Dalisay + Faith Healer

134 5 0
                                    

Dalisay

Hi mga avid readers ng spookify! First time ko pala mag-share ng story ko pero simulan ko sa simula at tapusin ko sa huli kumbaga ito yung intro ko  kung anong totoong ako sana magustuhan nyo at hindi kayo maguluhan sa kwento kahit magulo na ako haha marami kasing naghihintay at sabik sa kwento ko. Ako nga pala si Dalisay (hindi si Cardo) Dalisay ang tawag sa amin kasi kami yung pinaputi at dinalisay ng Diyos Ama.

Lima kaming magkakapatid  pang apat ako, 2 babae at 3 lalaki. Panganay at bunso ay babae so magkakasunod kaming mga lalaki. Ito ang mga pangalan ng kapatid ko (hindi totoo) Cathy, Vein, Vinz and Mary. Si mama pinanganak sa cebu at yung papa ko sa Camotes Island. Isa kaming katoliko. Marami na din akong karanansan na kakaiba hindi lang ako, pati ng mga kapatid ko at magulang ko. Kung sino pa pala ang malapit sa diyos ay lapitin din ng demonyo. Lumaki kaming may takot sa Diyos, palagi kaming nagsisimba tuwing linggo at banal na araw (sino naman ang hindi sasama eh ikaw daw papaluin gamit ng walis at sinturon haha). Nagro-rosary din kami tuwing gabi. Ang ganda ng bahay namin kahit maliit ay para siyang simbahan. Yung ate ko ay youth (catholic charismatic renewal movement) ng simbahan at palagi niyang sinasama yung kapatid ko kapag nagmi-meeting at nagpe-praising sila at kaming tatlong lalaki ay mga knights of the altar, in short mga sakristan kami. Si mama ay nasa simbahan din katulad ni ate pero sila yung eldest version ng catholic charistmastic renewal movement at si papa naman ay pala-simba din noon at naging apostle sya nung holy week (matagal na yun).

Grade 3 ako noon. Isang araw nagising nalang ako ng mga 2am or 3am, nabigla ako sa nakita ko nasa kisame namin nakapako siya sa krus malinaw na malinaw sa akin yung mukha nya at katawan nya pati na rin yung mga preskong sugat nya sa kamay, paa at katawan. Takot na takot ako noon nagtago ako sa kumot agad sino ba namang hindi matatakot na magpakita si Jesus sayo (literal na takot)? Pagtingin ko  kay Jesus gumagalaw pa yung ulo nya hindi nya siguro ako nakita kasi isang mata ko lang pinalabas ko sa kumot kung marunong lang ako mag-drawing ginuhit ko na yung mukha nya. Nung umaga na, kinuwento ko sa mama ko sabi ng mama ko na gusto daw ni Jesus na maging pari ako kaya kinabukasan sumama ako sa mga kapatid ko para mag-serve sa simbahan doon na nagsimula ang pagiging aktibo ko sa simbahang katoliko. Yung ate ko naman ay 2nd life na nya yun na confined sya sa hospital tapos sabi ni mama wala daw findings nakita yung doctor at kwento pa ng mama ko na nagpakita daw si mama mary sa ate ko. At nong nung nagising na daw ate ako kinwento nya sa mama ko ang nangyari (hindi ko na sasabihin kung anong nangyari). About naman sa papa ko laging binabangungot ang papa ko baka dahil din siguro sa pagod. At isang gabi daw nagpakita ang Diyos Ama or Our Father Almighty sa papa ko, nakalutang daw sa hangin ng electric fan (wall fan) at napakaliwanag daw at hindi daw makikita yung mukha. May dala-dala daw na bola. Sleep paralysis, Astral?False awakening? Sapi? Yung nanaginip ka tapos naging totoo? Common na yan sa akin hehe, yes tama kayo lahat yan nangyari na sa akin except sa sapi. Yung sapi naman ay nangyari sa ate ko nung time na yun, yung ate ko naglilinis at nagluluto pero kaming magkakapatid ay nagkakalat so yun nagalit ate ko naging beastmode, pati bike tinapon nya hindi naman nasira, yung gulong lang naging square haha. Akala namin normal lang pero hindi pala  lumakas si ate ko, nag-iba ang boses at ang mga mata nya ay yung alam nyo yung adik? Ganon. Kaya sila mama nagtawag ng mga kasamahan nya sa simbahan pero yung ate ko tumatakbo sa kalsada nakatakas, napakalakas talaga hindi ko lang maalala kung sinukmurahan ba yun ng papa ko para maging kalmado (narinig ko lang sa papa ko).

