school, OFW pa noon ang daddy ko sa Dubai at nagbakasyon lang sya nung nangyari ang hindi inaasahan. Pabalik na sya ng Dubai nun mga 1 week nalang, nang isang madaling araw nagising kaming magkakapatid dahil sa ingay na nanggagaling sa kwarto ng parents ko (no green minded please! haha char!). Nagising kami dahil narinig namin si mama na nagsisigaw ng "Huwag mo akong hawakan hindi ako ang asawa mo!" "Tulungan mo sya kundi madadamay sya sa ginagawa nila sakin!" "Papatayin nila ako tulungan mo ang asawa mo kundi madadamay din sya. Hindi ako makaalis sa katawan nya." Yan ang bumungad samin nung mga oras na yun at agad kaming tumakbo sa kwarto ng parents ko at nakita ko si mama na nakaupo sa gilid ng higaan nila at ayaw magpahawak kay daddy. Natakot kaming lahat nun dahil hindi namin alam kung ano ang gagawin namin sa kanya. Buti nalang kapitbahay lang namin yung kapatid ni mama kaya pinagtulungan nila ang mama ko buhatin sa pinakamalapit na albularyong kakilala nila. At makaraan ng ilang oras inuwi nila daddy sila mama na parang walang nangyari. Naging normal naman ang maghapon na yun bumisita din agad yung kapatid nya sa bahay ng malaman ang nangyari. Akala namin ok na nang maisipan ng lola ko na utusan ang tita ko na mag-insenso. Mula sa likod bahay hanggang sa loob nagpausok si tita. Pati sa bahay nila at dahil nandun si mama sa tindahan namin nung malapit na si tita dun sa tindahan bigla nalang nagsisigaw si mama. Yung lola ko na may pilay sa paa mabilis na lumalabas ng tindahan dahil na din sa takot at adrenalin rush. Nagtakbuhan kami doon at inilabas nila ulit si mama at pinaupo sa upuan sa garahe tinalian ang paa at kamay. Sobrang dami ng sinasabi ni mama at nakakatakot na sya. Pero biglang nagbilin ang nakasapi kay mama na dalhin na sya agad sa albularyo dahil kapag umabot ng alas 12 na at hindi pa din sila napaghihiwalay ay may mangyayaring masama sa mama ko. Kaya yon agad ang ginawa ng family namin dinala namin sya kay Mang Monching. Kahit malayo nagbakasakali kami. 6pm umalis kami ng bahay dahil estimated namin na 2-3 hrs ang biyahe. Pero bago yun sinugod muna ng daddy at tito ko ang bahay ng kamag-anak namin na yon. Alam namin na sila yun dahil nag-confess daw yon sa naunang albularyo na pinuntahan nila. Ang dahilan namin kaya hindi na namin binalik ang mama ko sa naunang albularyo dahil sinabi din nito na hindi sila nito matutulungan dahil ito pala ay kampi din sa kanila. Pinawala lang saglit ang epekto ng sapi nila sa mama ko para daw hindi kami maghinala. Yon ang sinabi ng mama ko habang sigaw sya ng sigaw sa niyahe. Kesyo hindi daw kami aabot. At yun nga ang nangyari ang estimated namin na 2-3 hrs ay umabot ng 6-7 hrs dahil naipit kami sa mahabang traffic, ilang beses nasiraan dahil lang sa simpleng paghipan-hipan ng mama ko kaya biglang titirik ang sinasakyan namin. At ilang beses din kaming naligaw. Halos mixed emotions na ako ng mga oras na yun pero tanging dasal lang ang ginagawa ko. Pagdating ng alas 12 ay nasa biyahe pa din kami pero malapit na kami. Dumaan muna kami sa mga kapatid ng papa ko dahil bukod kay mama at sa mga yun ay wala ng ibang nakakaalam sa bahay ni Mang Monching. Ngunit habang hinihintay namin ang mga tita ko biglang nakita ni mama ang pinsan kong baby mga 11 months na siguro yun non. Hinipan ni mama si baby at hindi nagtagal ay inapoy ito ng lagnat kaya binilan namin ito saglit ng gamot. Pagdating ng mga tita ko ay agad kaming umalis papunta sa bahay ni Mang Monchingn. Muli kami ay nagkaligaw-ligaw ng magmura ang tita ko ay bigla nalang naming nakita na malapit na pala kami sa bahay ni Mang Monching. Nang papalapit na kami sa bahay nya ay biglang may bumuhos na isang drum yatang tubig sa sasakyan namin. Gulat na gulat kami nun dahil bigla ng nagalit si mama at nagpupumiglas. Pinilit sya nila daddy na ibaba sa sasakyan kahit ayaw nito. Hindi na kami pinababa dahil daw baka matakot lang kami. Muli naging maayos ulit si mama naiuwi ulit namin ngunit sinabi ni Mang Monching na huling beses na daw siyang makakatulong samin dahil ilang beses nya na daw itong nakalaban at kabisado na daw sya ng mga ito. Kaya kahit nangangamba ay tinanggap namin yun at umuwi. Pero tuwing 6 ng gabi ay nagwawala sya. Dinala namin sya sa iba't ibang albularyo pero lahat yun walang magawa. Pero 2 days before umalis si papa ay tumawag ang lola ko at pinababalik kami ng Bulacan may nahanap daw sila doon na magaling na albularyo. Kaya kahit nag-aalangan ay tumuloy pa din kami dahil awang-awa na kami kay mama pero ayaw namin siyang isuko. Dinala sya nila daddy sa sinasabing albularyo. Base sa kwento ng daddy ko habang nasa daan daw ay normal naman daw si mama pero nakakakita daw ito ng mga tao na tinitingnan sya kahit hindi naman, may mga hayop siyang tinuturo na alaga daw ni ganito at binabantayan daw sya. Pagdating nila sa albularyo ay agad daw nitong ginamot si mama. Kahit nagwawala daw si mama ay hindi daw ito tumitigil dapat daw ay mahuhuli na ang gumagawa kay mama kung nagsuka lang daw ito pero nawalan ng malay si mama kaya nakatakas daw ito. Binigyan sila mama ng pangontra sa kulam at pati kami ay pinadalhan. After ng mga nangyari kaming pamilya ay nagsimba upang humingi ng gabay.

Scary Stories 5Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