NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)

177 5 0
                                    


Part 1

Sweldo: $100 (₱ 5,000)
Gagawin: Manatili sa CCTV Room at bantayan ang bahay.
Oras ng Trabaho: 12AM - 4AM
Note: Kahit anong makita mo or madinig mo huwag na huwag kang aalis sa CCTV Room at bawal ang mobile phone at dumating bago mag-12AM.

Rules:

> Simula 12AM to 1AM i-lock lahat ang pintuan at bintana, patayin lahat ng ilaw.

> Simula 1AM to 2AM tingnan ang CCTV, kung may makita kang lalaki na nanonood ng TV sa sala, patayin ang CCTV sa parteng iyon, pabayaan lahat ng tunog na madidinig mo at kung mararamdaman mong may humawak sayo, pumikit ka lang hanggang sa mawala.

>Simula 2AM to 3AM tanggalin ang takip sa bintana, kung may madidinig kang tinig galing sa bintana kausapin mo pero huwag na huwag mong tingnan hanggang sa magpaalam sya at pwede ng ibalik ang takip. Kung may makikita kang babae na nagluluto sa kusina pindutin mo ang blue button hanggang sa mawala ang babae.

>Simula 3AM to 3:33AM makinig ng music sa iPod sa pinakamalakas na volume at takpan ang tainga at pumikit, pabayaan lahat ng tunog at mga galaw sa paligid mo.

>Pagkatapos ng 3:33AM pwede ka ng gumala sa loob ng bahay pero di ka pwedeng umalis bago mag-4AM.

*Kung may rules na hindi na gawa magtago sa ilalim ng desk.

Pumasok ako sa bahay at medyo luma at maalikabok na ito, pero ang kusina at sala ay napakalinis, pumunta ako sa 2nd floor at pumasok sa CCTV room, maliit lang ito, may isang upuan at desk para sa control ng CCTV.

Tiningnan ko ang computer at 12:03AM na, may isang oras pa ako para libutin ang bahay at isara lahat ng kailangang isara at patayin ang ilaw.

Pagtuntong ng 1AM ay bumigat ang pakiramdam ko at parang gustong-gusto kong umalis, pinaandar ko na lahat ng camera.

Nanginginig ako pero kinalma ko ang sarili ko at pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga rules.

Pagdilat ko ay kalmado na ako, may narinig akong mga yabag ng paa pero nawala din naman, di tumagal ay may narinig akong tawa galing sa speaker ng CCTV.

May lalaking nanonood ng TV.

Cooking show ang pinapanood at tumatawa ang lalaki, pinatay ko agad ang camera sa parteng iyon, at lumakas ang tunog ng TV na umabot sa CCTV room, napaisip ako na ano bang klaseng lugar ito at bakit 1:20AM pa!

Habang hinihintay kong mawala ang tunog ng TV ay mas lalo pang lumakas ang pagtawa ng lalaki at may mga ibang tunog akong nadidinig, pagkatapos ay biglang tumahimik ang paligid, nawala na ang tunog ng TV at tawa ng lalaki, hinay-hinay kong binuksan ang camera sa parteng iyon at salamat ay nawala na yung lalaki.

Sobrang tagal ng oras at sobrang tahimik ng paligid hanggang sa tumunog ang speaker at 2AM na, pumunta ako sa bintana at tinanggal ang takip, pagbalik ko sa upuan ay biglang tumunog ang speaker, tunog ng kaldero, nakita ko ang isang babae sa camera na naka-apron at nagluluto ng itim na itlog, bago ko pa man mapindot ang blue button,

"Hi Chris." Boses ng babae galing sa bintana, nag-focus ako sa computer at pinilit na hindi tingnan ang babae.

"H-hi, k-kumusta ka?" Nanginginig ang boses ko na halatang takot.

"Binibisita ko lang ang mga kapitbahay natin at nakita kitang narito, gusto ko lang kumustahin ka" Nasa 2nd floor ako pero bakit nasa bintana sya?.

"O-ok naman ako, salamat" Lumakas ang tunog na nanggagaling sa kusina.

"Sige at mauuna na rin ako, masaya akong nakilala kita."

"A-ako rin masaya na nakilala kita"

"Paalam" gusto kong tumayo at ibalik ang takip ng bintana para hindi ko na marinig ang boses nya pero pinipigilan ako ng katawan ko. "Matalino ka pala, akala ko makukuha na kita, pero babalikan kita sa susunod, Paalam" Naghintay ako ng ilang segundo at siniguradong wala na ang babae pagkatapos ay ibinalik ko na ang takip sa bintana.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now