Yan lang muna pagod na ako haha sa susunod kwento ko naman kung paano ako naging manggagamot.

Faith Healer

Pasensya na sa mga nagbasa ng unang kwento ko kung nayayabangan or hindi maiintindihan yung story ko dahil totoo naman yan tsaka hindi ko na idedetalye ang buong pangyayari tamad kasi ako. Intro palang po yun kaya ganun kinalalabasan dinugtungan ko lang yun ng ibang pangyayari para humaba pasalamat nga kayo may nabasa kayo sa spookify. Salamat pala admin chai.

Nagsimula akong manggamot noong elementary palang po ako, tinuruan ako ng simbahan gamit lang ang holy oil. Noong time na yun aktibo pa yung ate ko about activities sa simbahan. Sinama ako ni ate sa simbahan iba't ibang speaker yung nagsalaysay ng mga karanasan nila about kay God. Nung malapit na matapos yung activity tinuruan kami ng pag-heal sa lahat ng sakit spiritual or physical na sakit. Simula noon naghi-heal na ako sa sarili ko at sa mga kamag-anak ko pero yung pag-heal ko ay patago lamang. Pero hindi pa rin ako ligtas sa mga bangungot, sleep paralysis, astral projection at false awakening. Hindi ko lang alam kung bakit ganun malapit naman ako kay Jesus at nagsisimba din tuwing linggo. Marami na ding beses na muntik na akong mamatay, gabi-gabi kasi kung mangyari sa akin yung bangungot na yan, yung style ko para maiwasan ko ang  bangungot ay hindi ko na pinipilit yung sarili ko para matulog hintayin ko nalang na dalawin ako ng antok. May isang gabi pa nga na limang beses akong nagka-sleep paralysis (false awakening), nung pang limang bangon ko doon na ako kinabahan gigising at tatayo na sana ako kaso yung katawan ko parang hindi gumalaw, pagtingin ko sa likod ko nakahiga yung katawan ko so humiga ako ulit (astral projection). Hindi lang pala ako nakaranas ng ganyan pati pala yung bunso namin. Magkatabi kaming matulog ng bunsong babae habang magkatabi kami sya ay mahimbing na natutulog ako naman ay naglalaro ng mobile games nabigla ako hinawakan nya ako at kita ko sa mga mata nya na parang lalabas na hahaha. Tinatawanan ko lang sya at sabi nya na nakita nya daw ako (astral projection). Kumuha ako ng tubig at binigay ko sa kanya nagsimula na din ako magkwento sabi ko sa kanya naranasan ko din yan. Ngayon nako-control ko na yung sleep paralysis at minsan kung anong gusto kong mapanaginipan ay siyang mangyayari pati lucid dreaming. Tanong ko sa sarili ko bakit ganon? Malapit naman ako kay Jesus, pala simba naman ako hindi mabubuo yung araw ng linggo ko kapag hindi ako nakasimba. May nagsabi sa comment na kulang daw yung faith namin sasagutin ko, sobra pa nga faith namin kung tutuusin. Pero ngayon nasagot ko na yung mga tanong ko at hindi na rin ako nakakaranas ng sleep paralysis, astral, lucid dreaming at astral projection salamat sa Diyos. Nag-iba man yung Diyos ko pero yung paniniwala ko sa Diyos ay hindi nag-iba.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon