Friday Night at Ang Babae sa Mall

162 6 0
                                    


(Edited) Tinaype ko 'to the night after ko sinend yung Kuya Leo and Ate Lea, which is last week.

Alas onse ng gabi. Pagdating ko sa terminal sa Bayan, nakita ko ang jeep nila Kuya Leo. Nasabi ko nga diba, na sinusundo na nila ako sa terminal. Nasa tabi niya si Ate Lea, binati ko sila parehas at sumakay na rin sa jeep nila. Mahirap na rin ang sakayan papasok sa Barangay na tinutuluyan ko pag ganong oras. Kaya malaking bagay rin na nandiyan sila. Habang nasa biyahe kami pauwi, nabanggit ulit ni Ate Lea sila Sara. Hindi naman umiimik si Kuya Leo pero paminsan-minsan ay tumatango siya.

Ate Lea: "Nandon ulit sila. Nakita rin namin ng Kuya Leo mo si Erin kanina. Lagi ka ba talaga nilang pinupuntahan?"

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Pumikit ako dahil 20mins pa naman ang biyahe namin pauwi. Napamulat ako ulit sa sinabi ni Ate Lea.

"Bampira sila? O mga anghel? Elle, guardian mo sila? Tama?"

"I don't know, Ate." Hindi na niya ako kinulit, pero alam ko naman na alam na rin niya base sa mga nakwento ko. Unang ma-meet ko pa lang si Ate Lea, sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Nasabi kong hindi ako bihasa sa lahat, pero I know na special si Ate Lea. Napatunayan ko rin siya dahil imposibleng makita niya sila Ian ng ganon-ganon lang. Meron rin na isang beses na nagkasakit ako. Si Ate Lea ang gumamot sa akin. Kilala rin sila ng mga magulang ko, kaya kampante sila dahil binabantayan rin naman ako nila Kuya Leo.

Pagdating sa bahay, nadatnan nga namin yung tatlo. Pero as usual, hindi talaga nakikita ni Kuya Leo sila Sara. Katulad ng nakasanayan ko, si Erin nakaupo lang sa sala at yung dalawa magkatabi banda sa terrace. Dire-diretso lang akong pumasok kasunod ko sila Ate Lea, ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Naririnig ko pa si Kuya Leo na tinatanong ang asawa niya kung nandon ba sila Ian. Sinaway pa siya ni Ate Lea na huwag magulo. Binalewala ko sila at hindi na ako umimik. Sa sobrang tahimik naming lahat, pakiramdam ko dinig ko na pati ang hampas ng hangin. Nagpaalam na sa akin ang mag-asawa, nagpasalamat ako sa kanila. Paalis pa lang sila nang magsalita si Erin. "Elle, mag-resign ka sa trabaho mo." Hindi ko na sana siya papansinin pero nagsalita ulit siya. "Mag-resign ka. Manhid ka na ba talaga? Hindi mo ba nararamdaman o nakikitang may ibang sumusunod sayo?" Dala siguro ng pagod ko, mabilis nag-init ang ulo ko. That night, parang ayokong makarinig ng kahit na ano. Parang mas gusto ko na mabingi kami sa katahimikan.

"Boss? Ikaw ba nagpapasweldo sa akin? Pagod ako, Erin. Wala akong panahon sa mga ganito mo. Wag muna ngayon! Pagpahingahin ninyo ako! At tsaka, ano naman kung meron? May bago ba doon?"

Hindi niya ako inimik. Kahit sila Sara ay hindi rin nagsalita. Nakatingin lang rin sa akin ang mag-asawa. "Kayo nga sunod ng sunod sa akin. Nagreklamo ba ako? Hindi diba? Tsaka hindi ako manhid! Lahat nararamdaman ko. So, sana kayo rin."

"Hindi mo ako naiintindihan, Elle. Yung babaeng nakasabay mo sa escalator noon! Nung nasa mall ka. Siya ang sumusunod sayo."

"ALAM KO! WAG MO KONG GAWING TANGA!"

Lahat kami nagulat maliban sa magkapatid, nung kumalabog ang pinto sa kwarto na tinutulugan ni Erin. Naglakad ako agad papunta doon at binuksan ang pinto, sarado ang mga bintana at wala namang tao. Napalingon ako sa kanila nung nagsalita naman si Sara, "Kanina ka pa nandito, pero ngayon ka lang nagpakita. Ang ganda rin ng pasok mo." Sa harap naming lahat, yung babaeng tinutukoy ni Erin. Mismo sa loob ng bahay ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako makaramdam ng takot, hindi tulad noon na una ko siyang naramdaman. Ngayon parang wala na lang. Hindi ko alam kung dahil nasanay lang ako sa presensya ng isang yon or sadyang hindi na ako nagugulat sa mga nangyayari.

Maganda siya. Matangkad katulad ni Sara. Maputi at tulad nung una ko siyang nakita sa Mall, ganon pa rin ang style ng buhok niya. Boy cut. Hindi siya umiimik, nakatingin lang siya sa akin. Inirapan ko siya at naglakad palapit sa bag ko, bago ako pumasok sa kwarto sinabihan ko silang lahat ng "WALANG MAINGAY OR ELSE MALILIGO KAYO SA BULTUHANG TAWAS!"

Kinaumagahan, na-realized ko na masyado akong naging magaspang. Masyado akong nagpadala sa pagod ko na umabot sa puntong sigawan ko na si Erin. Paglabas ko ng kwarto nakita ko siyang nagkakape sa sala. Walang pagdadalawang isip na humingi ako ng sorry. Alam kong mali ako. Alam kong hindi maganda yung inasal ko nung gabi. Masyadong nagiging mainitin ang ulo ko simula nung dumating ulit sila. Pasalamat na lang ako at sobrang haba ng pasensya nila, lalo na nung dalawang magkapatid.

Yung babaeng tinutukoy niya. Siya yung umalalay sa akin nung muntik na akong ma-out of balance sa escalator. Nangyari yon nung kasagsagang wala silang tatlo. Nakasakay ako ng escalator noon, nahilo ako na parang nalula. Muntik na ako matumba at nahawakan ako agad nung babaeng yon. Nung araw na yon, medyo hindi pa nga malinaw sa akin kung babae ba talaga o lalaki dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko, at nahihilo talaga ako. Hindi ko siya kilala kahit ang pangalan niya. Pero that day, alam kong hindi siya tao. Masyado siyang maganda at kakaiba ang aura lalo nung hinawakan niya ako. Masyado rin siyang mabilis dahil nung bago niya ako hawakan, alam kong ilang baitang ang layo naming dalawa. Nagpasalamat ako sa kanya nung araw na yon at hindi ko na siya tinignan ulit.

Matapos non, nagpunta ulit ako sa mall. Nasa biyahe pa lang ako pakiramdam ko talaga na may nakatingin sa akin. Pagdating ko sa mall pumasok agad ako at hinanap ko yung friend ko. Pero habang naglalakad ako, nandon pa rin yung pakiramdam na may nakatingin at sumusunod. Takbo-lakad na ang ginagawa ko. Nung nakita ko ang friend ko, hinila ko kaagad siya sa bandang food court. Sinabi ko sa kanya na may sumusunod sa akin. Hinanap niya pa yun, tinanong niya ako kung lalaki. Wala akong maisagot kasi hindi ko alam. Hindi naman ako masyadong matatakutin sa mga pakiramdam-pakiramdam. Pero nung araw na yan, grabe yung nginig at panghihina ko sa sobrang takot.

Nung una akong nag-stay dito sa tinitirahan ko ngayon, bago dumating sila Erin dito. Nasabi ko rin na parang may kasama ako, na parang hindi ako nag-iisa. Naisip ko na baka siya rin yun. Hindi ako sigurado pero, mas okay na rin na maghinala minsan. Sa mga nagdaan, wala ng imposible. Lahat ay posible na at hindi na ako nagugulat pa. Tahimik lang sila, kahit yung babaeng yon. Sa ilang araw, nakikita ko na magkakatabi sila nila Sara at Ian. Pero si Erin? Lagi niya akong sinasabihan na wag na wag akong didikit dun kay girl. Ewan ko sa kanya, wala naman ginagawang masama sa akin. Masyadong mainit ang ulo. Hindi na rin ako nagtatanong pa ng mga bagay-bagay sa kanila. Gabi na ako lagi nakakauwi galing work, kaya wala pa akong time na magkausap-usap kami ulit.

Ikukwento ko sa susunod ang mga naging panaginip ko before at hanggang sa makilala ko sila Erin. Hindi ko alam bakit tinanong ni Ate Lea kung may balat ako. Mostly sa mga tao meron naman talaga diba? Wala naman siyang masamang meaning o kahit na anong ikakatakot ninyo. Balat means, nakikita ng mga mata mo. Visible mark siya na pwedeng pagkakakilanlan sayo. Siguro nagkataon lang na may mga taong gifted while having a balat. So, nonetheless wala lang yun. Relax.

Babae ako. Bisexual. Alam ng lahat na bisexual ako.

ELLE T.

Scary Stories 5Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt