Amadeuz Tale : Jenny

181 6 0
                                    


Warning : sobrang haba pero sana pagtiyagaan nyo. Amadeuz ito di ko na patatagalin pa.

Nangyari ito noong 2nd year high school kami. Meron akong kaibigan, tawagin nalang natin sya sa pangalang Jenny. Well, si Jenny, hindi lang sya yung may mabigat na dinadala kundi halos buong family nya.

Nakatira sila Jenny sa Parang, Marikina. Naikwento nya sakin noon na nasunugan sila. Bukod tanging tatay nya saka kapatid na lalaki ang nakaligtas. Namatay sa sunog ang nanay nya pati ang dalawa niya pang kapatid na babae na mas bata pa sa kanya. Na-trapped, hindi na nagising habang mahimbing na natutulog, na-suffocate. Nung tumagal after ng malaking sunog sa lugar nila. Matapos ilibing ang nanay at mga kapatid nya. Lagi nya ng nararamdaman na parang laging may sumusunod sa kanya. Naalala ko pa noon nung nag-uusap kami sa telepono. Bigla na lang siyang nagsisigaw tapos may malakas na kumalampag. Kinabukasan pumasok siyang namumula yung mga paa saka may bandage na sa mga sakong. Bukod doon ay may mga marka din siya sa mga braso. Na mukhang hinawakan ng mahigpit kasi kita mo yung bakas ng mga daliri, yung tipong ni-grabbed yung wrist mo tapos hindi binitawan hanggang magkapasa. Namumula na din na at namamaga yung mga dulo ng daliri nya. Tuklap yung ibang kuko. Nung una inisip ng teacher namin na baka inaabuso sya ng tatay nya o kaya ng kapatid nyang lalaki. Hindi sa paraang sexual kundi pisikal na pambubugbog. Naaawa kasi ako, bukod sa napakabait na kaibigan ni Jenny, malumanay pa sya kung magsalita. Matalino saka maganda. Actually, madaming nagkakagusto sa kanya. Madami din ang naiinggit sakin kasi sakin lang sya nagtitiwala. Malakas din ang kutob kong hindi yun kayang gawin sa kanya ng tatay nya lalo ngayon dalawa nalang sila ng kuya nya na natira. Dahil doon naisipan kong pumunta sa kanila. Para na din papaniwalain yung sarili kong mali ang paratang ng mga kaeskwela namin pati ng teacher namin. Pati na din ako kasi ay medyo nag-aalangan na din. Sumama ako sa kanila kunwari gagawa kami ng homework. Kilala na din kasi ako nila tito. Kaibigan ko din yung kuya nya. Kasi magkasing-edad lang naman kami, matanda lang ako ng 3 taon kay Jenny. Doon ko napatunayang hindi. Dahil nakikita ko kung paano sya protektahan ng kuya at ng tatay nya. Alagang-alaga pa kami sa meryenda. Bukod don nakikita ko ding naglalambing si Jenny sa tatay nya. Mahal na mahal ni Jenny ang magulang nya't mga kapatid simula noon. Inabot ako ng gabi sa bahay nila. Nagpaalam ako saglit na pupunta sa kusina para kumuha ng tubig kasi nakakahiya kung iuutos ko pa. Binuksan ko yung ilaw sa labas saka tumawid paunta sa kusina nila. Nakahiwalay kasi kusina saka lutuan nila sa bahay. Kailangan mo pang lumabas. Yung switch din ng kusina nasa bahay nila bale may tumawid lang na kawad papunta sa kabila. Saka sa cr, yun habang kumukuha ako ng tubog sa ref pakiramdam ko may mga taong nakatayo sa likod ko very unusual yung pakiramdam. Yung tipong nagpunta ka sa isang bahay na makikiinom ka pero lahat ng tao nakatingin sayo nakakailang. Na parang di mo kayang inumin yung tubig. Dahil pakiramdam mo minumura ka na nila sa isip. Wala sa baso ang focus ko kundi sa paligid habang umiinom. Medyo kinikilabutan na din ako kasi 8pm na. Wala ng mga batang naglalaro sa labas bukod tanging tunog ng mga ligaw na palaka saka huni ng mga kulisap na lang ang maririnig mo. Kasabay ng malamig na ihip ng hangin na dumadampi at nagdudulot ng paninidig ng mga balahibo ko sa katawan. Di pa ako nag-aahit non kaya ramdam ko down there tumatayo din, mula balahibo ko sa binti pataas hanggang anit. Kasalukuyan akong nakikiramdam sa paligid nun nang biglang namatay yung ilaw sa loob. Tangina shock ako.
Kasi wala namang tao sa sala that time para magpatay. Di din naman gagawin yun ni Jenny kasi masyado siyang seryosong babae para gawin yun. Nung lalabas na ako para sana buksan ulit biglang nag-on ulit yung ilaw. Kasabay ng anino na naglakad papunta sa sulok ng kusina. Di na ako naglakas ng loob na balikan. Natakot na din ako. pero nung in-off ko yung switch ng ilaw, sabay tingin ulit sa kusina may naaaninag akong taong nakatayo kung saan. Nakita kong nagpunta yung anino. Pero nung binuksan ko yung ilaw wala naman. Pagpinapatay ko nandon talaga sila nakatayo sa sulok aninag na aninag mo yung korte ng tao na nakatayo paharap sa bintana. Di mo aninag yung mukha pero alam mong nakatitig sayo. Nasa ganong sitwasyon ako nung naabutan ako ng tatay ni Jenny. Napagsabihan pa ako na baka mapundi yung ilaw sa kusina. In-on nya yung switch saka nagpunta sa kusina para uminom din ng tubig. Sa puntong yun wala na akong Nakita. Kaya bumalik na ko sa loob para tapusin yung ginagawa namin. 

Kinabukasan, bumalik kami sa bahay nila Jenny. Pero this time nagsama na kami ng isa pang babae para hindi naman masyadong awkward bata pa ako noon. Nahihiya pa akong isipin ng ibang tao na nanliligaw na ako sa murang edad. Tawagin natin sya sa pangalang Lorreta, yun talaga ang pangalan nya haha. Pagkatapos ng ginagawa namin, 10pm sabado walang pasok kinabukasan. Yung kuya ni Jenny si Nato nasa loob ng kwarto nila natutulog, habang kami ni Lorreta ay nasa sala, nakahiga si Jenny sa lap ko tapos si Lorreta nakahiga naman sa kabilang sofa nila, ako nanonood ng tv. Habang nanonood ako naramdaman ko na sobra yung lamig. Hinawakan ko yung braso ni Jenny ang lamig-lamig nya din kaya ang ginawa ko kinuha ko yung shirt kong baon saka ikinumot sa kanya. Nung bigla siyang bumalikwas sabay huminga ng sobrang lalim na akala mo kinakapos. Syempre nag-panic ako, hinaplos ko sya sa likod pero pumiksi sya na ayaw magpahawak sabay tumitig sakin ng masama. Nahiya ako saka hindi nakapagsalita nung bigla din siyang tumayo sabay lumabas papuntang kusina. Nagtaka ako inisip na nagalit, akala siguro chinachansingan ko sya. Nagising din si Loretta. Sabay tanong "saan pupunta yun?". Nagkibit balikat ako sabay balik sa pinapanood ko. Nang biglang bumalik si Jenny, may hawak na kutsilyo. Nakatitig lang samin. Natakot si Loretta sabay takbo papunta sakin. Nag-panic ako kako "ano ba ginagawa mo Jen? Bakit hawak mo yan?" Pero hindi sya kumikibo. Nakatitig lang sya kay Loretta. Maya-maya tumalikod sya sabay humarap sa pintuan. Nung time na yun may naramdaman na akong kakaiba. Kinikilabutan ako na parang may mga tao sa loob na hindi namin nakikita. Ramdam ko yung presensya. Sobrang bigat nakakahilo sobrang sakit sa ulo, balikat na gusto mong masuka. Nakatalikod lang si Jenny. Maya-maya lumakad sya papunta sa kwarto ng kuya nya. Saka nya pinagsasaksak yung dingding. habang ginagawa nya yun may binibigkas siyang latin habang nakatitig lang sa pader. Nung nagsawa hinagis nya yung kutsilyo sabay humarap samin. Nakatitig lang sya palipat-lipat yung tingin nya, this time nagising na din yung kuya nya. Nagtatakang nagtatanong kung ano ang nangyayari samin. Saka nya nilapitan si Jenny. Pilit na kinakalma. Pero hindi sya pinansin nito, sa halip ay tumalikod ulit saka pinagkakalmot yung pader hanggang tumusok yung mga kahoy na pinagtamaan ng saksak sa mga kuko dumudugo na pero hindi nya tinitigilan, nagcha-chant lang sya ng latin. Yung lamig saka bigat ng pakiramdam nandon pa din, mas bumibigat pa. 5 mins siyang ganon 5 mins din syang yakap ng kuya nya hanggang sa tumigil, sabay balik ng titig sa amin this time kay Lorreta na. "Loretta, Loretta, Loretta, Loretta" sinasabi nya yan ng paulit-ulit habang nakangiti na akala mo nababaliw. Di ko makita yung sweet, matalino at mahinahong babaeng kaibigan ko sa sitwasyon nya ngayon. naiiyak na si Loretta. Balisa. Natatakot di alam kung ano ang gagawin. Ganon din kaming dalawang lalaki. Sumigaw si Jenny ng malakas. Sabay takbo papasok sa kwarto nya. Paglabas nya may dala na siyang necklace cross. Baliktad na kulay itim, takbo palabas habang tumatawa sabay umakyat sa puno nagpalipat-lipat lang sya hanggang mawala sa paningin namin. 5'1 lang ang height ni Jenny nung time na yun pero akala mo pusa sa bilis umakyat. Nawala yung hinhin. Dumating ang tatay nya 11pm na. Sumama na kaming maghanap, nagpatawag na din ng mga kaibigan saka tanod na tutulong para maghanap sa kanya. Hanggang inabot kami ng madaling araw. Eksaktong 3am pagpasok namin sa bahay. Nandon si Jenny, kalmado, nakahiga't natutulog na akala mo walang nangyari. Nagdudugo yung mga daliri, nanlilimahid din sa dumi yung katawan. Dahan-dahan namin siyang nilapitan. Pagdilat nya bigla nalang siyang nag-iiyak iniinda yung mga kuko nya saka mga galos sa katawan. Ang huling natandaan nya nakahiga lang sya sakin. Pagkatapos non wala na. Inuwi si Jenny sa province nila sa Mindoro para ipagamot daw. Huling yakap ko sa kanya mangiyak-ngiyak pa siyang nagpaalam sakin. "Babalik ako pag magaling na ko." Simula noon hanggang ngayon wala na akong balita. Kahit Facebook nilang magkapatid di ko din mahanap umuwi noon yung tatay nya para kubrahin yung perang bayad sa binenta nilang bahay sa Marikina pero hindi nya sinabi kung ano na ang lagay ni Jenny kung ano ba ang totoong nangyari. Jen, nasan ka na ba?. Kung may nakakakilala sayo na nagbabasa dito sa story ko sana ipaalam naman sayong hinihintay pa din kita. Sana ok ka lang. Hanggang dito nalang. Alam kong hindi nakakatakot pero sana huwag nyo akong i-bash. May pinuntahan na ditong babae yung guide ko. Kaya nalaman kong may anak sya. Ang hirap nilang pabalikin halos nanakit ulo ko saka nagkandasuka ako sa pagtawag. Gusto nilang manguha ng buhay para lang patunayang totoo sila. Di ko pa sila kontrolado, kaya wag nyo akong bina-bash bwahaha...Joke lang God bless you all.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now