Katotohanan (Parts 1 & 2)

203 11 0
                                    


PART 1

May taon na din nung namatay yung pinsan naming lalaki. Samin lahat na magpipinsan sya ang pinaka-kuya namin. Tandang-tanda ko pa din yung nangyari nung araw na yun. Isa ako sa kasama nya nung tinakbo sya sa ospital. Masakit para sakin/samin kasi sobrang bait nung kuya namin na yun. As in halos isakripisyo nya lahat para sa mag-iina nya lalo sa mga anak nya. Kahit na ang kwento samin e, niloloko sya ng asawa nya. Never nyang siniraan ang asawa nya samin, hindi nya ugaling magkwento.

At his age, nagmukha na syang matanda. Bagsak ang katawan, payat tas may mga puting buhok na. Alam mong may pinagdadaanan. Hanggang sa nangyari na nga yung ndi namin inaasahan. Isa sa naupa sa kanya tumakbo samin at sinabihan ang mama ko na si kuya nga daw puntahan at parang inatake. Agad kaming tumakbo, naabutan namin syang isinasakay sa tricycle.

Sobrang bigat nya, nakaihi na din sya sa pantalon nya, he's still holding his money. Nung sinusubukan kong kuhanin nga yung pera para itabi ayaw nya. Akala nya siguro ibang tao ako. When I told him na Kuya ako 'to si.... at saka nya lang binitawan yung pera nya, sabi ko huwag kang mag-alala itatabi ko 'to. Papalitan natin ng mas malaki. Kita nya yun sa pagpe-pedicab nya. Ilan ang anak nya, at todo kayod sya. Kaya siguro halos ayaw niyang ibigay.

Btw, kagat-kagat na nya dila nya nun, ndi na sya nagsasalita. Dilat na lang ang mata nya pero naka-steady na lang. (naiiyak ako habang kinukwento ko ulit) Iyak ako nang iyak nung time na yun kasi mahal na mahal ko yun. Sobrang bait sa lahat. Mabuting Ama at asawa.

Nung nasa ospital na kami tinapat na kami agad ng doctor sa sitwasyon nya, naputukan pala sya ng ugat sa ulo kaya wala na syang response. Though may pulso pa naman. Sinabi namin agad sa kapatid nya sa abroad ang nangyari, iyak nang iyak kasi sila na lang wala na silang magulang. Pati sa mag-iina nya sa probinsya sinabi namin. Agad namang mga lumuwas.

Lahat kami binulungan na si kuya na nandito lang kami, laban sya kung kaya nya pa pero kung gusto na nyang magpahinga tatanggapin namin. Hanggang sa bumulong na din ang anak nya, namaalam. Pati kapatid nya sa abroad. Pero may isang tao kaming sinabihan talaga, yun yung asawa nya.

Sinabihan sya ng mama ko at ng mga tita ko. Na "Neng, baka gusto mo nang humingi ng tawad sa asawa mo sa mga kasalanan mo? Baka ikaw na lang ang inaantay nyan kaya ayaw bumitaw. May alam kami sa mga kalokohan mo, pero never kang siniraan ng asawa mo samin. Humingi ka ng tawad."

Hanggang sa lumapit na sya, nakayakap kay kuya. Hindi na namin narinig mga sinabi nya. Privacy syempre. Basta ang dinig lang namun nung naghagulgol na sya na "Sorry, sorry" then after that words. Nag-flatline na lang bigla siya. As in kitang-kota namin yung guhit sa aparato. Nakakaiyak yun grabe! Hanggang sa huli prinotektahan nya ang asawa nya samin. Dinala nya sa kabilang buhay lahat ng sakit at bigat ng kalooban nya.

Kaya totoo yan. Bago mawala ang isang tao, kadalasan may mga inaantay pa sila. Saksi kami sa pagmamahal nya sa mag-iina nya.

Btw, saka ko na share kung paano namin nalaman kung anong tunay na nangyari sa kanya nung gabi bago nalaman nung naupa sa kanila sa silong kinabukasan ang lagay nya. Kung sino ang mga kasama nya, anong ginawa nila bakit sya inatake. Si Kuya din mismo ang nagsabi samin. Yes, siya mismo kahit wala na sya. Kung paano? Sa PART 2 ko i-share ah. Sakit sa dibdib magkwento habang umiiyak e.

PART 2

Continue ko na yung kung ano talagang nangyari sa pinsan ko that night nung inatake sya.

Actually, lahat clueless sa mga nangyari nung gabing yun, kahit mga boarders nya. So nung time na nakaburol na sya, umuwi na din yung kapatid nya galing sa abroad. Nga pala, baka maguluhan kayo ah, sa 1st story ko nakakausap sya nung kapatid thru phone, tinatapat lang namin cp sa tenga nya habang nakahiga sya nun sa bed ng hospital. So ayun na nga, pag-uwi ng kapatid nya, nagtatanong-tanong sya kung ano kaya talagang ang nangyari kaso wala namang makasagot talaga. Kahit mga kids nya curious.

