Opisina

302 8 0
                                    


Kailan ko lang na-encounter ang magbasa dito sa spookify, dahil yun pala ang hilig ng gf ko. At hindi ko rin pala alam na may ganito pa lang klaseng page na may kwentong katatakutan. Ang gf ko kasi merong third eye kaya humaling siyang magbasa tungkol sa mga nakakatakot.

Nais ko lang sanang ikwento ang aking istorya sa aming opisina, at sana man lang ma-i-post ito.
Tawagin nyo nalang po ako sa pangalang Kiko. Ako ay nagtatrabaho sa isang kumpanya bilang Messenger/Utility. Magdadalawang taon na ngayon. Sa di katagalang serbisyo ko dito ay may nakakapagsabi daw na may nagpaparamdam at nagpapakita daw talaga sa loob ng opisina. At hindi lang isang beses nangyari kundi madami na. Yung una hirap ako paniwalaan ang mga kwento-kwento nang aking mga katrabaho dahil hindi pa ako nakaka-encounter ng ganun. At ito ang aking unang narinig na istorya tungkol sa bagay na yun.

March 15. 2019. Biyernes bago magsimula ang aming team building ay nag-overtime kami sa trabaho para maghanda na kaming mga admin ng pagkain at inumin para sa mga dadalo sa nasabing okasyon. Ako bilang utility naman at natirang lalaki sa office ay naghahanda ng mga gamit na gagamitin para sa aming team building para bukas sa Morong, Bataan Beach. Maaga akong natapos sa mga gawaing yun kaya nagsimula na akong mag-empake ng gamit para umuwi na at makapagpaalam, naiwan nalang sa loob ng opisina ang tatlong kasamahan kong babae na Accounting, HR at Secretary namin.

Kinabukasan, nagising ako ng 2:30am ng madaling araw. Maaga akong pumasok kasi wala ang aking kasamahan sa trabaho, dumalo sa graduation day ng kanyang anak. So dahil Utility nga ako, ako ang nagbaba ng mga gamit na gagamitin para sa naturang event. Akyat, baba ang tema ko kasi 4th floor pa ang aming unit at pagbaba isasakay ko sa bus ang mga gagamitin at nagsimula na ding magpamigay ng pagkain na inihanda ng mga kasama ko kagabi. 6am nagsimula na ang biyahe namin. Nasa likuran lang kami ng bus mga admins at napansin kong hindi okay ang mga nakasama ko kagabi at nagsimulang magkwento. May nakita daw sila Ms. Lou, (Acctng) at Ms. Yssah (HR) sa room kung saan ay pwesto nang aming presidente sa kumpanya. Lalaki daw na matangkad, at maitim. Kung minsanan daw ay nagpaparamdam ito na biglang may mapapatid sa Entrance ng aming conference room. Kung minsan naman ay nanggagaya ng boses.

Fast forward. June 15. 2019 ay isinasagawa na ang aming payroll, habang naghihintay ng sweldo ay nakikinig lang ako ng radyo at kasama ko ang aming HR na si Ms. Yssah, habang nagtatrabaho kami, 7pm na ng gabing yun ay nagsimula nang tumunog ng kakaiba yung aming pinapakinggang radyo, ang sakit sa tenga kung pakikinggan. Kung pagpapalagay namin na nawalan ng signal ang radyo, ang sabi ko hindi dahil ang pagkakaalam ko kapag nawalan ng signal ang radyo ay hindi ito tutunog. At tutunog nalang uli ito kapag bumalik na ang signal. At ang sabi nya sakin, alam kong alam nya yun pagdating sa bagay na yun. Ang creepy nang naging tunog ng radyo, at nagsimula nang tumayo ang aming balahibo dahil sa takot na nararamdaman. Kasi dalawa nalang kami sa office na yun nagtatrabaho. Kaya nag-request sya sakin na hintayin ko sya matapos at sabay kaming umuwi. Ramdam ko ang takot na nararamdaman nya, bukod sa matatakutin talaga sya ay nagdadalang tao pa ito.

August 24. 2019. Kinabukasan ng Sabado, tumawag sakin ang aking boss, pinapapasok (overtime) para maglinis ng opisina, so ayun morning pa lang kaya nag-asikaso na ako agad at bumiyahe papasok ng trabaho para maaga din akong matapos at makauwi agad.
Pagkarating ko ng opisina nakita kong makalat sa conference room. Kung titignan parang hindi opisina, nagsimula na akong maglinis ng greese trap. Sa kalagitnaan ng aking paglilinis ay meron akong narinig na naglalakad, hindi ko na pinansin at inalam kung sino yun pero expected ko pumasok na si Kuya Roland, yung IT namin para mag-check ng mga computer o kaya yung kasamahan ko sa trabaho na si Kuya Neil na maglilinis din. At pagkatapos kong magkinis ng greese trap gulat ko na wala namang tao sa hallway at ibang departamento sa loob ng opisina. Pero nagpatuloy pa rin ako sa aking trabaho at sinimulan ko namang ibabad ang mga basahan at labhan ang map, at maglinis ng CR. At may narinig akong nagbukas ng pinto, di kalayuan sa pwesto ko. Hindi na ako nag-expect at tiningnan agad kung sino yun. At laking gulat ko na wala naman pala. Doon na nagsimulang tumayo ang balahibo ko at nanlamig dahil sa di maipaliwanag na dahilan. At di na ininda kung ano pa ang aking nararamdaman (habang tina-type ko ito ay nagsisitayuan na po ang mga balahibo ko) kaya pumasok ako ng pantry para kumain at magtimpla ng kape, iniisip ko na baka makulit lang ang aking imahinasyon kaya nangyayari to at sinasambit ang katagang pangalan ni "HesuKristo" At sa kalagitnaan ng aking pagkain ay may narinig na naman akong isang pagyapak. At pagsilip ko wala talagang tao na pumasok kundi ako lang. Agad akong bumaba ng unit at di na tinapos ang pagkain at nagpaload para makapagsabi sa boss ko na hindi ko muna matatapos ang aking duty.

Convo.
Me: Sir Jim.
Boss: Pumasok ka ba?
Me: Opo sir, may sasabihin lang po sana ako.
Boss: Si Neil nandiyan din ba? Yung greese trap dapat malinis ah.
Me: Sir Jim, di na nagiging maganda lagay ko ngayon pagdating sa loob ng opisina habang naglilinis ako. May naririnig na ko na kung ano e, pero magpapatuloy pa rin ako.
Me: Wala po Sir Jim, ako lang po ang naka-duty. Tapos na Sir Jim pati mga table magwawalis at magmamap nalang.
Boss: Ok tapusin mo nalang. Wala pa ba si Neil at Roland diyan?
Me: Kinikilabutan lang ako kasi may naririnig akong naglalakad, pangatlo na yun eh habang nagmemeryenda ako, kinain ko yung hopia sa may loob ng ref narinig ko na naman.
Wala po Sir Jim, mag-isa lang po akong naka-duty.
Boss: Hala buksan mo lang yung pinto. (kahit boss ko hindi na magawang magduda kasi meron daw talaga ditong nagpaparamdam at nagpapakita).
Boss: Saan mo narinig?
Me: Sa loob lang din kapag nasa pantry ako naririnig ko eh nagbabakasakali ako na baka si Kuya Roland yun o si Kuya Neil, pero pagsilip ko wala namang tao.
Me: Kanina nung naglinis ako ng greese trap, tapos yung pangalawa nung naglinis naman ako ng cr. Pangatlo na po ito Sir.
Boss: Buksan mo lang yung pinto. At magdasal ka.
Me: Hanggang ngayon ayaw bumaba ng balahibo ko Sir, pero tatapusin ko po duty ko ngayon. maaga akong mag-a-out, may oras na din ako na nasayang kasi di na maganda naging lagay ko sir eh.
Boss: Mag-pray ka lang 'In Jesus name' kamo, umalis sya diyan.
Boss: Buksan mo lang yung pinto, kina Madam galing yun, kasi meron talaga dun (President namin sa company).
Boss: Magdasal ka, at magpatugtog ka ng worship song.
Me: Opo Sir Jim. maraming salamat po.

Habang kausap ko si Sir Jim, hindi na ako mapalagay. Kinikilabutan ako at para kong lalagnatin. Umakyat ako ng unit para magpatuloy sa trabaho, ginawa ko ang mga payo sakin ni Sir Jim. Marami akong christian songs sa aking cellphone kaya agad akong nagpatugtog, at nagpatuloy ng mga gagawin. Medyo gumaan yung pakiramdam ko pero di pa rin maiiwasan ang matakot. Ayaw bumaba ng balahibo ko at nanlalamig sa takot kaya naisip kong patayin ang aircon, at nang matapos ko ng malinis ang hallway at mga department ay agad akong tumawag sa boss ko at nakiusap na baka pwedeng sa Martes ko nalang linisin ang pantry at conference room. Dahil nga holiday sa Lunes. Dahil kakaiba na ang nararamdaman ko. Bago ako mag-out, ay nakatanggap ako ng text message galing sa boss ko .

Text Message.
Boss: All office staff must be in the office on Tuesday, 8AM. Prayer warrior with Pastor Brian, about sa nakikita at nagpaparamdam na kakaiba diyan sa office. Be there.

August 27. 2019. Hindi na bago sa mga matatagal na employee dito ang may nagparamdam at magpakita sa loob ng opisina. Alam ng aking mga kasama na hindi lang isang beses kundi marami na, pagtapos non ay Nag-bless si Pastor, una sa pinto pagtapos sa CR at reception. At sa ibang department ng opisina.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now