Training Center

164 3 0
                                    


Hi/Hello Admin, just hide my identity baka makilala ako and iisa lang kasi ang account ko. Sana ma-post din, thank you in advance.

2015

Nagsimula akong maniwala sa mga multo-multo na yan nung minsan akong maimbitahan sa Training Center ng kaibigan ko para mag-painting. Ako at yung iba pa naming kaibigan ay sumama, pagdating namin dun sa TC, mapuno, maraming halaman pero tanaw na yung mismong TC. Late 80's nung maitayo yung bahay na yon, oo sobrang luma niya tignan tapos wala pang pintura. Bungalow type yung bahay. So ayun pagpasok namin sa TC may ibang youth na nagpipintura so kami naman kumain muna then gumawa na. Kinagabihan, Dun kami sa Function Hall natulog lahat, siguro mga 2am na yon gising pa din ako kasi namamahay ako, bale tatlo pa kaming gising non that time. Nakahiga lang ako sa papag then yung dalawa nagse-cellphone lang nang may marinig kaming umiiyak na batang babae, Yung iyak na halos humikbi na. Nagpapakiramdaman kaming tatlo kung narinig ba namin yung iyak. Paghinto nung iyak tsaka ko pa lang sila tinanong kung narinig ba nila yon, ang sabi nila oo narinig din nila, tumayo kami para tignan sa kwarto yung iyak pero mukhang sa silong nanggaling yung tunog (lalabas ka pa sa likod na pinto then baba sa kaliwa para marating yung silong) kaya hindi na namin pinuntahan.

Fast forward. Hindi nagtagal sumali na ako sa organization nung kaibigan ko kasi exciting din e kasi patungkol sa nature eme-eme. May mga yourh na nagsabing meron talagang nagpaparamdam dun, hindi nagtagal nasanay na lang kami na may ganon na kasi hindi naman sila nakakagambala (minsan tumatao kami don, isang linggo ganon) nandiyan yung nagpapatay sindi ang ilaw, maglalaglag ng mga kutsara o kaya naman bubuksan yung gripo sa kusina at cr, may mga yabag din na hanggang tatlo lang, tapos may mga kumakatok din. Pero isa sa pinaka-worst at pinakakinatakutan ko ay yung huling paramdam samin ng kaibigan ko, ako at yung kaibigan ko lang nun sa TC, bandang 10pm nasa office kami. Dun kami matutulog, Syempre nood TV ganon. Maya-maya may naririnig kaming nagtutulak ng monoblocks na upuan sa Function Hall, dinig na dinig ko kasi halatang mabigat yung monoblocks dahil magkakapatong yung upuan. Una di ko pinansin pero nung kaibigan ko na yung nagtanong kung naririnig ko daw ba, dun na ako natakot ng husto, maya-maya nawala na din yung tunog bandang 11pm kumuha na kami ng banig (pagbukas ng pinto tanaw na yung Fucntion Hall at madadaanan namin yung harap bago namin makuha yung banig). Paglabas namin ng Office laking gulat namin kasi nakalabas na yung dalawang patong ng monoblocks, tapos yung isa namang nakaharang sa pinto ng Function Hall. Walang ibang gagawa nun kasi kami lang ang tao sa TC non, sarado ang pinto at ang bintana kaya walang ibang makakapasok at imposible din na magalaw ng hangin yun dahil sa bigat ng upuan. Kami pa nga ang naglinis sa Function Hall nung hapon at mismong ako ang nagsandal ng monoblocks sa pader na malapit sa pinto. Dali-dali naming kinuha yung banig at unan tapos nanakbo kami pabalik, pero aktong papasok na kami sa office may yabang na pasunod samin sobrang diin ng lakad niya parang nagdadabog pag-lock ko ng pinto parang hinampas yung pinto ng office sa lakas ng katok. Sobrang takot namin that time kasi first time na manyari yung ganong klase ng pagpaparamdam, Nagdasal kami ng kaibigan ko then kinalaunan nawala na. Kinabukasan, pagdating ng iba  kinuwento namin yung nangyari, marami pang klase ng pagpaparamdam sa TC, na hanggang ngayon nangyayari pa din. Ilang beses na pinabendisyunan yung bahay pero wala pa ding nangyayari siguro dahil na din sa tagal at kalumaan. Share ko yung iba pagna-post 'to. Ty!

Badeeng
PS: Sorry kung magulo, hindi talaga ako marunong magkwento hahaha!

Scary Stories 5Where stories live. Discover now