Compiled Stories 25

158 5 0
                                    

Suite 503

Hi po. Silent reader po ako at sana po ma-post itong story ko. Actually, ise-send ko na sana yung message ko kaso biglang nawala kaya back to zero ulit. Sana po ay magustuhan nyo at pasensya na kung mahaba.

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Ella. May 2019 nung magsimula akong magtrabaho sa Makati bilang Secretary. Sa Suite namin, may 8 rooms at ang 6 rooms dun ay mayroon lamang na 1 empleyado kada room. Yung dalawang rooms ay tambakan ng mga libro at ibang lumang gamit. Bihira lang pumunta ang mga boss namin kaya nabo-boring ako minsan sa office namin kasi mag-isa lang ako. Magkatapat ang cr namin at pantry kaya minsan napapatingin ako at minsan natatakot kasi saktong nakatapat sa lalagyan ng pinggan ang pinto ng cr ng babae at lalaki. Hindi sya totally magkalapit, mga 15 hakbang ang layo ng cr at pantry namin.

One time, pumasok ako ng maaga mga mag 5:30am yata yun. Mag-isa lang ako sa elevator at hindi ako sanay. Pagtungtong ng 5th floor, ang dilim pa kasi wala pa palang tao pati sa ibang mga katabing offices. Habang nagbubukas ako ng main door namin, feeling ko may nakatingin sakin galing sa ewan ko basta feeling ko may nagmamasid sakin. Narinig ko may nagsara ng pinto galing sa loob namin. Sabi ko sa sarili ko, may tao na pala pero laking gulat ko pagbukas ko ng pinto, nakapatay pa lahat ng mga ilaw namin sa hallway at lobby. Kasi pag may tao na, nakabukas na yung mga ilaw at aircon sa hallway. At hindi pa ako nakakapagbukas ng pinto ng office namin, may narinig na akong nag-flush sa cr. Binuksan ko muna ung office namin at inilapag ang bag ko bago ako nagpuntang cr pero pagpunta kong cr, walang tao pero ang pinakanagtataka ako, may mug sa lababo at mainit-init pa, it means may kakatapos lang magkape. Nagsimula na akong matakot. Lahat ng rooms, sarado pa. Wala pa talagang mga tao. Pumunta ako sa room ko at binuksan ang pc. Habang nagta-type ako, may dumaan sa likod ko at tumagos sa pader. Paano ko nakita? Nakita ko sya sa monitor ng pc. Lalaki, tumagos sya sa katabing room ko at bigla akong nagulat kasi may narinig akong nagbukas ng pinto at nanggagaling sa katabing room ko kung saan tumagos ung lalaki. Paglabas ko, nakita ko si Ate Karen at sabi ko sa kanya, "Ate buti dumating kana agad." Sabi nya "Bakit, may problema ba?" Sabi ko "Oo 'te meron. Kasi parang may nagpaparamdam kanina sakin." Sabi nya "Nakita mo ba?" Sabi ko "Nakita ko sya 'te habang nakatingin ako sa monitor at tumagos sya papunta sa room mo." Binuksan nya agad yung room nya pero wala kaming nakitang kakaiba. Sabi nya "Nagparamdam na rin pala sayo" tapos bigla nya akong tinawanan. At sabi pa nya, "Minsan nagpapakita din sya sa Lobby, tumitingin ng mga paints na nakasabit. O kaya minsan nakaupo sa upuan sa lobby pero nakayuko. Minsan nakatayo sa isa sa mga open rooms na nakapatay ang ilaw pero hindi mo makikita ang mukha nya, minsan nakaupo at minsan nagsi-cr pa kaya minsan nagtataka tayo kung bakit may ihi sa cr ng lalaki at hindi pina-flush." Sabi ko "May narinig akong nag-flush sa cr kanina pero walang tao", sabi ni Ate Karen "Sya may gawa non." "Tapos minsan may naririnig akong naghihilik galing sa ilalim ng desk ko." Sabi ni Ate "Baka sya rin yun kasi maintenance dati yun dito sa building at namatay na." So ako mula ng malaman ko yun, hindi na ako pumapasok ng maaga. Bago mag-8am na ako nakakarating ng office kaya palaging may tao na pagdating ko.

Kahit sa cr sa 4th floor, pag bumababa ako at natatanaw ko ang cr ng lalaki, nakikita ko pa din sya malapit sa pinto. Nakatalikod lang palagi. Naka-black pants at white polo. Natatakot ako nung una pero unti-unti ko ng sinasanay sarili ko huwag lang syang haharap.

Hanggang dito na lang po at pasensya kung mahaba. Marami pa akong kwentong nakakatakot sa pinagtatrabahuhan ko pero next time na lang ulit. Salamat po Spookify. More power.

××Ateghurl

Anon Street

Ako si Carl Joshua hindi ko tunay na pangalan. Isa akong delivery guy ng isang kilalang kompanya ng pizza. Naka-assigned akong magtrabaho sa gabi. May 20, 2007 dakong alas-7 ng gabi ng makatanggap kami ng order mula sa isang customer mula sa 51 Anon Street, Quezon City (hindi tunay na pangalan ng street). Kasama ko sa trabaho noong gabing yun ang kaibigan kong si Ching. Nang matanggap namin ang order ay agad na akong bumiyahe. Hindi naging madali ang pagbiyahe ko dahil traffic. Ngunit, makalipas ang 20 minutes ay nakarating ako sa Anon Street. Humanga ako sa naglalakihang bahay.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon