Past 3AM

193 3 0
                                    


Warning : Long post ahead...

Umaga na akong nakakatulog dahil sa may malala akong insomnia;
October 21, Monday, nanunuod ako sa youtube at nararamdaman ko na ang mabibigat kong talukap na gusto ng magpahinga. Bago ako tuluyang natulog, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone ko, past 3am na nang madaling araw. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, nanaginip na ako, at sa panaginip ko, nasa isang bahay ako. Nakita ko ang kapatid kong bunso na naglalaro sa sala, tapos pumunta ako ng cr, pero pagbukas ko nasa cr ang bunso kong kapatid. Nakatayo lang sya sa loob, tapos ngumiti nang buksan ko ang pinto na tila ba pina-prank ako nito.

Nagtaka ako, dahil nasa sala sya kaya paanong napunta sya doon? Kaya ang ginawa ko, pumunta ulit ako ng sala, nandun pa rin ang kapatid ko, naglalaro. Kaya kinabahan na ako dahil dalawa sila, meaning, ang isa'y Doppelganger. E 'yung cr, katabi ng kwarto, kaya nakita kong pumasok dun ang kapatid ko. Dali-dali akong pumasok sa loob, nakita ko ang Mama ko, nakahiga sya ng patagilid, habang nakapatong ang mukha sa palad nya, habang ang kapatid ko naman nakaupo. Sabi ko "May kamukha si H****, nasa sala." And the weird part is, sinabi ko ito ng malakas, kaya dito ako nagka-idea na nananaginip ako, dahil dinig na dinig ko ang sarili ko ng sabihin ko yun at dire-diretso ang pagkakasabi ko (sleeptalk, kumbaga).

Hindi nagsalita ang Mama ko, basta nakatingin lang sya ya sakin, sinilip ko ulit 'yung kamukha ng kapatid ko sa sala, andun pa rin at naglalaro. Bigla akong naalimpungatan, pero sandali lang, dahil sa sobrang bigat ng talukap ko, natulog ulit ako, at bumalik ulit ang panaginip ko. At sa pagpapatuloy ng panaginip ko, nakita ng kapatid ko ang Doppelganger nya, kaya pumasok ako sa loob ng kwarto, sabi ko sa Mama ko "Diba sabi ko sayo, bantayan mo sya at huwag mong hahayaan na makita nya ang kamukha nya?" I don't know why kung bakit 'yan ang nasabi ko.

My Mother didn't respond, may kakaiba siyang ngisi at tingin na sobrang creepy habang nakatitig sakin. Napagtanto ko na ang babaeng yun ay hindi ang nanay ko. Pagpasok ng kapatid ko sa loob, agad akong lumapit sa kanya, sabi ko "Bakit ka nagpakita sa kamukha mo?" And he ask why. Tumingin ako sa Mama ko at kasabay ng pagsasalita nya, sinabayan ko rin ito na parang alam ko na ang sasabihin nya. "Dahil mawawala ka." halos pasigaw kong sinabi ito, katulad kanina, narinig ko ang sarili ko dahil talagang sinabi ko ang salitang ito. Pero na-realized ko na ang salitang 'yun, hindi nagpapahiwatig sa kapatid ko, kundi sakin.

Sa isip ko, kailangan kong idilat ang mga mata ko, dahil alam ko na ang patutunguhan ng panaginip ko, babangungutin na naman ako. Nagawa ko namang idilat ang mata ko, but dang, it's werid dahil my force na bigla na lang pumasok sa loob ng katawan ko. Tapos para akong nagka-seizure, tumirik bigla ang mata ko, kasabay ng pagnginig ng bibig at katawan ko. Kusa na lang din bumigat ang katawan ko na parang nakadikit na ako sa kama. Hindi ako natakot, kasi madalas talaga akong binabangungot, pero ito na yata yung pinaka-weird, kasi parang may sumasanib sakin.

Ang ginawa ko, sinubukan kong igalaw-galaw ang kamay ko, kasi parang dito galing yung lakas na hindi ko maintindihan. Nagawa ko naman na matanggal yung lakas na yun, bago ko pa man maidilat ng maayos ang mata ko, may nakita akong parang itim sa kisame, hindi ako sure pero meron talaga akong nakita. Tapos hindi na ako mapalagay sa paligid, tapos parang hinihila ulit ako na ipikit ang mga mata ko.

PS. Minuto rin ang nakalipas ng maisipan kong i-type sa cellphone ko ang nangyari sakin, dahil alam kong malilimutan ko. Saktong, 4:29am ko natapos ang pagta-type ko, binasa ko sya bago ko ginawa ang post na ito, at ayun puro typos (lmao).

Anyway, may kakaiba talaga sakin, minsan kapag nananaginip ako at nasenyasan kong iba, magiging aware ako na nasa panaginip ako. Before, kapag naaaninagan ko na may itim na bigla na lang dumaan o sandali kong nakita sa loob ng kwarto, alam kong ang kaakibat nun ay bangungot.

Thanks in advance, Spookify! Matagal ko ng gustong mag-post dito ng mga kababalagahan sa buhay ko, at sobrang dami talaga, nahihiya lang talaga akong mag-share. Hehehe.

-CruelSummer-

Scary Stories 5Where stories live. Discover now