Salabay

193 8 0
                                    


Usually every Friday nang hapon nauwi na kami sa probinsya, sa bahay nang kamag-anak ni hubs. Tapos pag Sunday ng hapon matic uwi na kami mga 3pm or 4pm. Since palaging ganon, meron na kaming nakasanayan na tulugan doon na kwarto. Maliit lang, kumbaga sakto lang samin ng dalawang anak ko at asawa ko.

Sanay na akong makakita nang mga creepy elementals/spirits. But this one is different. One afternoon while staying at the room alone, kasi sila nasa sala, merong bintana which is nasa bandang paanan ng kama namin. Kahit naka-close yung bintana, alam na alam mo pag may tao sa labas kasi aninag talaga lalo't maliwanag pa naman.

Babaeng nakaitim, basta alam ko itim ang damit nya kita naman tas may cover sya sa face na parang belo. Nagtaka ako, ginawa ko lumapit pa ako sa bintana, sabi ko sino kaya? Or totoo ba? So nung medyo lumapit ako, napansin ko na hindi talaga sya nakilos at sakin lang talaga sya nakatingin. Doon na ako kinabahan.

So lumabas ako ng kwarto, pmunta ako ng kusina at kumuha ng asin, nilagay ko sa may bintana pero hindi ko binuksan ah? Kinagabihan, sumama ang pakiramdam ko. Ang tamlay ko tapos ang bigat-bigat ng katawan ko. Hanggang sa umabot pa ng pang 2 days. Kaya sinabi ko na sa husband ko. Tapos nakwento ko na din yung sa nakita ko.

So sabi nya, tara punta tayo kay tatay manggagamot. Sinundo nya kami sa may bandang kanto ng bahay nila. Medyo may lakaran din na bahagya tas may talahiban. Nung nakarating na kami sa kanila sabe nya agad samin ano daw ang sadya namin? Sabi namin ay nadalaw lang, wala kaminh kinuwento sa kanya talaga. Sabi lang ng asawa ko "Tay masama kasi pakiramdam nya, may dalawang araw na."

Albularyo : Anong nararamdaman mo?
Me : Masama po e. Para bang may lagnat ako sa loob (yun lang sinabi ko)
Albularyo : Kumuha ng isang basong tubig, dinasalan nya. "Inumin mo."
Pagkainom ko, hinawakan nya ang kamay ko sabay pisil sa pinakamaliit na daliri ko. Napahiyaw ako ng malakas (oo alam kong masakit yun kahit kyo i-try nyo). Pero iba yung sakit niya, para bang may nawala sa katawan ko o may iba pang nasaktan sa ginawa nya. Tapos nagdasal ulit sya sakin at pinaubos yung tubig.

Albularyo : Kumusta ang pakiramdam mo?
Me : Ok na po! Parang gumaan na ewan.

Tumawa lang tapos sabi nya "ok yan. Wala na."

Wala syang idea na normal na lang saming mag-asawa ang maka-experience ng mga kung anu-anong kababalaghan kaya habang nagkukwentuhan kami ng mga creepy stories.

Sabay sabi nya na "Kung alam ko lang na naniniwala kayo sa ganyan, sana hindi ko na muna pinaalis yung babaeng kasama mo!"

Nagulat kami. As in! Sabi ko "sino pong babae?"

Albularyo : Kanina kasi habang naglalakad kayo sa may talahiban, papunta dito, merong babaeng nakaitim na nakasalabay sa likod mo!
Sana pala hindi ko muna pinaalis, para nakausap mo at natanong natin anong pakay nya sayo at sumama sya.

Hayop. Yun pala yung sanhi nang bigat ng katawan ko at sya pala yung babae na nakita ko sa may labas ng bintana. Nagawa nyang dumikit sakin. Kaya simula noon, hindi na ako nawawalan ng asin na bitbit. Sabi nila kahit saan ka pumunta always bring a pinch of salt sa katawan mo or sa bulsa mo. Pangontra sa elemento or spirits.

Sunod ulit yung iba.

Ka-esming

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon