Immersion (Parts 1-5)

375 13 0
                                    


PART 1

Parte ng pagiging Nursing student ko noong college ang tumira sa tahanan ng isang pamilyang di mo kakilala para matutunan kung pano sila mamuhay at matuto mag-adjust at makisalamuha. Lahat kaming mga nasa 3rd year noon ay pumuntang Quezon para sa aming immersion. Kabado na may halong excitement ang nararamdaman ko nung nasa biyahe palang. Dumating kami sa isang covered court kung saan nandon din ang mga pamilyang pansamantalang kukupkop sa amin sa loob ng isang linggo. Dalawang estudyante kada isang tahanan ang setup. Kakain kami kung anong pagkain nila at matutulog kasama sila.

Si Pedro ang naging kasama ko noon na mula sa ibang section kaya di rin kami masyadong close pero mabait naman sya. Kami ay napunta sa pamilya ni Nanay Jelly at agad kaming nagtungo sa tahanan nila dala ang mga gamit namin. Nang sinimulan na naming maglakad ay napansin ko na may kalayuan ang bahay nila sa court kung saan maraming nakatira.

Sa wakas at narating din namin ang bahay nila sa bandang dulo na nang daan. Malaki ito para sa isang pamilya, may itaas din, gawa sa kahoy ang paligid. Walang pinto at may mga parte ng bahay na di pa nalalagyan ng palitada. Di pa daw iyon tapos ayon kay Nanay Jelly. May isang ding kapitbahay pero malayo ang pagitan nila.

Kinagabihan pagkatapos kumain ay natulog na ang lahat. Di naman ako namamahay kaya nakatulog na din ako agad dala na din siguro ng pagod sa biyahe. Madaling araw na, mga bandang 2am nang maalimpungatan ako. Medyo nag-alangan akong bumaba ng bahay dahil alam kong madilim na pero parang di ko na mapigilan pa ang ihi ko. Ang palikuran nila ay kailangan mo pang tawirin ang kalye sa harapan na di ko rin alam bakit nandon. Napilitan tuloy akong umihi nalang sa gilid ng bahay kung saan may liwanag na mula sa ilaw sa tapat ng pinto.

Nakakatakot na ang paligid kaya pinilit kong huwag mag-isip ng mga nakakakilabot. Nang nakaharap na ako sa pader ng bahay ay ayaw agad lumabas ng ihi ko kahit na alam kong puno na ang pantog ko. Pumikit ako at habang umiihi ako'y tumayo ang balahibo ko sa lamig ng hanging tumama sa balat ko. Napatingin ako sa paligid pero di ko nakitang gumalaw ang mga dahon sa halamanan at puno. Nasa aktong papasok na ako ng pinto nang makita ko sa gilid ng mata ko sa gawing kanan na limang metro ang layo sa kinatatayuan ko, may babaeng mabilis na dumaan. Nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko at parang napako ang mga paa ko sa nasaksihan ko. Isang babaeng mahaba ang buhok na nakasuot ng mahabang itim na damit ang nakatayo sa di kalayuan. Nakayuko ito pero narinig kong tumatawa sya na parang nasa tapat lamang ng tainga ko ang bibig nya. Kumaripas na ako papasok dahil nakita kong hindi nakasayad ang mga paa nya sa lupa. Nagkukumahog akong umakyat at humiga muli sa tabi ni Pedro na alam kong gising pa din ng mga oras na yon. Nanlalamig pa ang mga pawis ko nang bigla nyang sinabi na "may nakaitim na babaeng kanina pa nakatingin sa pagdating natin." Lalo akong natakot sa sinabi nya kaya nagdasal ako ng matindi at pinikit ang aking mga mata. Unang gabi pa lamang yan sa isang linggong inilagi namin sa lugar na iyon. Sa susunod ko na itutuloy ang iba pang karanasan namin na nakakapanghilakbot na immersion.

PART 2

Isang maaliwalas na umaga. Sikat ng araw na mula sa siwang ng dingding na kahoy ang gumising sa akin. Ayoko na lamang isipin pa ang nakita ko na para bang panaginip lang ang lahat. Ayokong puro takot lang ang maiisip ko ng buong linggo dahil masasayang naman ang point ng pagpunta namin doon. Matapos mag-agahan ay tumungo na kami ni Pedro sa court para sa assembly at orientation ng mga activities. Masaya kong nakita ang iba pa naming mga klasmeyt. Yung iba ay di nakatulog ng maayos dahil namamahay at di siguro sanay sa matigas na higaan. Yung iba naman parang parte na agad sila ng pamilyang tinulayan nila sa sobrang palagay ng loob. Pagkatapos ng mga gawain namin sa komunidad ay nagkaroon kami ng oras para puntahan ang tahanan kung saan tumutuloy ang mga kaibigan ko. Bahagya akong nainggit nang makita kong halos dikit lang ang bahay doon at di masyadong nakakalungkot pag gumabi na.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now