Hanggang sa nakwento ng Mama ko mga experiences ko and tungkol din sa kaibigan namin na Albularyo. Magaling yun! Hindi ko kayo iko-comvince na maniwala sa kakayahan ng mga katulad nila pero totoong may mga totoo at magagaling na albularyo. Kaya nyang tawagin ang isang spirit or even mga elementals pati na rin mga mangkukulam na nananalbahe sa mga nalapit sa kanya.

Minsan na kong nag-medium (yung taong pinapapasukan ng spirit or elementals para makausap). To make it short, humingi sakin ng help yung kapatid nya. Sabi nya "please baka pwede namang tawagin mo ang friend nyo, alamin lang natin kung anong nangyari sa kanya (while crying). Sino ba namang hindi papayag?.

So dumatinf yung albularyo.

Albularyo : Lahat ng mahal ni... Magtipon kayo dito, tanungin nyo na lahat ng gusto nyong itanong habang nandito pa ang kaluluwa nya sa lupa, hindi pwedeng magtagal ang pakikipag-usap sa kanya dahil namayapa na yan.

Kumpleto kami, tapos nandun din ang panganay nyang anak na mismong pinaupo at unang ginamit as Medium.

Albularyo : Binanggit name ng kuya ko, sabay sabi ng "kung nandito ka, nandiyan ang iyong anak. Akong bahala, maaari kang pumasok at sabihin mo kung anong mga nangyari sayo.
Anak : (Naiiyak lang, naiyak nang naiyak)
Albularyo : Siya na yan! Kausapin nyo na.
Family : Kanya-kanyang tanong, pero tanging tango at iyak lang ang nagagawa nya. Walang words na nalabas aa bibig nya.

Sabi nung Albularyo hindi daw hustong makapasok sa kanya kaya need daw talaga ng may kakayahan. Sabay tingin sakin.

Albularyo : Ano para naman sa pinsan mo 'to?
Sabi ko "sige pero ndi po ako sure kung may mangyayari o kung kaya ko."

Pag upo ko. Kwento na lang 'to nang family ko ah. Syempre wala na akong alam sa mga nangyari once na pasukan na ako.

Albularyo : Ngayon ka na magsalita. Kwento mo ang nangyari sayo.

Mga tanong nila:

1. Anong nangyari sayo?
* Nag-inom kami kagabi, tapos biglang uminit ang pakiramdam ko paakyat sa ulo ko.
2. Sinong mga kasama mo?
* Sila Kris, Toy, Vergel.

Nung sinabi ko sa kanila na nahihilo ako sa init, inihiga nila ako sa upuan at tinapatan ng electric fan. Tapos Iniwan na nila ako non.

Grabe sakit ng ulo ko nun, naramdaman ko na lang na  namamanhid ang katawan ko. Pinipilit kong kumilos, hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Gumagawa ako ng ingay, kamay ko pa pinanghahampas ko sa sahig hanggang sa pahina nang pahina na pwersa ko. Ganon pagkakakwento nya habang iyak daw ako nang iyak. Syempre hindi ako yun. Siya yon.

Tapos hanggang sa iyak na daw nang iyak sila mama, mga uncles ko, anak nya, kapatid nya. Sabi sa kanya, "Bakit ka kasi nag-iinom pa alam mo nang highblood ka? Bakit? O tignan mo tuloy nangyari sayo. Mga hayop din yang mga kainuman mo, hindi ka man lang sinamahan. Hinayaan ka lang."

Sabay sabi nya daw na "Hindi ko pa gustong mamatay! Paano mga anak ko? Ayoko pa! Iyak nang iyak daw. Tapos dun na sya nag-start maghabilin sa kapatid nya, sa mama ko na huwag daw pabayaan mga anak nya, tulungan daw sila, mahalin, alagaan. Huwag na huwag daw pababayaan sa Nanay. Sabay kwento sya nang mga ginawa sa kanya ng asawa nya, Na hindi nya ginawa nung buhay pa sya. Ilang beses na daw syang dinumihan sa ulo, alam daw nyang hindi nya anak yung isa nilang anak pero tinanggap daw nya, Minahal nya na parang sa kanya. Ang sakit non mga ka-spooky diba? Ganon daw mga eksena during nung nasa katawan ko sya. Nung nakabalik na ko sa ulirat, magang-maga mga mata ko, pati mata ng mga nasa paligid ko. Nagyakapan sila. Nagiyakan. May mga galit na galit pa nga sa asawa nya nun pero sabi ng kapatid nya. Hayaan na lang daw, at ang kuya nga daw tinanggap lahat. Basta ang mga bata daw huwag pabayaan. Pero iyak pa din sya ng iyak. Hindi sila makapaniwala sa nangyari nung mga oras na yun. Pati mga uncle ko galit na galit din sa mga nakainuman nya e. Sabi nila totoo pala yang pagtatawag noh? Wala tayong kaalam-alam sa mga nangyari at mga saloobin nya. Nakakaawa.

Pasensya na kung sooooobraaang haba. Gusto nyo yan e, walang pabitin. Sakit sa kamay mga bes. Hehe. Till next story ko na lang ulit. Madami pa yan. True to life stories.

~ Ka esming

Scary Stories 5Where stories live. Discover now